Wednesday, November 08, 2006

BUHAT

Kahapon tumawag ang pinsan ko sa akin, tapos niyaya niya akong mag-gym daw.. Sa una ayaw ko pa, kasi 'di naman ako ready at tamad din akong lumabas.. Naka-set na din kasi mind ko magblog-hopping sana, hehe. Pero dahil sa nahihiya ako sa ate ko tumanggi, pumayag na din akong sumama. Por da first taym masusubukan ko na din mag-gym :) ..

Sinundo nya ko dito sa bahay tapos diretso na kami sa gym, dahil sa member ang pinsan ko sa Extreme Fitness pwede syang magsama ng guest, pagdating namin dun hinanapan ako ng ID at dahil sa ka-engotan ko nalimutan ko magdala, tsk tsk tsk! Ang nangyari bumalik kami ulit sa bahay, kahit na medyo malayo kasi sayang naman get-up namin (ehehe) atsaka effort ng pinsan ko na magyaya :D

Hmmm, ang sarap pala sa gym bukod sa gaganda ang katawan mo, eh sarap din sa paningin (dami fafable, hehe)... Karamihan ng ginawa namin eh puro pang-abs, siguro dahil sa dapat na talagang pagtuunan ng pansin ang parte na yun, hahaha! At dahil sa baguhan lang ako syempre magagaan lang yung weights na binuhat ko, ang galing ng pinsan ko mag-train (thanks pala ate). After namin sa abs & stretch studio diretso naman kami sa whirlpool... Wow ang sarap, relaxing at alis ang sakit ng katawan namin, di pa dun natapos nagswimming pa kami after, naensayo ko ulit ang skills ko sa paglangoy, namiss ko ata mag swimming..

Hayy, worth it talaga ang araw ko kahapon kaso eto paggising ko nakuuu di ako makabangon sa sakit ng katawan ko, huhuhu.. Yung feeling na matanda kana, lahat ata ng muscles ko masakit. Ngunit pinilit ko pa din bumangon, nag stretching ako kaya medyo umo-K ng konti. Dapat sundan ko to, hmmm kailan kaya? :)

8 comments:

puklo said...

wow! ako, nagtry ko na rin maggym. oo nga, ang sakit ng katawan pag gising. hehe.. so yun, di na nasundan. hehe :-)

lalo kayong sesexy nyan sa paggigyam..

thanks nga pala sa comment mo sa blog ko..

and one more thing, next time paturo ako magswimming. *lol

God bless

Leah said...

Where there's no pain, no gain. It may take a few more days for the aches but you'll manage.

Iskoo said...

ang gym ang naging kakampi ko nung time na nag ka problema ako, at nagbigay ng pag-asa sa mataba kong katawan, hehe

SeƱor Enrique said...

Masarap nga talaga mag-gym lalo na kung may kasama ka. Nag memeber ako one time dito sa Makati kanya lang puros "sosi" lang mga tao kaya tinamad nako :)

Anonymous said...

eyyy misyel mabel hehhe.. thakns sa comment mo..

wheeww ayos yan.. ipagpatuloy mo ang pag ehersisyo..

link po tau okies...

jhenny said...

waaaaaaaaaaa, nakakainggit, sana ako din makapag-gym. matagal ko ng balak gawin yan eh, kaya lang hanggang ngayon plano pa rin waaaaaa.. wala kasi ako kasama eh, para naman ako engot nun kapag mag-isa ako kasi wala naman ako kaalam-alam :(

good for you michelle! keep it up girl! :)

lagal[og] said...

hi chelle! thanks for dropping by. if and when you go home to the philippines, do visit camiguin. it's one of my favorite places :-D hey, great to know you liked working out. that's a big step already :-)

Iskoo said...

yan siguro ang dapat na pag tuunan ko ng pansin sa gym, yung sa abs, isa yan sa may mahirap na routines.

keep it up!