Wednesday, April 25, 2007

Spring Gala

We have a warm and comfortable weather lately, as in sarap na gumala kaya last weekend sinamantala ko ang ganda ng panahon. My friend Glenda invited me to go out and stay at her place after our pasyal. They picked me up here at home then we went malling, malapit din dito sa amin sa Ajax. Ang mga nasa store puro pang-summer na talaga, kakaexcite mamili kung may pera ka pero kung wala medyo lang, hahaha... Nung nagsawa na kami lumipat kami sa ibang mall at this time sa may Markham naman, syempre ang mga shapaholic di papayag na umuwi ng walang bitbit, hehe.. May nabili din ako na pang-summer, oh diba hindi ako halatang excited sa summer?! At dahil sa nangako ako na magpo-post ako ng photo after ko magpa-ayos ng hair nagdala kami ng camera sa gala namin. Pumunta kami ng park after malling kasi until 8pm tirik pa ang araw kaya sarap magstay sa labas. Before umalis ng mall bumili kami ng food para kumain sa park (gawin ba naman picnic ang pasyal, hehe)...
You want some? :D

At syempre dahil sa may dala kaming cam, nilubos na namin yung pose namin na animo'y mga modelo, hahaha...


si misyel pa-cute, hehe..

eto pa isa :)

At isa pa! :D


with my friend Glenda

After that pictorial, ayy este park pala umuwi na kami ng friend ko sa kanila, dahil sa maaga pa naman nanood pa kami ng movie before we go to sleep, it was a long day for us pero nag-enjoy kami.

Kinabukasan larga na naman ang mga lola mo para mamasyal ulit at this time naman sa park pa din, hahaha! First time ko pumunta sa place na 'to, Unionville maganda siya and puntahan ng mga turista, madami na ngang tao kasi okay ang panahon.

@ toogood pond

Sunod-sunod na siguro gala nito kasi spring na talaga, masaya kapag ang panahon maganda, madami kang lugar na pwede puntahan at pasyalan. Sana di kayo nasuka sa mga nai-post kong mga larawan, hehe but if ever tell me para mapadalan ko kayo ng gamot, ahahaha.. Keep smiling everyone :)

Monday, April 16, 2007

hair make-over

Dahil sa nagbabago na weather dapat pati looks bago din, kaya eto ang Misyel nagpa-hair make-over woohoooo.... Matagal tagal na din akong di nagpapatreat ng buhok since dumating ako dito sa Canada, sa atin kasi noon every six months nasa parlor ako para magparelax ng hair kaso sa pagtitipid eh di ko magawa dito hehehe, ang mahal kaya, gupit nga lang magkano na kaya di din madalas pagupit ang karamihan. Kaso kapag ugly betty na ang hair pati aura mo ugly na din kaya sabi ko its time to have a make-over, salamat ke Vicky Belo ayyy parang mali, kay David pala at Ate Lhay (special mention yan ate huh, hehe).

So, yesterday me and my cousin went in one small mall sa Scarborough, mga 3pm siguro kami nandoon and umalis doon ng mga before 8... Imagine ang tagal ko sa parlor, waaahhh ang sakit kaya ng butt ko sa tagal kong nakaupo kaso gusto ko magpaganda so dapat tiis ako! Ang lola mo feeling princess that time kasi apat na tao nagawa sa hair ko, pakiramdam ko celebrity ako kahapon hahaha... Ang daming achuchuchu na ginawa kaya almost 5 hours bago natapos ang new hairdo ni Misyel at paglabas ko ng parlor aba mukhang nakapag-asawa ng mayaman si ako.

Balik na sa dati ang buhok ko, medyo iksi nga lang ng konti pero ok at maganda na ulit... Mabigat man sa bulsa magpaganda pero ganun talaga, sabi nga ni ate Leah "its expensive to be beautiful" :D

Sunday, April 15, 2007

kwentong walang magawa

Hayyy, late na pero I still can't sleep kaya eto at naisipan ko magblog... Maganda naman araw ko kahit na nasa loob lang ako ng bahay at wala munang gala with my friends. Kanina pala eh lumabas din ako walking konti kasama pinsan ko and nieces, medyo ok ang weather pero may lamig pa din talaga, di pa kaya ng powers ko magsuot ng damit na walang patong na ilang damit hehe...

Nanood ako ng laban ni Pacquiao kanina, ang galing at ako'y na-excite na naman ulit while watching him fight. Makatulong kaya yung panalo nya sa kanyang kampanya? Hmmm, tignan natin hehehe.

Wednesday, April 04, 2007

Hay Love...


May mga bagay na ayaw mong isipin pero di mo naman kayang kalimutan,

bagay na ayaw mo ng dugtungan,
pero takot kang wakasan yung bang ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pa rin magmahal....

Hay pagibig nga naman, masarap na masakit or like heaven and hell too. Nakuha ko yang quotation na yan sa kabarkada ko dito. Bakit kaya ganun kapag nasaktan ka dahil sa love minsan ang hirap magmove on or magpatuloy and gawin na maging normal lahat ng ginagawa mo?

Mahirap pala talaga haluan ng Love ang friendship, kung magiging okay kayo or click kayo as lover masaya and maayos ang lahat pero sad part kapag friend mo naging kayo but hindi naging maayos at nauwi sa hiwalayan tragic (as what my other friend say). Magulo ngayon ang berks ko dahil sa nangyari sa dalawa sa amin, naging sila pero ngayon wala na, pati ata friendship kasama na dun. Lahat kami affected sa nangyari sa kanila, may mga times na gusto namin na magsama-sama kami lahat pero hindi pwede kasi ayaw ng isa makipagkita sa isa, so ang nangyayari kapag wala si A nandun si B at kapag wala si B nandun si A. Diba malungkot? Lalo na ilan lang naman kami dito na magkakabarkada talaga, I am trying my best na buuin ulit ang barkada namin tulad ng dati pero hindi na ata mangyayari yun. But I'm still hoping one day maging ok na sila...

Alam ko na masakit sa kanila yung nangyari and to be honest pati sa amin na friend nila nasasaktan din, I miss seeing them both not as being lovers but as being my friends :(