Friday, June 27, 2008

haberdey to me

Masaya ako today….

Ito yung araw na lagi kong hinihintay…

Basta pumatak ang twenty-eight ng Hunyo abot tenga na ang ngiti ko…

Hindi dahil sa adik ako kundi ito kasi yung araw na binigyan ako ng chance na mabuhay dito sa mundong ibabaw (awww, drama ito!)…

Sa nakaraang mga taon na binigay sa akin ni God masasabi kong hindi Niya ko pinabayaan, dama ko at kita ko yung pagmamahal Niya kahit na madalas pasaway akong nilalang…

He’s so good to me and sa loved ones ko as well. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa Kanya. I owe everything to Him and He is everything to me… Labs you po! :)

Nag-uumapaw din ang pasasalamat ko sa mahal kong pamilya, they’re my inspiration. Pangatlong taon ko ng hindi sila kasama para magcelebrate sa taon na nadagdag sa akin :D , pero sa tatlong taon na iyon patuloy pa din ang pagluto ni mamsy ng pansit at pag party nila without the celebrant. How sweet?!

God blessed me too for giving me lots of insans and friends. Glad meron akong tulad nila, sarap kaya ng feeling na maging special ka lagi at ganun din sila sa akin.

And lastly, kayong mga bloggie friends ko. Simpleng comment and makita ko lang na nabisita niyo ako sobrang saya ko na nun. Tapos makakabasa ka pa ng pambihirang mga kwento, hayy panalo! Pampasaya na ng araw.

So sa lahat ng iyan, hindi pa ba sapat para magsaya ako ngayon? Wuhu, life is really this awesome and wonderful!!!

Aberdey to ME!!!

Thursday, May 15, 2008

puyatera no more!?

Ilang linggo na din akong natutulog ng maaga. Dati rati kasi umaga na ko kung matulog, inaabot ako ng madaling araw. Kaya naman yung eye bag ko eh pwede ng taniman ng halaman, lolz! Naalala ko pa nga noon dahil sa kakapuyat ko eh pinutakte ako ng mga pimples, nyay!

Gustuhin ko man magpuyat tulad ng dati, gumamit ng internet hanggang sumakit na mata ko at dumoble na tingin ko sa mga nababasa ko, manood ng telenovela hanggang alas kwatro (oo, baduy na. wala kang pakialam!), magbasa ng kung anik-anik, wantusawang makinig ng musika, tumunganga sa kwarto at tumingin sa kisame, maghalungkat ng gamit at magsukat ng trip na damit, humarap sa salamin at mag-astang model, magtelebabad sa telepono hanggang sumakit ang tenga o di kaya'y magtext hanggang mapuno ang inbox, kuhanan ang sarili gamit ang timer ng camera, kumain ng chicha hanggang tamarin ng magtutbras at kung ano-ano pa...

Ngayon di ko na yan magawa. Bakit kamo? Di ko actually alam eh, hahaha! Para kasing may napigil sa akin at nag-uutos na matulog na ako. Basta pagpatak ng alas dies y medya ng gabi para na akong hilong talilong at kailangan eh nasa higaan na ako sa ayaw ko man at sa ayaw. :D

Sabagay, maganda din matulog ng maaga. Mas lumalakas ang katawan, bawas na si eye bag, kumikinis ang mukha at walang sakit ng ulo pag gising. Yun nga lang madami akong namimiss, tulad na lang ng pakikipagchat ko sa mga kaibigan ko na sa gabi ko lang natatagpuan at paggawa ng entry sa blog (ewan ko kasi parang mas ayos sa akin magisip sa gabi kasi tahimik). May ilan na nga akong friend na nagsabing hindi na nila ako nakikita at nakakausap, nagtatago daw ako hehehe. See? Hindi sila sanay na hindi ako nakikitang naka online hanggang madaling araw, ibig sabihin 1st runner-up ako sa pagpupuyat.

Teka lang, bakit parang may nakikita akong mga stars sa paligid??? Naku, hala umabot ako ng 11pm! Hinihila na ako papunta sa bed, ayan na po, sige bukas na lang ulit mga pips. Salamat sa pagbabasa! ;)