Friday, March 23, 2007

SPRiNG Time, Good Mood :)

Goodbye Winter, welcome Spring hehe... Salamat naman at ang ganda na ng weather, nung 21st ang first day ng Spring. At talagang natuwa si Misyel, biruin mo makakalabas na ako ulit ng hindi doble-doble ang damit at hindi na depressing ang panahon, noon kasi 5pm pa lang eh ang dilim na pero ngayon alas syete ng gabi kala mo alas singko pa lang ng hapon. Kanina lumabas ako at talagang inenjoy ko ang weather, ang sarap sa pakiramdam pati tuloy mood mo gaganda.

Maayos-ayos na din ngayon ang bahay, ang hirap pala maglipat, sobrang nakakapagod dahil ang dami mong dapat ayusin pero nakakapagpahinga na din kahit papaano sa ngayon. Medyo na busy nga ako talaga kaya di makadalaw sa mga ka-blogista ko... Pero babawi si ako sa mga susunod na araw, malapit na din maging okay lahat dito at medyo ok na din pakiramdam ko sa mga nangyari sa akin lalo na about sa puso, hehe.. Speaking of that naku nagparamdam ang ex ko, hmm ano kaya ibig sabihin nun? Hmmmmm, abangan ang susunod na kabanata :D

6 comments:

Lazarus said...

Have a lovely spring season ahead!

ann said...

Dami kong nadaanan na blogs , happy sila na spring na nga. Super lamig naman kasi talaga ang winter nyo dyan.

bea said...

i hate packing, too..... and unpacking...nakakapagod hehehe

Ferdz said...

Huy! Ibig sabihin travel time na dyan! Cguro natauhan yung Ex mo dahil spring na rin. Hihi. Enjoy!

jhenny said...

uyy spring na... buti naman, at masarap na naman ang weather nyo.. yeah everyone is so happy now that it is spring time :)

uyy si ex.. naks.. spring reconcilation?? hehe

goodluck girl! :)

melai said...

so kahit ano pwedeng isuot sa spring? saka summer? may problem ako sa mga damit kung ano dadalin ko dyan :(, lalo pa't wala akong pambili lol!