Saturday, November 17, 2007

Another Blog

Kamusta na kayo? Gusto ko lang sanang ipakilala ang isa ko pang bahay na madalas kong tuluyan sa ngayon.... Baka gusto mo lang bumisita, you are so much welcome!

Tuesday, October 30, 2007

Fafa Piolo

I finally met my longtime crush last Saturday and gosh it really made my day super duper enjoyable. Kinilig si Misyel the first time she saw Piolo on stage like most of the people inside the hall. The concert is not that good though because of the venue, sound system and lightings but to simply glimpse at my fafa P is all that matters to me, hehe… I’ve been in the Philippines for so many years pero dito ko lang pala siya makikita sa Canada, ang saya talaga! :)

I want to share with you a short video I took during the concert:

Friday, October 19, 2007

Kamusta na?

It's more than 2 months since my last post... Kaya eto na po si Misyel nagbabalik. Pagpasensyahan na po kung medyo matagal akong nawala. Sa loob ng dalawang buwan madami din nangyari sa akin, ang pinaka highlights nito eh yung paguwi ko sa ating mahal na bansa.


Isang buwan na din ang nakalipas simula nung bumalik ako dito sa Canada. Hayyy, natatandaan ko pa ang lahat ng mga good memories ng bakasyon ko. Super duper enjoy ako dun kapiling ng mga mahal ko sa buhay. Ang sarap makasama ang pamilya, atlast nabuo din kami at nadagdagan pa ng isa. Kinasal ang sister ko kaya sabay din kaming umuwi, simpleng kasal lang, pili lang ang mga bisita halos mga relatives lang ang nandoon. Masaya ako para sa aking kapatid (kahit naunahan si ate Misyel niya, hehe), mabait ang hubby niya kaya salamat sa Diyos. Apat na linggo din ako nagstay dun pero bitin pa pala yun, halos araw-araw nasa labas ako namamasyal kasama family ko. Na-meet ko din mga kaibigan ko and syempre gumimik din si ako (mawawala ba naman yun..). Kaya nung pabalik na ako dito naramdaman ko na yung sobrang lungkot at lalo na nung nandito na ako, two weeks din ata akong nag-iiyak sa sobrang homesick. Mahirap talaga mapahiwalay sa mahal sa buhay pero kailangan magsakripisyo para din sa kanila. Sana lang sa sunod kong balik sa atin eh, mas matagal ako para mas makasama ko sila ng matagal.


Kamusta na ba kayo? Pagpaumanhin niyo sana ang di ko pagdalaw ng matagal sa inyong mga bahay, hayaan niyo babawi ako... Tenk yu ng marami sa lahat ng bumisita dito sa inamag kong lungga. Share ko sa inyo mga photo ng bakasyon ko dito at kasal ng sister ko naman dine. Enjoy viewing!

Friday, August 03, 2007

Eksayted

Noon kapag malungkot ako or walang magawa kaharap ko na pc at nagbablog na ako pero ngayon di ko man lang ma-update 'tong bahay ko. Hindi naman sa ayaw ko na magblog pa, nagbabasa lang ako ng mga blog niyo pansamantala pero di ko pa din maiwasan magkwento ngayon hehe... Nabusy lang talaga ako lately, kasi nga summer at palagi ang gala kasama mga pinsan o kaya kaibigan. Bukas nagkayayaan na naman lumabas at tiyak ko na masaya ito kasi kasama lahat ng mga pinsan ko, aba minsan lang ata mangyari ito hehe. Kaya I hope enjoy to the max ang lahat.

Excited na din ako dahil ilang tulugan na lang tantararan.... makakasama ko na mga love of my life ko, hay after ilang years may picture na naman kami na buo ang pamilya. Uuwi din ang sister ko kaya I'm sure masaya talaga at may kasalan pang magaganap, hmm abangan! hahaha... Makakain ko na din mga pagkain na nami-miss ko lalo na yung luto ni Papsy na puso ng saging na may saluyot (oh diba noypi na noypi?! :D ). Yung mga friends ko hinihintay na din ako, naku mapapalaban ako ng kwentuhan nito at kain na walang kasing sarap, hehe. Oh well, excited na talaga si ako!

Sana di kayo magsawa sa pagdalaw, I wish makakwento ako ng may sense naman sa susunod, nyahaha. Stay happy and keep on rockin'!

Wednesday, July 18, 2007

Ang pagbabalik ng lakwatsera!

Matagal din bago ako nakapag-update ng inaagiw ko na blog, sa mga dumalaw po maraming salamat. Masyado lang naging busy si Misyel, lakwatsa dito gala doon ang ginawa ko plus some documents na kailangan gawin on the other side. Madami kasing pwede puntahan ngayon dito, umulan man o umaraw maraming invitation para sa pasyal or party.

Nakapangako ako na magsi-share ako ng mga photos from my birthday party last June 30, kaya eto po pagpasensyahan nyo na yung mga makikita nyo.




After nung party nakabakasyon ako for one week kaya sinamantala kong mamasyal at dumalaw sa mga mahal ko. Nakapag-enjoy naman ako, lalo na nadalaw ko yung lola ko na matagal ko ng di napasyalan, biruin mo nandito lang kami pareho sa Toronto pero one year na din since huli kong dalaw sa kanila. Masaya sila na makita ako at ganun din si Misyel, nagstay ako ng ilang araw kila lola. Tapos nakasama ko mga pinsan ko at friend sa Ontario Place. Magandang pasyalan lalo na sa mga kids, super enjoy ang mga pamangkin ko, syempre ako din. Inulan nga lang kami nung araw na yun pero sulit pa din, thank God wala naman nagkasakit sa amin.

The following week naman my friend and I went to Centre Island, matagal ng plan yun ng mga friend ng kaibigan kong si Glenda kaya even though its raining hard tuloy pa din kami. Masaya naman kasi may nakilala akong mga new friends. Pagtila ng ulan pasyal pa din kami and ikot sa loob ng Island. It's a nice place, every summer napunta ako dun maganda kasi pasyalan.

Here are some of the photos from my pasyal:



<


Sayang di ko nadalaw karamihan sa inyo, pero one month na lang kikitain ko kayo hehehe... Hayy wish ko lang magawa ko yun. Pero malapit na ilang tulugan na lang kita ko na mahal kong bayan , yipeee! :)

Thursday, July 05, 2007

Paramdam

One week bakasyon si Misyel kaya wala pang update, tamad mode at pasarap muna sa gala... Next post baka maglagay ako ng mga photos from my party last Saturday. Makikibasa muna ako for now ng mga blog nyo.

Sige pasyal muna ako, hehe...

Thursday, June 28, 2007

Bertdey Gurl


Uyyy, birthday ni Misyel! Yay, another year older hmmm but still feelin' so good and lovelier (walang aangal, its my day! hehe)...

Thank God for the past year, for protection and all the blessings. Thank you so much for giving me such a beautiful life and nice people around me. Please help me be a better person and hold on to what Your future brings.

Let's rock en roll and have fun, yahuuu!!!


Thursday, June 21, 2007

Summer Time!


Simula na ng summer ngayon dito sa Canada, Thursday - June 21 at exactly 2 pm (kung paano nila nakuha about yung sa time di ko na alam basta nalaman ko lang yan sa mother-in-law ng cousin ko, hehe).

Simula na naman ng tag-init at tag-pawis pero I guess maraming tao ang masaya kasi sandaling panahon lang ito mangyari mas matagal kasi ang tag-lamig at tiyak naman sa mga panahon na yun eh buong katawan mo manginginig sa ginaw. Sa labas marami ka ng taong makikita lalo na sa mga park, meron iba't-ibang activities at mapapasyalan. Pwede na din pumunta sa mga beaches at bukas na din ang mga amusement places. May makikita ka na ding mga nagiihaw-ihaw sa kanilang bakuran, nagkakasayahan at syempre di nawawala ang mga parties. Kaya simula na naman ng tag-taba, hehehe... Pero ok lang kasi sandali lang naman at mas madaling i-burn ang fat kasi pinapawisan ka. Madami na ding laman na makikita sa mga tao, I mean marami ng sexy na naglalabasan nakaskirt, nakashort, skort or capri pants. Ang sarap maglakad tuwing hapon, huwag nga lang sobrang init kundi sunog ang kulay mo. Bakasyon na din ng mga studyante at sunod-sunod na din ang mga graduation (sa family namin may lima na grumadweyt) at syempre pa palapit na din ang hinihintay kong bakasyon para makasama ang mga mahal ko sa buhay, yahuuu!

Hayyy, kay ganda ng panahon... Tara sama ka pasyal tayo! :)

Sunday, June 17, 2007

My Papsy

The last time I saw my papsy (yeah, this is what I call my dad) tears were falling into his face, maybe because one of her darling daughter is leaving far away from them... I was so touched that time, although I'm happy that the waiting was over (coming here to canada) sadness was also there... I am not used being away from my family, the very first time was when I went to Indonesia for a six months vacation but It's like 6 years away from them.

Pinalaki kami ni papsy in a good and Godly way. Naalala ko pa nun mga bata kami uuwi siya from work na may dala laging pasalubong and sampaguita (para sa altar namin). My dad is so faithful, he will never missed going to church every Sunday and finds time to read his Bible every single moment. Masarap din magluto ang papsy ko, when mom is tired siya yung magluluto, specialty niya yung sisig and dininding (mixed veggies). He even washes our clothes when mom is so exhausted. I didn't hear my dad fight with my mom even though there are times na nagna-nag si mama (u know women, hehe), never niya sinaktan si mama and until now makikita mo pa din yung love niya for her.

Sabi ko noon sa sarili ko and I think even my sister, na kapag mag-aasawa kami hahanapin namin yung katulad ng dad ko. He's one in a million (ooops, hindi po dahil sa dad ko sya ha pero mapapatunayan din yan ng mga cousins ko)...

Madaming hirap na pinagdaanan ang dad ko pero I can say we're so proud na napatapos niya kaming tatlong magkakapatid. Malaking pasasalamat namin sa kanya and for my mom too dahil kung ano man kami ngayon yun ay dahil sa lahat ng ginawa nila para sa amin. Kung papipiliin nga ako ni God kung sino gusto kong maging tatay ulit, ang pipiliin ko siya pa din na PAPSY ko!

Thank you Lord for giving me such a loving, humble and responsible father.

....................

Happy Father's Day Papsy and to all the daddies out there here's a song for you.... (just click on the play button) >('',)<

Get this widget
Share
Track details

Thursday, June 14, 2007

PACQUIAO

I'm not blogging about our sikat na boxer Manny... Naisip ko lang ang cute ng name ng boyfriend ng sister ko ngayon. At first di ako makapaniwala sa name niya or ayaw lang tanggapin ng utak ko, hehe..

Here are some of our conversation in YM:

mitch (5/30/2007 1:06:01 PM): sino lalaki mo dyan ha?
Charry (5/30/2007 1:34:26 PM): ako
Charry (5/30/2007 1:34:28 PM): po
mitch (5/30/2007 1:34:43 PM): sina ka nga po?
mitch (5/30/2007 1:34:45 PM): sino
Charry (5/30/2007 1:35:05 PM): ryan po
mitch (5/30/2007 1:35:12 PM): eeewww
Charry (5/30/2007 1:35:26 PM): y po
Charry (5/30/2007 1:35:27 PM): eeewww
Charry (5/30/2007 1:35:29 PM): ?
Charry (5/30/2007 1:35:59 PM): cge michael n lng po
mitch (5/30/2007 1:36:12 PM): hahaha

Ryan Michael, what a name! My Ex boyfriends name into one? Hahaha! Cool eh?! Di talaga ako tantanan ng mga name na yan, pero don't care about them anymore nagulat lang siguro ang lola Misyel nung nalaman ko. Sa dinami ba naman ng pangalan sa mundo eh yun pang name nila ang pangalan ngayon ng BF ng sistereth ko, astig!

When my parents and cousins heard about it natawa din sila, kaya nasabi ng mom ko "aba at pinakyaw niya pangalan ng BF ng ate mo noon!". So ang name na niya sa amin eh Pacquiao, hahaha.

Anyway, Ryan man or Michael it doesn't matter kasi iba naman siguro sya sa kanila :) Wuhooo, ang sister ko may BF na atlast! I hope no more pain and heartaches for her now. Congrats to you and Pacquiao! :D

Tuesday, June 12, 2007

I WON!

Yippeee! I won the 1 year post contest of Leah, want to know what it's all about check this out.

I got it wrong on the first guessed but since she didn't say that you will only need to answer once I did try it the second time around and I got it right this time, yehey!

So here's my prize:

Cool eh?!? A sleeveless top from esprit, tamang-tama summer na.... Thank you so much ate Lhea :)

Saturday, June 02, 2007

One year na ang blog ni Misyel!

Nakakatuwang isipin naka-isang taon na pala ang blog na 'to, di ko namalayan until nabasa ko yung new entry ng cousin ko na si Leah. One year na pala blog niya and naisip ko din habang nagko-comment ako sa post niyang yun na i-check ko yung sa akin. I remember kasi isa si ate Leah sa nagpushed sa akin magblog, pero naisip ko noon hindi naman ako magaling magsulat at ano naman ilalagay ko? Kaso dahil ata sa malakas ang hatak ng mga pinsan ko eh napilitan ako (napilitan ha, hehe) na magkwento ng kung ano-anong bagay lalo na syempre sa sarili ko... Mga kwentong nararanasan ko sa buhay, saya, lungkot, mga drama sa buhay.

Binasa ko ulit una kong post dito at pagkabasa ko natuwa ako, actually nauna kong pinost yan sa friendster ko pero naisip ko gumawa na lang ng sariling blog, yun bang hindi mababasa ng mga talagang kakilala ko. Pinag-isipan ko maigi kung anong pwede kong ipangalan sa blog ko, since puro kwento tungkol sa akin mga ilalagay ko dito naisip ko na Kwentong Misyel. Misyel kasi short for Michelle at tawag kasi yan sa akin ng pinsan kong si Ronald na naghikayat talaga sa akin na magblog.

Natutuwa ako kasi naging part na ito ng buhay ko din (drama eh?), kadalasan kapag malungkot ako or stressed nakakapagpost ako, naging stress reliever ko na din 'to at pang-alis ng boredome. Naging way din to para makakilala ako ng mga blogger sa iba't-ibang sulok ng bansa at sarap malaman na madami palang magagaling magsulat, they inspired me so much, napatawa, napahagikgik at napatango nila ako.

Kahit na hindi ako tunay na manunulat nagpapasalamat pa din ako kasi may i-ilan din na bumati, napadaan at sumilip sa aking munting bahay. Marami pong salamat sa inyo! :)

Wednesday, May 30, 2007

Kwento ng Inaantok

Yeah yeah, sleepyhead na naman ako, hehe... Ewan ko ba kapag ganitong oras (4pm) parang nagbu-beautiful eyes mata ko at gustong pumikit kaso di naman ako makatulog kasi hindi ako nasanay magnap sa hapon. Ginagawa ko lang I busy myself sa kung anik-anik na bagay.

Last weekend lumabas ako, my friend invited me to a party nagpunta ako and sinama ko din cousins ko and my nieces. Oh diba ang saya? Nagsama pa talaga ako ng kasama, hehe... Pero thats ok kasi kapag may party din naman sa amin ini-invite din mga friends ko.

The following day we went to watched a movie called Paraiso, a very good movie that gave us a lot of cryings and laughter too. It's a trilogy movie that shows what Gawad Kalinga do for our fellow citizen who needs shelter and support. You must see this one, very encouraging and heartwarming...

Today Is my uncle's 70th birthday kaya punta kami sa kanila to celebrate it, imagine 70 na siya pero malakas pa din, it's Gods blessing to reach that age and I know madami pang celebration na ganito for him :)

Have a nice day everyone >_<

Thursday, May 24, 2007

May the Fours Be With You!

I'm checking the blogs that links on my site and saw that Bea tagged me just now, so here Is Misyel's version of this meme...

4 JOBS I’VE HAD
  • Data Encoder in a land developer company
  • Secretary volunteer in our church in Pinas
  • Computer Operator in a multilevel company
  • lastly, my present job Commercial Model (ng patis, hahaha)

4 MOVIES I’VE WATCHED OVER & OVER
  • The sweetest thing (naaalala ko kasi lagi mga friends ko sa movie na yan)
  • Spiderman
  • The notebook
  • yun lang ata eh, wala na kong maalala

4 PLACES I’VE LIVED
  • Pasay
  • Manila
  • Makati
  • Toronto

4 TV SHOW/STATIONS I LIKE TO WATCH
4 PLACES I’VE BEEN ON VACATION
  • Pangasinan (my dad's place)
  • Tarlac (yeah I'm kapampangan too, mom ko naman)
  • Indonesia
  • Singapore

4 OF MY FAVE FOODS
  • Steak food
  • Sinigang na baboy
  • Beef/Chicken Teriyaki
  • Noodles

4 PLACES I’D RATHER BE RIGHT NOW
  • Japan (gusto ko talaga magpunta dyan, hmm sana mangyari)
  • UK (para makapagshopping, hehe and makasama Sis ko)
  • New York
  • Pinas (malapit na, yahuuu!)

4 PEOPLE WHO WILL (hopefully) RESPOND TO THIS MEME

Tuesday, May 15, 2007

Reunion

I'm not announcing any reunions here, kundi gusto ko lang po i-share yung saya ko recently hehe :) Matagal-tagal na din mula nung mag-join ako sa friendster. I searched a lot since then for my old friends, classmates and syempre sa mga crushes or special someone ko, hihihi... May mga nahanap naman ako and na-add sa lists of friends ko. But then nga recently lang biglang nagsulputan mga classmates ko noon, mostly batchmate ko nung college. Nakakatuwa everytime na may magadd sa akin or makikita ko na lang na someone viewed me na classmates ko pala.

Una, yung classmate ko nung grade school nagulat na lang ako she invited me to join her list of friends. Sa tagal na di ko sya nakita ('di ko na iri-reveal kung ilang years na ha, hehehe...) syempre medyo di ko na maalala yung face, laki kaya ng improvement niya, she was chubby and bit dark before pero nung makita ko hmmm as in sexy gurl na talo ang lola misyel sa ganda ng katawan at wala na ang itim na nakakapit sa kanyang balat :D Mega chika kami sa friendster muna and from then on continues na yung communication namin. Mula sa kanya nakita ko iba naming classmate and nagkaroon din ako ng chance para kamustahin sila.

Next, sabi ko hahanap ako ng classmate ko nung highschool but I guess hindi sila mahilig sa ganyang mga social networking or talagang di ko lang sila makita kaya wala ata ni-isa sa kanila sa list ko...

Nagjoin ako ng group sa friendster and isa sa sinalihan ko yung school ko nung college, nag-try ako kasi sabi ko I might see my classmates there. Pero wala maski isa, hahaha. Hinayaan ko lang sa page ko yung group tapos ngayon unti-unti nandoon na mga classmates and batchmates ko. Nagugulat na lang ako na nadami na sila sa list of friends ko, yung mga di ko inaasahan na makita ka-reunion ko na sa net and may group na din kami dun sa batch namin, gawa ng pare ko na classmate ko nung college na naging asawa ng barkada ko noon at may dalawa na silang anak ngayon na naging inaanak ko pa, hehe (kinuwento pa talaga hano? :D ). So, slowly nagju-join na sa group mga batch namin at sana dumami nga ang members para magkaroon ng reunion sa Pinas. Nakakatuwa pa yung classmate namin na crush ko noon eh nakita ko na din atlast! hahaha... So ka-reunion ko na din sya nito eventually at mare-reminisce ang nakaraan (kulit!). Masaya na makita ulit mga nakasama mo ng matagal sa skul at makita na most of them are now successful in life.

Thank God sa technology ngayon, kahit na malayo ka parang abot kamay mo lang mga mahalaga sa buhay mo. Reunion sa net??? Hmm, so nice and maybe much better if one day we'll be able to see each other in person. I wish! :)

Wednesday, May 09, 2007

Headache

Arrrggh, sakit ng ulo ko talaga.... Hindi dahil sa may kinaiinisan ako or whatsoever kundi talagang masakit dahil ata sa init ng panahon. Yes, umiinit na dito sa amin yipee! So far umabot na kami sa 26 °C at ang mga pipol nakakapagsuot na ng pang-summer. I hope tuloy tuloy na ito pero sana wag naman sobrang init, baka araw-araw eh sumakit ulo ko.

Ang mga bata dito super enjoy kasi dami silang activities, mga niece ko parati gusto sa park kaya hayun ang tita Misyel nila nakakapagpark din, ang sarap din ng pakiramdam kasi nung tag-lamig eh nakakulong lang talaga, lumabas ka man eh nakabalot kana tapos gusto mo agad nasa warm na lugar ka. Maalala ko nung last time pala na magpunta kami ng park may isang chinese old woman na tumabi sa akin, nung una nasa kabila siyang bench but eventually lumipat na sa tabi ko tapos may hawak na papel, dunno kung letter ba yun sa kanya or what yun pala english alphabet and some basic sentences like "How are you?", nakakatuwa nagpaturo sya at ang lola ang bilis matuto. Kanina nakita ko ulit si lola pero di kasi ako nagpunta ng park kaya wala muna kaming Ni hao ma, hehe.

Magsisimula na pala ako nitong maglabas ng pang-summer ko at makakapagpa-seksi na ulit (hmmm, sexy nga ba? ahihi). Niyaya ako ng friend ko this weekend manood ng sine, spiderman daw kaya sana maalis na tong sakit ng ulo ko at wag mapunta sa trangkaso kasi iba na talaga timpla ng katawan ko. Hayyy, Misyel ang hina talaga ng katawan...

Tuesday, May 01, 2007

Panaginip


Bakit nga ba meron tayo nito? Hmmm, di ko alam eh pero ang alam ko minsan sa pagtulog ko nagkakaroon ako ng panaginip, minsan naman wala as in zero... Pansin ko lang kapag maganda araw ko ang ganda ng panaginip ko pero kapag naman ako'y hapo or pagod napakasama at napupunta pa ito sa bangungot.

Iba-iba ang tema ng panaginip natin, may mga dreams na paggising mo eh nasa alaala mo pa pero meron naman na hindi mo na maisip pa kahit na ano pang powers na gawin mo para maibalik eh wala na talaga sa iyong kukote... May panaginip naman na paputol-putol, I mean yung magigising ka tapos pagtulog mo ulit eh natutuloy, minsan pa natutuloy ito sa kung anong gusto mo... Ewan ko ha pero kasi sa akin nangyari na yun, naituloy yung dream ko sa temang gusto kong mangyari, oh diba ang saya nun? :) May panaginip naman na magugulat ka na lang kasi nagkakatotoo dahil nangyayari sa buhay mo mismo (pero meron akong dream na hanggang ngayon eh nasa isipan ko pa din at hinihintay na magkatotoo). May dream naman na magigising ka na mapapangiti or mapapatawa ka o di kaya eh magigising kana lang naiyak kana tapos minsan pa mapapadasal ka bigla... Pero ang pinaka-hate ko eh yung managinip ka ng nakakatakot at sa sobrang takot eh bangungot ang abot nito. Naranasan niyo na ba yun? Ako ilang beses na din, yun bang pilit mong gigisingin sarili mo para makatakas sa panaginip na yun. Mahirap yun, kakatakot at nakakapanghina din paggising mo...

Simula nang mabasa ko yung entry ng blogmate ko na si Jhenny at Billycoy about dreams eh sunod-sunod na akong nakakapanaginip ng medyo hindi kagandahan, nagdarasal naman ako bago matulog at hindi naman ako gaanong pagod the whole day, ewan ko ba kung bakit?! Yung tulog ko tuloy paputol-putol kaya paggising ko parang hirap bumangon... Wala naman sigurong kaugnayan ang mga post na yun sa mga panaginip ko lately kasi malayo naman sa naisulat nila, siguro weird lang talaga si Misyel, hahaha. Sana lang mamaya sa aking pagtulog eh mawala na yung mga panaginip na di maganda, wish ko lang! :D

Wednesday, April 25, 2007

Spring Gala

We have a warm and comfortable weather lately, as in sarap na gumala kaya last weekend sinamantala ko ang ganda ng panahon. My friend Glenda invited me to go out and stay at her place after our pasyal. They picked me up here at home then we went malling, malapit din dito sa amin sa Ajax. Ang mga nasa store puro pang-summer na talaga, kakaexcite mamili kung may pera ka pero kung wala medyo lang, hahaha... Nung nagsawa na kami lumipat kami sa ibang mall at this time sa may Markham naman, syempre ang mga shapaholic di papayag na umuwi ng walang bitbit, hehe.. May nabili din ako na pang-summer, oh diba hindi ako halatang excited sa summer?! At dahil sa nangako ako na magpo-post ako ng photo after ko magpa-ayos ng hair nagdala kami ng camera sa gala namin. Pumunta kami ng park after malling kasi until 8pm tirik pa ang araw kaya sarap magstay sa labas. Before umalis ng mall bumili kami ng food para kumain sa park (gawin ba naman picnic ang pasyal, hehe)...
You want some? :D

At syempre dahil sa may dala kaming cam, nilubos na namin yung pose namin na animo'y mga modelo, hahaha...


si misyel pa-cute, hehe..

eto pa isa :)

At isa pa! :D


with my friend Glenda

After that pictorial, ayy este park pala umuwi na kami ng friend ko sa kanila, dahil sa maaga pa naman nanood pa kami ng movie before we go to sleep, it was a long day for us pero nag-enjoy kami.

Kinabukasan larga na naman ang mga lola mo para mamasyal ulit at this time naman sa park pa din, hahaha! First time ko pumunta sa place na 'to, Unionville maganda siya and puntahan ng mga turista, madami na ngang tao kasi okay ang panahon.

@ toogood pond

Sunod-sunod na siguro gala nito kasi spring na talaga, masaya kapag ang panahon maganda, madami kang lugar na pwede puntahan at pasyalan. Sana di kayo nasuka sa mga nai-post kong mga larawan, hehe but if ever tell me para mapadalan ko kayo ng gamot, ahahaha.. Keep smiling everyone :)

Monday, April 16, 2007

hair make-over

Dahil sa nagbabago na weather dapat pati looks bago din, kaya eto ang Misyel nagpa-hair make-over woohoooo.... Matagal tagal na din akong di nagpapatreat ng buhok since dumating ako dito sa Canada, sa atin kasi noon every six months nasa parlor ako para magparelax ng hair kaso sa pagtitipid eh di ko magawa dito hehehe, ang mahal kaya, gupit nga lang magkano na kaya di din madalas pagupit ang karamihan. Kaso kapag ugly betty na ang hair pati aura mo ugly na din kaya sabi ko its time to have a make-over, salamat ke Vicky Belo ayyy parang mali, kay David pala at Ate Lhay (special mention yan ate huh, hehe).

So, yesterday me and my cousin went in one small mall sa Scarborough, mga 3pm siguro kami nandoon and umalis doon ng mga before 8... Imagine ang tagal ko sa parlor, waaahhh ang sakit kaya ng butt ko sa tagal kong nakaupo kaso gusto ko magpaganda so dapat tiis ako! Ang lola mo feeling princess that time kasi apat na tao nagawa sa hair ko, pakiramdam ko celebrity ako kahapon hahaha... Ang daming achuchuchu na ginawa kaya almost 5 hours bago natapos ang new hairdo ni Misyel at paglabas ko ng parlor aba mukhang nakapag-asawa ng mayaman si ako.

Balik na sa dati ang buhok ko, medyo iksi nga lang ng konti pero ok at maganda na ulit... Mabigat man sa bulsa magpaganda pero ganun talaga, sabi nga ni ate Leah "its expensive to be beautiful" :D

Sunday, April 15, 2007

kwentong walang magawa

Hayyy, late na pero I still can't sleep kaya eto at naisipan ko magblog... Maganda naman araw ko kahit na nasa loob lang ako ng bahay at wala munang gala with my friends. Kanina pala eh lumabas din ako walking konti kasama pinsan ko and nieces, medyo ok ang weather pero may lamig pa din talaga, di pa kaya ng powers ko magsuot ng damit na walang patong na ilang damit hehe...

Nanood ako ng laban ni Pacquiao kanina, ang galing at ako'y na-excite na naman ulit while watching him fight. Makatulong kaya yung panalo nya sa kanyang kampanya? Hmmm, tignan natin hehehe.

Wednesday, April 04, 2007

Hay Love...


May mga bagay na ayaw mong isipin pero di mo naman kayang kalimutan,

bagay na ayaw mo ng dugtungan,
pero takot kang wakasan yung bang ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pa rin magmahal....

Hay pagibig nga naman, masarap na masakit or like heaven and hell too. Nakuha ko yang quotation na yan sa kabarkada ko dito. Bakit kaya ganun kapag nasaktan ka dahil sa love minsan ang hirap magmove on or magpatuloy and gawin na maging normal lahat ng ginagawa mo?

Mahirap pala talaga haluan ng Love ang friendship, kung magiging okay kayo or click kayo as lover masaya and maayos ang lahat pero sad part kapag friend mo naging kayo but hindi naging maayos at nauwi sa hiwalayan tragic (as what my other friend say). Magulo ngayon ang berks ko dahil sa nangyari sa dalawa sa amin, naging sila pero ngayon wala na, pati ata friendship kasama na dun. Lahat kami affected sa nangyari sa kanila, may mga times na gusto namin na magsama-sama kami lahat pero hindi pwede kasi ayaw ng isa makipagkita sa isa, so ang nangyayari kapag wala si A nandun si B at kapag wala si B nandun si A. Diba malungkot? Lalo na ilan lang naman kami dito na magkakabarkada talaga, I am trying my best na buuin ulit ang barkada namin tulad ng dati pero hindi na ata mangyayari yun. But I'm still hoping one day maging ok na sila...

Alam ko na masakit sa kanila yung nangyari and to be honest pati sa amin na friend nila nasasaktan din, I miss seeing them both not as being lovers but as being my friends :(

Friday, March 23, 2007

SPRiNG Time, Good Mood :)

Goodbye Winter, welcome Spring hehe... Salamat naman at ang ganda na ng weather, nung 21st ang first day ng Spring. At talagang natuwa si Misyel, biruin mo makakalabas na ako ulit ng hindi doble-doble ang damit at hindi na depressing ang panahon, noon kasi 5pm pa lang eh ang dilim na pero ngayon alas syete ng gabi kala mo alas singko pa lang ng hapon. Kanina lumabas ako at talagang inenjoy ko ang weather, ang sarap sa pakiramdam pati tuloy mood mo gaganda.

Maayos-ayos na din ngayon ang bahay, ang hirap pala maglipat, sobrang nakakapagod dahil ang dami mong dapat ayusin pero nakakapagpahinga na din kahit papaano sa ngayon. Medyo na busy nga ako talaga kaya di makadalaw sa mga ka-blogista ko... Pero babawi si ako sa mga susunod na araw, malapit na din maging okay lahat dito at medyo ok na din pakiramdam ko sa mga nangyari sa akin lalo na about sa puso, hehe.. Speaking of that naku nagparamdam ang ex ko, hmm ano kaya ibig sabihin nun? Hmmmmm, abangan ang susunod na kabanata :D

Monday, March 12, 2007

samo't sari


Hey guys, I'm sorry if I don't update my blog like before kinda busy lang but it doesn't mean tamadski na ako... Kwentuhan ko kayo about sa life ni Misyel sa ngayon ha, hope I won't bore you.

First...
We are moving in a couple of days kaya busy kami sa pagba-boxing, kung sana nga boxing day ito mas ok hehe (shopping galore aketch). From Scarborough to Ajax na kami, mga 20 mins drive from our old place medyo malayo na ako sa favorite mall ko and sa friends pero ok lang din kaya naman puntahan not that far like Makati to Sucat, hehe.

Second...
Since Feb di ako makapag-isip ng kung anong iba-blog ko, sabi ko nga sa friend ko bakit ganun dati dami kong naiisip na isulat este i-type pala para mai-kwento sa inyo kaso ngayon gusto ko man di ako makabuo ng story, palagi sa simula lang ok then at the end wala ng kwenta. Well, dahil siguro nagulo yung lovelife ko (asus drama na naman ako)...

Third...
Dahil sa nabanggit ko na yung lovelife kwentuhan ko kayo about that... Hmm, last week lang naghiwalay na kami ng BF ko. Siguro di na talaga magwu-work kaya I've decided to quit though it hurts me a lot bago ko yun gawin and even now. Gusto ko man magstay pa sana sa relasyon namin kaso parang habang tumatagal nagiging complicated na ng husto. Yung part ng moving on talaga ang mahirap for me, I am trying so hard to forget him but naiisip ko pa din. Advance kasi ako masyado mag-isip when it comes to relationship, I think of our future already kaya sa huli na hindi naman pala siya pa sobra talaga akong nasasaktan. Yan yung mahirap kong baguhin sa sarili ko, 101% nga daw kasi ako magmahal sabi ng friends ko. Pero siguro hindi naman, naiisip ko lang na siguro God wants me to change kung pano ako magmahal and might be may maganda pang laan Siya sa akin. Ayokong isipin na mali lang yung mga taong dumarating sa akin kasi hindi naman ako nagsisisi sa mga past ko, everyone of them may lesson akong natututunan. And ang maganda lang kasi hindi ako nagtatanim ng galit sa puso ko, at the end pa nga nagiging kaibigan ko pa yung tao. Medyo madrama ako sa part ng kwento kong ito kasi di ko maalis na malungkot, pero I know soon balik na si Misyel sa dati nyang kalokahan :)

Fourth and last...
Gumaganda na weather namin, nagchange na kami ng time (1hr ahead) kahapon. Maaga pa lang tirik na araw parang spring na nga eh. Well, soon spring na talaga and mas madadalas siguro labas ko na naman nito. Sinimulan ko na nga kahapon gumala kasi nanghihinayang ako sa ganda ng panahon kung magi-stay lang ako ng bahay. Nagcommute nga lang ako para makapag walking ako kaso sa kakalakad ko ata kahapon eh sakit ng katawan ko paggising. Hindi na ata sanay mga buto ko sa exercise eh. Pero masaya akong umuwi kasi ang ganda ng pasyal ko plus may bitbit ako na bag dagdag sa collection. Maski na siguro heartbroken ako this time pero sa kagandahan na ng panahon sasabay nang liliwanag itong nararamdaman ko.. Corny na noh? Sige po, sa susunod ulit na entry.

Thursday, March 01, 2007

God is good!

My mom has been hospitalized for 3 days. I get worried when I heard the news from my sister, for the last 3 weeks she's been complaining of chest pain until last Monday nagpunta na sila sa hospital then her doctor suggested na mag-treadmill sya and have a 2D Echo examination, wala pa daw 10mins ung test tumaas na BP nya kaya na-confine na sya and asked her to have another test - Angiogram para malaman kung may blockage sa heart nya. And thank God kasi negative yung naging result ng mga test (lakas talaga ng power ng prayer), except sa high in cholesterol siya. Kaya ngayon dapat maging maingat sa mga food na kinakain and tamang exercise din.

Hayyy, kapag may mga ganito talaga na incident di mo maiiwasan magworry lalo na malayo mahal ko sa buhay, yung brother ko lang taga tingin sa parents ko. But I believed God is with us kaya dapat magtiwala lang sa lahat ng bagay sa Kanya.

Monday, February 19, 2007

6 Random things about Me, Myself and I

Thanks for Bea for directing me to this meme (sorry if this is kinda late, chori po talaga <",> ).

1. I always sleep late even though I always try to sleep early, hehe... I know this is bad specially sa health, recently I got sick and this is one of the reasons, actually I'm denying it but they are right, it will really make you weak BUT hindi ko pa din maiiwasan, hehe.

2. When it comes to love I'm kinda romantic... I always give my love 100% that's why in the end it's hard for me to move on. Hmmm, I wish my ex's will comment on this one, hahaha.

3. I'm a Kapampangan. I understand our dialect very well but when it comes to speaking I really can't do it... Weird!

4. I don't like bread. I'm not a lover of burger, sandwiches or anything basta nga bread 'di type ng panlasa ko kaya lugi Mcdo sa akin...

5. I have a birthmark on my behind, hehe... There is a saying that it's a bad luck pero di ako naniniwala dun kasi I believed that everything that's happening to me is a blessing from above :)

6. Pink is cool for me. Bags, shirts, blouse, undies, make-up anything basta colored pink I love it! Obvious ba? Pati nga layout ko, hahaha.

Tuesday, February 13, 2007

Unwind

Last Saturday me and my friends went out to unwind, let me say it was a pre-valentine date, hehe... We ate dinner at a buffet and talaga naman sinulit namin yung bayad. All of us went home full as in super sa busog at naglakihan ang mga belly. After dinner we went straight to one of my friend's house and played our newly discovered game (mahjong, ahihi), inabot kami ng 3am kaya natulog na din kami dun. Once in a blue moon lang naman mabakante ang berks kaya sinagad na namin yung date. I'm sharing some of our photo's to you.



Tomorrow's Valentine so I am greeting all of you a happy and romantic one :)

Friday, February 09, 2007

Usapang Puso


Paano ka magmahal? I just wanna share my experiences tungkol sa pagmamahal na yan, tutal nalalapit na araw ng mga puso so let's talk about love......

Maraming beses na kong nagmahal at nasaktan as well, pero di pa din ako natigil na magmahal, libre kaya yun and kapag tinamaan ka ni kupido di ka naman makakatakas. Sa mga nangyari sa akin masasabi ko na di naman ako nagbabago pagdating sa pagmamahal, sabi nila matututo ka sa mga nakaraan mo pero I don't think na nagkamali ako sa mga yun kundi yun lang talaga tinadhana, kung hindi para sa'yo or hindi pa time talagang di magtatagal... Wala naman akong pinanghinayangan sa mga naging past ko kasi nagmahal talaga ako ng totoo and ang mahalaga nabigay ko ng buo yung love, ewan ko lang kung ganun din naramdaman nila pero para sa akin yun yung naibigay ko. Sabi ko nga gusto ko lahat sila sana maging kaibigan ko pa din after the break-up pero mahirap ata mangyari yun but di mahirap kung gugustuhin dba? I know di na uso martyr ngayon pero para sa akin kapag worth and true love yung nararamdaman mo sa mahal mo why not paglaban kaso lang if destiny wants you to be separated wala ka na talagang magagawa. Naniniwala ako na kung kayo talaga, kahit na gaano pa katagal kayo maghiwalay pagtatagpuin pa din kayo at magiging masaya sa huli. Sabi nga, love can wait....

Ano ba nasasabi ko??? Bahala na kayo intindihin, tinatype ko lang naman kung ano napasok sa isip ko sa ngayon eh, hahaha... Pero alam ko masaya ako kahit na may mga tao na pilit kang iniinis, patuloy pa din na lalaban naman si Misyel at magmamahal pa din ng buo.

Tuesday, January 30, 2007

Someday...



Someday someone's gonna love me
The way I wanted you to need me...

Right now I know you can tell
I'm down and I'm not doing well
But one day these tears they will all run dry
I won't have to cry, sweet goodbye

It's so happy when you're in love but so sad when it's time for you to part ways.... :(

Friday, January 19, 2007

KiSS

While I was resting kanina after ng dinner, umupo ako dun sa sofa namin, gumitna ako sa mga cute angels ko (nieces)... Si Sam bigla akong kiniss sa cheek, so nagulat si aketch at natuwa, tapos si Jeanna biglang umupo sa lap ko and kiniss ako sa forehead, nakita ni Robyn so ginaya niya din at kiniss ako sa isa ko pang cheeks. Ayun napupog ako ng halik ng mga angel ko at di talaga ako tinigilan hangga't magtatawa na ako at magkandagulong gulong sa kinauupuan ko (sandali weird ata nung nasabi ko, paano naman ako gumulong gulong sa upuan ko? hay basta kayo na bahala mag-isip ng itsura ko that time, ehehe..). Sarap ng pakiramdam ko nun, biruin nyo nawala pagod ko bigla and feeling ko ang bango bango ko para paghahalikan ako ng mga pamangkin ko. Buti na lang nandito sila, pangpawi ng lumbay at pagod. Ewan ko kanina bigla na naman akong naging senti mode, di na ata yun maaalis sa akin. Pero hindi din, I know darating din yung time na wala nang lungkot sa mukha ni Misyel pero baka naman sa mga oras na yun nasa mental na ako, hahaha.

Mabalik tayo sa topic na KISS.... Hmmm, ano ba nararamdaman ng isang tao na naki-kiss? Madami yan. Una, kung ang hahalik sa'yo eh mahal mo sa buhay syempre pa masaya ang pakiramdam at talaga naman na maiinspire ka. Tulad na lang ng nangyari sa akin kanina. Pangalawa, kapag ang kumiss sa'yo eh irog mo, hanep sa feeling parang nasa cloud nine ka at nanalo ng binggo. Pangatlo, kung ang humalik naman sa'yo eh hindi mo type at panakaw, anak ng tinola parang gusto mo nun manapak.

May kwento ako tungkol dyan sa pangatlo... Nasa hayskul ako noon at neneng-nene pa, naaalala ko pa breyktaym namin noon at ako'y nakatambay sa labas ng classroom namin ng bigla akong halikan ng isa kong classmate na lalaki, eeewwww! Sobrang sigaw ko noon at talagang kulang na lang eh maghurimentado ako sa campus. Galit na galit ako sa kanya nun pero nakapagtimpi pa ako, ngunit di yun natapos doon kasi isang beses na naman eh ninakawan na naman ako ng halik (sa loob naman 'to ng classroom) nagulat ako ulit at nasampal ko sya ngunit di pa din nakuntento ang mokong kasi naulit na naman ang halik ni hudas ayy, este ng kaklase ko pala but this time di na ako nakapagpigil pa, dumiretso ako sa guidance at talagang nagsumbong ako sa counselor namin, hayun pinatawag siya at pinagharap kami, tinanong kung bakit nya yun ginagawa, ang sagot ba naman ng mokong, "eh kasi po crush ko sya", hahaha! Natawa yung counselor namin sabay sabi na, "kung may gusto ko sa kanya dapat ligawan mo at hindi nanakawan mo ng halik, sige magsorry ka sa kanya.", ayun ang loko nanghingi ng tawad at di na talaga naulit pa ang nakaw na halik dahil kung hindi guidance ulit sya! Hay naku, kakahiya din yung nagawa ko nun kasi kumalat sa skul yun at naging topic ng tawanan. Those were the days na medyo bata pa talaga isip ni Misyel.

Ang kiss nga naman napaka-powerful kung iisipin, pwede mabago ang mood mo nito, maaring mapasaya ka, mapalumbay din o di kaya'y mapangitngit. Pero babala lang po sa makakabasa, kung magbibitiw ka ng isang halik dapat siguraduhin mong ito'y makakapag-alis ng lungkot at magsisilbing inspirasyon.

Tuesday, January 16, 2007

Ang Snow....

a shot in front of our house

Yahoooo! Finally winter na sa amin, hehe... Pers taym kasi na nagsnow ng medyo malakas kahapon dito and unang beses ko na naglakad habang nagpi-freezing rain. Actually nung December 21 pa nagsimula ang winter pero ngayon lang talaga nagsnow kaya sabi ng iba hanggang March may snow, weheheh.. Sabi lang naman yun kasi kahapon sandali ko lang nakita nagsnow ng malakas tapos nawala din agad.

Galing ako sa tita ko kahapon, di ako nagpasundo sa pinsan ko kaya nagcommute ako pauwi and gusto ko din kasing makapaglakad lakad para na din ma-exercise. Nung pagbukas ko ng pinto para umalis na nagulat ako sa lakas ng ulan, actually iba ang tunog pagbagsak nito. So humiram ako ng payong sa tita ko kasi sabi ko nga malakas ang ulan pero nung lumabas na ko natawa ako kasi yun palang ulan eh may kasamang snow. Habang naglalakad ako na nakapayong nagisip ako, "tama ba na magpayong si Misyel?", tinignan ko mga kasama ko na naglalakad pero wala silang payong kaya nagdecide ako na isara na ang gamit kong payong kasi nakakahiya sa madla, hehe... Pagbaba ko ng bus papunta na sa bahay (mga 15mins walk) enjoy na enjoy ako sa paglakad ko though hindi ako nakaboots ok pa din kasi di naman masyadong madulas sa sidewalk, ang sarap nga para akong nag-a-ice skating (pero ginaya ko lang naman nasa unahan ko na naglalakad na animo'y nakasuot ng ice skates), ayun sarap na sarap ako sa paglakad di ko intindi yung lamig at layo ng nilalakad ko. Ngunit, datapwat, subalit nung nandun na ako sa may street namin medyo di na ko natuwa kasi ang sakit na ng mukha ko sa snow na napatak dito kaya nagmadali na ako at tinigil ko na pagi-skating ko gamit ang aking rubber shoes :D

Wednesday, January 10, 2007

CRUSH

Anong mararamdaman mo kung malaman mo na may nagkakagusto sayo?

Ehem, syempre pa kikiligin ka... Matutuwa na meron din palang nakakapansin sa mga tindig mo, ayos ng buhok mo kung paano mo iunat o kulutin ito sa pamamagitan ng hair iron, gel o pomade na ginagamit mo, sa mga damit na sinusuot mo, sa deodorant at sa pabangong ginagamit mo (hahaha!), sa galaw at pakikipagusap mo... Hmmmm, sa madaling salita eh may nagkagusto sa porma mo at may sex appeal ka pala.

Naalala ko nung medyo bata pa si Sabel, yay si Misyel pala! May ilan-ilan din may nagkamaling nagkacrush sa akin, syempre pa nikilig naman si ako at panay ang pacute ko, hehe.. Yun bang lalo kang tatagal sa salamin bago ka pumasok ng iskul at ilang beses ka ding mag me-may i go out sa titser mo para pumunta ng banyo at magretouch ng hair at powder sa mukha tapos kapag break time eh rarampa rampa ka sa campus para magpacute pa din.. Hay, kakatuwang isipin ang noon. Sa ngayon ewan ko lang kung may magkamali pang magkacrush sa akin (baka si fafa ko di lang ako love kundi crush din, hehe).

May mga naging crushes din pala ako noon, pero wa epek si ako sa kanila, ewan ko ba mahina hatak ng pabango ko siguro nung mga panahon na yun (ahihi), kapag may gusto ka ayaw sayo pero yung ayaw mo may gusto sayo, hmmm bakit kaya ganun? Yun ang tinatawag na layp pero kung swertehin ka naman at napusuan ka din ni crush mo wow sarap nun sa pakiramdam, parang nanalo sa bingo.

Bakit nga ba ito naisipan kong i-blog sa ngayon? Wala naman crush si Misyel kundi, ehem lab hehe... Ahh alam ko na para pala 'to sa isa kong kaibigan, di ko pwede banggitin ang pangalan baka mabuko at ako'y ma-bingo pero sana kapag nalaman ng crush nya na type sya nito eh maging sila na, hmm abangan ang susunod kong entry tungkol dito kung magkaganun nga pero that time syempre ang title na eh CRUSH NA NAGING LOVE, okay ba? Baka may idea pa kayo na mas magandang title, share naman dyan. Tenk yu po :D


Wednesday, January 03, 2007

Ten Things I Would Never Do

Thanks ate Lhey for this meme... This will be my new year's resolution.

Ten Things I Would Never Do

1. Sleep late. This is the first in my new year's resolution list even last year
(kaso di ko natupad), I find it really hard to wake up in the morning and it
makes me weak too.

2. Eat less. Ang bilis ko pumayat and hirap tumaba, ngayon nga lang may mga
nakapansin na naglose ako ng weight kaya simula nung new year's eve sinimulan
ko na naman lumamon, hehehe.

3. Spend money on worthless things. I have to save a lot especially this year,
dami kailangan bayaran... Last year kasi masyado ako na-hooked sa pagsa-
shopping, bawas dapat! (misyel sobra kana)

4. Never use my cellphone 24/7. Bawas muna sa teleconference
with my friends and text as well, lumalaki na monthly payment.

5. Quit blogging. ...blog is my passion, my world and stress reliever.

6. Stop smiling. No matter how hard our life is we should always have a smile
on our face and have a positive outlook in life... "Sometimes your joy is the
source of your smile, but sometimes your smile can be the source of your joy."

7. Hate people around me. As what ate Lhea wrote in her entry, we should
never stop loving...Truly it is hard to love everyone but easy to hate anyone,
but Jesus said, "love your enemies and pray for those who persecute you..."

8. Lose patience easily. Dali ko kasi mainis lately, ewan ko ba siguro natanda
na ko, hehe.

9. Slack of reading books, esp my bible. Mas madaming books na nababasa mas
dagdag kaalaman. Sabi nga ni late Ernie Baron, "Always remember, kung
walang knowledge, walang power."

10. I would never stop thanking God in every details of my life. Amen!

Since this is the 2nd one that I got tagged by my cousin Leah, I'm tagging two of my blogmates as well, Wengski and Jhenny... you're it!