Wednesday, January 10, 2007

CRUSH

Anong mararamdaman mo kung malaman mo na may nagkakagusto sayo?

Ehem, syempre pa kikiligin ka... Matutuwa na meron din palang nakakapansin sa mga tindig mo, ayos ng buhok mo kung paano mo iunat o kulutin ito sa pamamagitan ng hair iron, gel o pomade na ginagamit mo, sa mga damit na sinusuot mo, sa deodorant at sa pabangong ginagamit mo (hahaha!), sa galaw at pakikipagusap mo... Hmmmm, sa madaling salita eh may nagkagusto sa porma mo at may sex appeal ka pala.

Naalala ko nung medyo bata pa si Sabel, yay si Misyel pala! May ilan-ilan din may nagkamaling nagkacrush sa akin, syempre pa nikilig naman si ako at panay ang pacute ko, hehe.. Yun bang lalo kang tatagal sa salamin bago ka pumasok ng iskul at ilang beses ka ding mag me-may i go out sa titser mo para pumunta ng banyo at magretouch ng hair at powder sa mukha tapos kapag break time eh rarampa rampa ka sa campus para magpacute pa din.. Hay, kakatuwang isipin ang noon. Sa ngayon ewan ko lang kung may magkamali pang magkacrush sa akin (baka si fafa ko di lang ako love kundi crush din, hehe).

May mga naging crushes din pala ako noon, pero wa epek si ako sa kanila, ewan ko ba mahina hatak ng pabango ko siguro nung mga panahon na yun (ahihi), kapag may gusto ka ayaw sayo pero yung ayaw mo may gusto sayo, hmmm bakit kaya ganun? Yun ang tinatawag na layp pero kung swertehin ka naman at napusuan ka din ni crush mo wow sarap nun sa pakiramdam, parang nanalo sa bingo.

Bakit nga ba ito naisipan kong i-blog sa ngayon? Wala naman crush si Misyel kundi, ehem lab hehe... Ahh alam ko na para pala 'to sa isa kong kaibigan, di ko pwede banggitin ang pangalan baka mabuko at ako'y ma-bingo pero sana kapag nalaman ng crush nya na type sya nito eh maging sila na, hmm abangan ang susunod kong entry tungkol dito kung magkaganun nga pero that time syempre ang title na eh CRUSH NA NAGING LOVE, okay ba? Baka may idea pa kayo na mas magandang title, share naman dyan. Tenk yu po :D


20 comments:

pauL said...

hhhmmm... sino kaya yung maswerteng lalaki na iyon... *ehem *lol

MISYEL said...

secret paul eh, hehe... pero kung ikaw syempre bubulong ko sayo :D

Anonymous said...

ang mararamdaman ko? depende sa may crush sa akin hehehe. baka po kasi stalker. eh hehehe. kakatakot yun hehehe

Anonymous said...

haha oks to, may aabangan kami sa susunod na entry kung ang may crush at may type ay magkakatuluyan :)

jhenny said...

hi misyel! yeah nakakatuwa talaga kapag nalalaman mo na may nakaka-crush sayo.. wala lang, basta lang nakakakilig nga haha.. hay girl nakaka-relate ako :)

takecare.

JM said...

sige baka sa susunod wedding pics niyo na nandito ng crush mo. hay kagilig!

Anonymous said...

ang cute naman ng post na 'to =)

Anonymous said...

depende tlga kung eligible ung may crush s kin, naks! cguradong kilig 2 d bones! =P

Anonymous said...

yun crush ko nun nasa grade school ako, kinindatan ako...kininditan ko rin..kilig talaga..ha!ha!ha!
ngayon, yun mga nag-kaka-crush sa akin, hanggang fantasy na lang sila sa beauty ko. kasi taken na ako eh.
yun crush ko - secret..

sana magkatuluyan naman si ano at si kuwan..abangan ko, cge.

Anonymous said...

hay naku ! nakakarelate ata ako ! of course kikiligin ako misyel lalo na kung guzto din ako ay este guzto ko din ! wait ko susunod na kabanata.......

Polahola said...

hahaha. Nakakaflatter sobra pagmay- nagkakacrush sayo. Parang silent flattery! Kinikilig ako habang binabasa ko ang entry mo at truelaloo nga na nung h.s. eh lalo ka nagpapaganda at rumarampa sa harap ng crush mo yiheeee! Kinikilig tuloy ako!^_^

entreprenuer said...

I really miss the feeling of being in high school and talk about crushes hehe. vey nice post

Lazarus said...

not a single soul knew kung sino-sino mga crush ko nung HS and College. he he.

But alam ko kung sino ang may crush sa akin, coz some friends told me. At no epek daw kasi wala akong reaction.

Hahay! those days...

Anonymous said...

I remember feeling awkward around that guy who had a crush on me. :) Matagal na yun. Nun pang kabataan ko. :)

sherma said...

pag nalalaman ko na may taong nagkakamali, naiilang ako... ang drama ko pa, "wag kang lumapit sa kin!" hehehe...

Anonymous said...

Dati nung nalaman kong me nagka crush sa akin syempre medyo ego boost hehe pati medyo naging conscious sa sarili. :P

Debie said...

hehe d pa ngyayari sakin na ngkcrush din saakin ang crush ko, usually kasi ung taong ayaw ko ang ngkkcrush sakin.

Pero kung mangyayari sakin un, aba ok.

Anonymous said...

crush? ano un hehehe

title? hmmm "Got a Crush on You" hehehe kanta ata un ah

Anonymous said...

itago nalan natin sya sa pangalang luv, hehe. sana magkatuluyan nga sila mga friend mo.

kapag may nag ka crush sa akin, tska ko nalang kwento kapag meron na, di ko pa alam ano feeling kasi walang nag ka kacrush sa akin, hehe

Dos Ocampo said...

buti pa kayo ako di ko alam sino may crush sa akin kasi di naman ako appealing to their prying eyes hehe...

Sino kaya yun? grabe, ang tagal ko di nakapunta dito hehe...