Saturday, June 02, 2007

One year na ang blog ni Misyel!

Nakakatuwang isipin naka-isang taon na pala ang blog na 'to, di ko namalayan until nabasa ko yung new entry ng cousin ko na si Leah. One year na pala blog niya and naisip ko din habang nagko-comment ako sa post niyang yun na i-check ko yung sa akin. I remember kasi isa si ate Leah sa nagpushed sa akin magblog, pero naisip ko noon hindi naman ako magaling magsulat at ano naman ilalagay ko? Kaso dahil ata sa malakas ang hatak ng mga pinsan ko eh napilitan ako (napilitan ha, hehe) na magkwento ng kung ano-anong bagay lalo na syempre sa sarili ko... Mga kwentong nararanasan ko sa buhay, saya, lungkot, mga drama sa buhay.

Binasa ko ulit una kong post dito at pagkabasa ko natuwa ako, actually nauna kong pinost yan sa friendster ko pero naisip ko gumawa na lang ng sariling blog, yun bang hindi mababasa ng mga talagang kakilala ko. Pinag-isipan ko maigi kung anong pwede kong ipangalan sa blog ko, since puro kwento tungkol sa akin mga ilalagay ko dito naisip ko na Kwentong Misyel. Misyel kasi short for Michelle at tawag kasi yan sa akin ng pinsan kong si Ronald na naghikayat talaga sa akin na magblog.

Natutuwa ako kasi naging part na ito ng buhay ko din (drama eh?), kadalasan kapag malungkot ako or stressed nakakapagpost ako, naging stress reliever ko na din 'to at pang-alis ng boredome. Naging way din to para makakilala ako ng mga blogger sa iba't-ibang sulok ng bansa at sarap malaman na madami palang magagaling magsulat, they inspired me so much, napatawa, napahagikgik at napatango nila ako.

Kahit na hindi ako tunay na manunulat nagpapasalamat pa din ako kasi may i-ilan din na bumati, napadaan at sumilip sa aking munting bahay. Marami pong salamat sa inyo! :)

13 comments:

Ferdz said...

Wow! Halos pareho pala kayo ni Leah! Congrats on 1 great year! More blogging years to come to you as well

melai said...

Congrats :)

Jake The Miserable said...

Yoohoo eto, nasa Front Seat ako ng audience. ;)

Happy Rakenrol Anniversary to your blog!~

Leah said...

Oo nga, sabay pala tayo. Happy 1st yr bloggiversary. Libre ka namann

RONALD said...

Uy Happy 1 year din! Sabay pala kayo ni ate leah! Ampogi naman ng pinsan niyong nag-encourage magblog sa inyo!! Hahaha!!

hinga said...

Uy 1year na sya!! congrats. XD

++jochie++ said...

wooohooo! Hapi aniv sa blog mo!
yeh,,mabuhay!keep on blogging!!
great! :)

mousey said...

happy pers blogsary nahuli ako!

more writings to come!

becky said...

congrats!!!! one year n cya!!! ^^

Juzahlyn said...

yeheyy congratz..wow one year is a long time ha ..hirap din kaya magupdate

tintin said...

wow congrats! :)

jhenny said...

uyy happy 1 year girl!! more blogging days to come :)

let's celebrate! ilabas na ang wine!! hehe

lazarus said...

congrats on your first blogssary!

more blogging years ahead!