Nakakatuwang isipin naka-isang taon na pala ang blog na 'to, di ko namalayan until nabasa ko yung new entry ng cousin ko na si
Leah. One year na pala blog niya and naisip ko din habang nagko-comment ako sa post niyang yun na i-check ko yung sa akin. I remember kasi isa si ate Leah sa nagpushed sa akin magblog, pero naisip ko noon hindi naman ako magaling magsulat at ano naman ilalagay ko? Kaso dahil ata sa malakas ang hatak ng mga pinsan ko eh napilitan ako (napilitan ha, hehe) na magkwento ng kung ano-anong bagay lalo na syempre sa sarili ko... Mga kwentong nararanasan ko sa buhay, saya, lungkot, mga drama sa buhay.
Binasa ko ulit
una kong post dito at pagkabasa ko natuwa ako, actually nauna kong pinost yan sa friendster ko pero naisip ko gumawa na lang ng sariling blog, yun bang hindi mababasa ng mga talagang kakilala ko. Pinag-isipan ko maigi kung anong pwede kong ipangalan sa blog ko, since puro kwento tungkol sa akin mga ilalagay ko dito naisip ko na Kwentong Misyel. Misyel kasi short for Michelle at tawag kasi yan sa akin ng pinsan kong si
Ronald na naghikayat talaga sa akin na magblog.
Natutuwa ako kasi naging part na ito ng buhay ko din (drama eh?), kadalasan kapag malungkot ako or stressed nakakapagpost ako, naging stress reliever ko na din 'to at pang-alis ng boredome. Naging way din to para makakilala ako ng mga blogger sa iba't-ibang sulok ng bansa at sarap malaman na madami palang magagaling magsulat, they inspired me so much, napatawa, napahagikgik at napatango nila ako.
Kahit na hindi ako tunay na manunulat nagpapasalamat pa din ako kasi may i-ilan din na bumati, napadaan at sumilip sa aking munting bahay. Marami pong salamat sa inyo! :)