Hey guys, I'm sorry if I don't update my blog like before kinda busy lang but it doesn't mean tamadski na ako... Kwentuhan ko kayo about sa life ni Misyel sa ngayon ha, hope I won't bore you.
First...
We are moving in a couple of days kaya busy kami sa pagba-boxing, kung sana nga boxing day ito mas ok hehe (shopping galore aketch). From Scarborough to Ajax na kami, mga 20 mins drive from our old place medyo malayo na ako sa favorite mall ko and sa friends pero ok lang din kaya naman puntahan not that far like Makati to Sucat, hehe.
Second...
Since Feb di ako makapag-isip ng kung anong iba-blog ko, sabi ko nga sa friend ko bakit ganun dati dami kong naiisip na isulat este i-type pala para mai-kwento sa inyo kaso ngayon gusto ko man di ako makabuo ng story, palagi sa simula lang ok then at the end wala ng kwenta. Well, dahil siguro nagulo yung lovelife ko (asus drama na naman ako)...
Third...
Dahil sa nabanggit ko na yung lovelife kwentuhan ko kayo about that... Hmm, last week lang naghiwalay na kami ng BF ko. Siguro di na talaga magwu-work kaya I've decided to quit though it hurts me a lot bago ko yun gawin and even now. Gusto ko man magstay pa sana sa relasyon namin kaso parang habang tumatagal nagiging complicated na ng husto. Yung part ng moving on talaga ang mahirap for me, I am trying so hard to forget him but naiisip ko pa din. Advance kasi ako masyado mag-isip when it comes to relationship, I think of our future already kaya sa huli na hindi naman pala siya pa sobra talaga akong nasasaktan. Yan yung mahirap kong baguhin sa sarili ko, 101% nga daw kasi ako magmahal sabi ng friends ko. Pero siguro hindi naman, naiisip ko lang na siguro God wants me to change kung pano ako magmahal and might be may maganda pang laan Siya sa akin. Ayokong isipin na mali lang yung mga taong dumarating sa akin kasi hindi naman ako nagsisisi sa mga past ko, everyone of them may lesson akong natututunan. And ang maganda lang kasi hindi ako nagtatanim ng galit sa puso ko, at the end pa nga nagiging kaibigan ko pa yung tao. Medyo madrama ako sa part ng kwento kong ito kasi di ko maalis na malungkot, pero I know soon balik na si Misyel sa dati nyang kalokahan :)
Fourth and last...
Gumaganda na weather namin, nagchange na kami ng time (1hr ahead) kahapon. Maaga pa lang tirik na araw parang spring na nga eh. Well, soon spring na talaga and mas madadalas siguro labas ko na naman nito. Sinimulan ko na nga kahapon gumala kasi nanghihinayang ako sa ganda ng panahon kung magi-stay lang ako ng bahay. Nagcommute nga lang ako para makapag walking ako kaso sa kakalakad ko ata kahapon eh sakit ng katawan ko paggising. Hindi na ata sanay mga buto ko sa exercise eh. Pero masaya akong umuwi kasi ang ganda ng pasyal ko plus may bitbit ako na bag dagdag sa collection. Maski na siguro heartbroken ako this time pero sa kagandahan na ng panahon sasabay nang liliwanag itong nararamdaman ko.. Corny na noh? Sige po, sa susunod ulit na entry.