Wednesday, April 25, 2007

Spring Gala

We have a warm and comfortable weather lately, as in sarap na gumala kaya last weekend sinamantala ko ang ganda ng panahon. My friend Glenda invited me to go out and stay at her place after our pasyal. They picked me up here at home then we went malling, malapit din dito sa amin sa Ajax. Ang mga nasa store puro pang-summer na talaga, kakaexcite mamili kung may pera ka pero kung wala medyo lang, hahaha... Nung nagsawa na kami lumipat kami sa ibang mall at this time sa may Markham naman, syempre ang mga shapaholic di papayag na umuwi ng walang bitbit, hehe.. May nabili din ako na pang-summer, oh diba hindi ako halatang excited sa summer?! At dahil sa nangako ako na magpo-post ako ng photo after ko magpa-ayos ng hair nagdala kami ng camera sa gala namin. Pumunta kami ng park after malling kasi until 8pm tirik pa ang araw kaya sarap magstay sa labas. Before umalis ng mall bumili kami ng food para kumain sa park (gawin ba naman picnic ang pasyal, hehe)...
You want some? :D

At syempre dahil sa may dala kaming cam, nilubos na namin yung pose namin na animo'y mga modelo, hahaha...


si misyel pa-cute, hehe..

eto pa isa :)

At isa pa! :D


with my friend Glenda

After that pictorial, ayy este park pala umuwi na kami ng friend ko sa kanila, dahil sa maaga pa naman nanood pa kami ng movie before we go to sleep, it was a long day for us pero nag-enjoy kami.

Kinabukasan larga na naman ang mga lola mo para mamasyal ulit at this time naman sa park pa din, hahaha! First time ko pumunta sa place na 'to, Unionville maganda siya and puntahan ng mga turista, madami na ngang tao kasi okay ang panahon.

@ toogood pond

Sunod-sunod na siguro gala nito kasi spring na talaga, masaya kapag ang panahon maganda, madami kang lugar na pwede puntahan at pasyalan. Sana di kayo nasuka sa mga nai-post kong mga larawan, hehe but if ever tell me para mapadalan ko kayo ng gamot, ahahaha.. Keep smiling everyone :)

11 comments:

mousey said...

hahah... magpadala ng gamot!

ayos ang pictorial. oo pag may araw parang dun lang masaya ang mga tao dito sa amin nakikiayon gayun din pag winter lahat gray in mood din.

kneeko said...

pre ang saya mo ngayon ah.. sana lagi ka ng ganyan... pre ba hingi ko na lang ung hat mo sa picture #2 lam mo naman kolektor ako ng ibat ibang klase ng sumbrero hehehe

pleasee :)

jhenny said...

wow!! i bet nag-enjoy ka talaga sa gala mo :) you got nice pics too :) pwde kang model girl!!

and cute ng last pic ha, i like the water... relaxing...

happy spring girl! :)

Ferdz said...

Hanep! I like your shot with the shades. Ang ganda ng bagsak ng buhok mo. Mukha ngan ang sarap mag hang out sa park na yan. At mag pictorial din. hehe

Jake The Miserable said...

Ayos 'yun. Wala nang mas sasarap pang gumala sa mga parke kung ang bumabati sa'yo ay isang pagkaganda-gandang kapanahunan.

Gusto ko rin dito sa Pinas ang ganu'ng bagay. Bumabati sa'kin ang simoy ng hanging umaga na kunwaring sariwa.

Medyo nagulat lang ako, may araw pa rin pala kahit 8pm. :)

pauL said...

i think tuloy tuloy na nga ang pag gala nyo. bihira lang ata kasi gumanda ang weather dyan eh. :D enjoy!

p.s. -> naks ganda ng hair!!!

iskoo said...

bagay naman pala sa iyo yung bago mong hairstyle mo. para din palang sa ireland ang itsura ng mga bahay sa inyo, ang kapag spring mga mga magagandang pasyalan din tulad ng mga pinakita mo salitrato, ay naku namimiss ko na ang ireland!

melai said...

at ang ganda pala ni misyel at feel na feel ang magandang panahon :) at syempre ang ganda ng place... mapuntahan ko rin kaya yan? :)

niceheart said...

Mukhang sanay na sanay ka sa pag-pose. Pang model talaga. :)

Maganda na rin ang panahon dito. Masarap na rin mamasyal. :)

sherma said...

mukhang super nag-enjoy ka, ah! ang cute nung 2nd pix... korean?! hehehe...

ann said...

Ang gaganda ng kuha mo ha, mukhang enjoy talaga sa summer. Dito naman pag summer di na pwede ang outdoor activities sa tindi ng init.