Friday, August 03, 2007

Eksayted

Noon kapag malungkot ako or walang magawa kaharap ko na pc at nagbablog na ako pero ngayon di ko man lang ma-update 'tong bahay ko. Hindi naman sa ayaw ko na magblog pa, nagbabasa lang ako ng mga blog niyo pansamantala pero di ko pa din maiwasan magkwento ngayon hehe... Nabusy lang talaga ako lately, kasi nga summer at palagi ang gala kasama mga pinsan o kaya kaibigan. Bukas nagkayayaan na naman lumabas at tiyak ko na masaya ito kasi kasama lahat ng mga pinsan ko, aba minsan lang ata mangyari ito hehe. Kaya I hope enjoy to the max ang lahat.

Excited na din ako dahil ilang tulugan na lang tantararan.... makakasama ko na mga love of my life ko, hay after ilang years may picture na naman kami na buo ang pamilya. Uuwi din ang sister ko kaya I'm sure masaya talaga at may kasalan pang magaganap, hmm abangan! hahaha... Makakain ko na din mga pagkain na nami-miss ko lalo na yung luto ni Papsy na puso ng saging na may saluyot (oh diba noypi na noypi?! :D ). Yung mga friends ko hinihintay na din ako, naku mapapalaban ako ng kwentuhan nito at kain na walang kasing sarap, hehe. Oh well, excited na talaga si ako!

Sana di kayo magsawa sa pagdalaw, I wish makakwento ako ng may sense naman sa susunod, nyahaha. Stay happy and keep on rockin'!

12 comments:

iskoo said...

hi michelle, ako din parang ayaw mag blog pero dumarating ang panahn talaga gusto ko magbasa at magupdate ng blog. baka bisita ako ontario sa pasko, missisuaga ang place, baka lang naman :)

Ferdz said...

I guess panapanahon lang din yan. Meron talagang time na sinisipag ka mag blog, merong hindi. Syempre kelangan din natin ng life outside sa blog para merong ibang masulat.

Gina said...

Hi Michelle!


Dumadalaw po lamang. =P

Buti ka pa, uuwi. Di kaya ikaw ang ikakasal? Aabangan ko.

Stay happy and keep on rockin' din!

pauL said...

hey! august na. lapit na nga. ^_^

mousey said...

aba ikaw ang ikakasal.

congratz!

miss ko na din yan ang saluyot bow!

eden said...

naku kung ako sau eh siguradong eksayted na rin ako :)


sarap talaga ng saluyot at puso ng saging miss ko na rin yan!

sino ang ikakasal IKAW?

enjoy your visit sa pinas ! ingat!

Jake The Miserable said...

Enjoy lang po to the max, ate!~ Weee!~

rHo said...

wow naman, uuwi si misyel!! mag-enjoy ka ng todo ha! hehehe!!

ikay the dancer said...

hehe. siguro may panahon talga ang pagbblog ng isang tao. haha.

bea said...

aba, pareho pala tayo medyo nagka-back log sa blogging adventures. but i'm back now. kelan ikaw uuwi/ aba, masarap nga iyang puso ng saging. i prefer it with coconut milk. rap-sa!

claire said...

kmusta na misyel.. i'm sure masaya ka dyan dahil kapiling mo ang iyong Love.. enjoy :)

M A T T said...

Hi there... Well same here, medyo bihira na rin po ako magpost sa blog ko... Maybe 'Coz of other activities, but in anyways nabibisita ko parin ang ibang blogmates even in a little bit time... Anyways, hope your enjoying your vacation and we will wait for your stories... God Bless and take care always...