Limang araw na lang Christmas Party na ng Berks namin, yahuuuu! As if naman napakarami namin ano? hehe... Actually, i-ilan lang naman kaming magbabarkada dito sa Toronto (wish ko dumami pa kami :D ) kaya saya kapag may mga gatherings and we really take advantage of long weekends para magsama-sama at kung available talaga ang isa't-isa. Last year may Christmas Party din kami kaya lang walang exchange gift, kantahan lang and kainan but this time nagdecide na may palitan nga ng regalo to add more fun..
Share ko sa inyo kung paano namin ginawa yung bunutan para malaman kung sino monita or monito mo... Dahil sa bihira kami magsama-sama lahat, may isa sa amin napilitan gumawa ng palabunutan (at ako po iyon, ayoko sana kasi wala na sumprays sa akin hehe), yung the usual na ginagawa sulat sa isang papel ang name at lalagyan ng number after, nung matapos ko na gawin yun tinawagan ko sila isa-isa at pinapili ng number na gusto nila then ako ang mismong bubunot for them at tada may monita/monito na sila! Yun nga lang alam ko kung sino ang mga nakuha nila at sa part ko wala na talagang kasorpe-sorpresa, pero ang kaigihan nun eh mahihiling ko ng husto sa nakabunot sa akin kung ano gusto ko.. Kaso nung sinabi ko na type kong gift nasabihan ako ng "tigas ang mukha!", hahaha.. Kasi naman ang sabi $20 to 500 maximum worth ng gift, hehehe kaso syempre sa 20 kana :D
Kaya last Sunday nagpunta na ko ng mall para bili ng regalo ko, hay sarap na naman shopping kaso talagang budgeted lang dala kong money kailangan tipid... Sabi ng monita ko sweater daw gusto nya, I hope magustuhan nya nabili ko, if not naman no choice sya. Pwede hagis nya sa pagmumukha ko kung di nya type or hingan nya ko ulit ng pambili, hehe.
After ng party share ko ibang pix sa inyo, sama na din nakuha kong exchange gift :)
Mga blogmates, nanominate nga pala tong blog ko as blog of the week.. If ok blog ko for you, you can vote for urs truly, thanks! :)
12 comments:
yahooooo! parang makukuha ko na ang pinakamatagal ko na wis! hehe! (kung ako man ang nabunot ng lolang ito, dahil baka jino-joke lang din ako eh.. abangan po ninyo... =P)
bat di ako kasali...di bale sa ..pasko gift ko ha (jokes lang, kuno)..basta wag mo limot si miss little maganda
vote na lang uli kita bukas...kasi nakavote na ako ngayon.
Hi! I'm here via Blog Fodder!
Haha! Mas masaya kung hindi mo alam kung sino ang nakabunot ng pangngalan mo, my sirfries pag ganun.
Wengskie, abangan mo na nga lang talaga kung matutupad nga wis mo hehe..
Ate lhey, pwede ba pass pa din ako this Christmas? Tag hirap pa din eh :D
Hi Teena, thanks for visiting..
KD advance merry christmas din po, wala kami mga something something eh kasi malalayo place ng bawat-isa.
Thanks sa pagdalaw Debie.. Kaya nga wala nga sumprays yung akin kasi alam ko na kung sino sya :D
Nagki-Christmas party din kami dito ng mga katropa kong Pilipino. May exchange gift din nang katulad sa inyo. :)
gift ko asan na po.. hehhehe
meron din kami d2 monito & monito... kasi puro lalaki hehhehe
madaming salamat sa pagdaan sa blog ko... pano ba yan, nakalimutan mo yatang iwan yung xmas gift mo sa kin dun? heheh merry xmas na lang at sana maging masaya yang xmas party nyo...
at least may idea ka na kung ano gusto niyang matanggap, pili ka nalang ng maganda :)
nga pala binoto kita sa blog of the week!
hmm boto po kita ! ahihi!
Ano ba ang itsura ng sweater na nabili mo? ahihih!;-p wow amg parang christmas dyan!... White Christmas malamang!
wow! parang ang saya-saya naman dyan misyel :) sana maganda makuha mong gift :)
merry xmas! :)
Ayus ah! Me advantage ka kasi alam mo pero medyo nawala ang excitement. SO how did the exchange gift go? :D
Post a Comment