Tuesday, January 30, 2007

Someday...



Someday someone's gonna love me
The way I wanted you to need me...

Right now I know you can tell
I'm down and I'm not doing well
But one day these tears they will all run dry
I won't have to cry, sweet goodbye

It's so happy when you're in love but so sad when it's time for you to part ways.... :(

Friday, January 19, 2007

KiSS

While I was resting kanina after ng dinner, umupo ako dun sa sofa namin, gumitna ako sa mga cute angels ko (nieces)... Si Sam bigla akong kiniss sa cheek, so nagulat si aketch at natuwa, tapos si Jeanna biglang umupo sa lap ko and kiniss ako sa forehead, nakita ni Robyn so ginaya niya din at kiniss ako sa isa ko pang cheeks. Ayun napupog ako ng halik ng mga angel ko at di talaga ako tinigilan hangga't magtatawa na ako at magkandagulong gulong sa kinauupuan ko (sandali weird ata nung nasabi ko, paano naman ako gumulong gulong sa upuan ko? hay basta kayo na bahala mag-isip ng itsura ko that time, ehehe..). Sarap ng pakiramdam ko nun, biruin nyo nawala pagod ko bigla and feeling ko ang bango bango ko para paghahalikan ako ng mga pamangkin ko. Buti na lang nandito sila, pangpawi ng lumbay at pagod. Ewan ko kanina bigla na naman akong naging senti mode, di na ata yun maaalis sa akin. Pero hindi din, I know darating din yung time na wala nang lungkot sa mukha ni Misyel pero baka naman sa mga oras na yun nasa mental na ako, hahaha.

Mabalik tayo sa topic na KISS.... Hmmm, ano ba nararamdaman ng isang tao na naki-kiss? Madami yan. Una, kung ang hahalik sa'yo eh mahal mo sa buhay syempre pa masaya ang pakiramdam at talaga naman na maiinspire ka. Tulad na lang ng nangyari sa akin kanina. Pangalawa, kapag ang kumiss sa'yo eh irog mo, hanep sa feeling parang nasa cloud nine ka at nanalo ng binggo. Pangatlo, kung ang humalik naman sa'yo eh hindi mo type at panakaw, anak ng tinola parang gusto mo nun manapak.

May kwento ako tungkol dyan sa pangatlo... Nasa hayskul ako noon at neneng-nene pa, naaalala ko pa breyktaym namin noon at ako'y nakatambay sa labas ng classroom namin ng bigla akong halikan ng isa kong classmate na lalaki, eeewwww! Sobrang sigaw ko noon at talagang kulang na lang eh maghurimentado ako sa campus. Galit na galit ako sa kanya nun pero nakapagtimpi pa ako, ngunit di yun natapos doon kasi isang beses na naman eh ninakawan na naman ako ng halik (sa loob naman 'to ng classroom) nagulat ako ulit at nasampal ko sya ngunit di pa din nakuntento ang mokong kasi naulit na naman ang halik ni hudas ayy, este ng kaklase ko pala but this time di na ako nakapagpigil pa, dumiretso ako sa guidance at talagang nagsumbong ako sa counselor namin, hayun pinatawag siya at pinagharap kami, tinanong kung bakit nya yun ginagawa, ang sagot ba naman ng mokong, "eh kasi po crush ko sya", hahaha! Natawa yung counselor namin sabay sabi na, "kung may gusto ko sa kanya dapat ligawan mo at hindi nanakawan mo ng halik, sige magsorry ka sa kanya.", ayun ang loko nanghingi ng tawad at di na talaga naulit pa ang nakaw na halik dahil kung hindi guidance ulit sya! Hay naku, kakahiya din yung nagawa ko nun kasi kumalat sa skul yun at naging topic ng tawanan. Those were the days na medyo bata pa talaga isip ni Misyel.

Ang kiss nga naman napaka-powerful kung iisipin, pwede mabago ang mood mo nito, maaring mapasaya ka, mapalumbay din o di kaya'y mapangitngit. Pero babala lang po sa makakabasa, kung magbibitiw ka ng isang halik dapat siguraduhin mong ito'y makakapag-alis ng lungkot at magsisilbing inspirasyon.

Tuesday, January 16, 2007

Ang Snow....

a shot in front of our house

Yahoooo! Finally winter na sa amin, hehe... Pers taym kasi na nagsnow ng medyo malakas kahapon dito and unang beses ko na naglakad habang nagpi-freezing rain. Actually nung December 21 pa nagsimula ang winter pero ngayon lang talaga nagsnow kaya sabi ng iba hanggang March may snow, weheheh.. Sabi lang naman yun kasi kahapon sandali ko lang nakita nagsnow ng malakas tapos nawala din agad.

Galing ako sa tita ko kahapon, di ako nagpasundo sa pinsan ko kaya nagcommute ako pauwi and gusto ko din kasing makapaglakad lakad para na din ma-exercise. Nung pagbukas ko ng pinto para umalis na nagulat ako sa lakas ng ulan, actually iba ang tunog pagbagsak nito. So humiram ako ng payong sa tita ko kasi sabi ko nga malakas ang ulan pero nung lumabas na ko natawa ako kasi yun palang ulan eh may kasamang snow. Habang naglalakad ako na nakapayong nagisip ako, "tama ba na magpayong si Misyel?", tinignan ko mga kasama ko na naglalakad pero wala silang payong kaya nagdecide ako na isara na ang gamit kong payong kasi nakakahiya sa madla, hehe... Pagbaba ko ng bus papunta na sa bahay (mga 15mins walk) enjoy na enjoy ako sa paglakad ko though hindi ako nakaboots ok pa din kasi di naman masyadong madulas sa sidewalk, ang sarap nga para akong nag-a-ice skating (pero ginaya ko lang naman nasa unahan ko na naglalakad na animo'y nakasuot ng ice skates), ayun sarap na sarap ako sa paglakad di ko intindi yung lamig at layo ng nilalakad ko. Ngunit, datapwat, subalit nung nandun na ako sa may street namin medyo di na ko natuwa kasi ang sakit na ng mukha ko sa snow na napatak dito kaya nagmadali na ako at tinigil ko na pagi-skating ko gamit ang aking rubber shoes :D

Wednesday, January 10, 2007

CRUSH

Anong mararamdaman mo kung malaman mo na may nagkakagusto sayo?

Ehem, syempre pa kikiligin ka... Matutuwa na meron din palang nakakapansin sa mga tindig mo, ayos ng buhok mo kung paano mo iunat o kulutin ito sa pamamagitan ng hair iron, gel o pomade na ginagamit mo, sa mga damit na sinusuot mo, sa deodorant at sa pabangong ginagamit mo (hahaha!), sa galaw at pakikipagusap mo... Hmmmm, sa madaling salita eh may nagkagusto sa porma mo at may sex appeal ka pala.

Naalala ko nung medyo bata pa si Sabel, yay si Misyel pala! May ilan-ilan din may nagkamaling nagkacrush sa akin, syempre pa nikilig naman si ako at panay ang pacute ko, hehe.. Yun bang lalo kang tatagal sa salamin bago ka pumasok ng iskul at ilang beses ka ding mag me-may i go out sa titser mo para pumunta ng banyo at magretouch ng hair at powder sa mukha tapos kapag break time eh rarampa rampa ka sa campus para magpacute pa din.. Hay, kakatuwang isipin ang noon. Sa ngayon ewan ko lang kung may magkamali pang magkacrush sa akin (baka si fafa ko di lang ako love kundi crush din, hehe).

May mga naging crushes din pala ako noon, pero wa epek si ako sa kanila, ewan ko ba mahina hatak ng pabango ko siguro nung mga panahon na yun (ahihi), kapag may gusto ka ayaw sayo pero yung ayaw mo may gusto sayo, hmmm bakit kaya ganun? Yun ang tinatawag na layp pero kung swertehin ka naman at napusuan ka din ni crush mo wow sarap nun sa pakiramdam, parang nanalo sa bingo.

Bakit nga ba ito naisipan kong i-blog sa ngayon? Wala naman crush si Misyel kundi, ehem lab hehe... Ahh alam ko na para pala 'to sa isa kong kaibigan, di ko pwede banggitin ang pangalan baka mabuko at ako'y ma-bingo pero sana kapag nalaman ng crush nya na type sya nito eh maging sila na, hmm abangan ang susunod kong entry tungkol dito kung magkaganun nga pero that time syempre ang title na eh CRUSH NA NAGING LOVE, okay ba? Baka may idea pa kayo na mas magandang title, share naman dyan. Tenk yu po :D


Wednesday, January 03, 2007

Ten Things I Would Never Do

Thanks ate Lhey for this meme... This will be my new year's resolution.

Ten Things I Would Never Do

1. Sleep late. This is the first in my new year's resolution list even last year
(kaso di ko natupad), I find it really hard to wake up in the morning and it
makes me weak too.

2. Eat less. Ang bilis ko pumayat and hirap tumaba, ngayon nga lang may mga
nakapansin na naglose ako ng weight kaya simula nung new year's eve sinimulan
ko na naman lumamon, hehehe.

3. Spend money on worthless things. I have to save a lot especially this year,
dami kailangan bayaran... Last year kasi masyado ako na-hooked sa pagsa-
shopping, bawas dapat! (misyel sobra kana)

4. Never use my cellphone 24/7. Bawas muna sa teleconference
with my friends and text as well, lumalaki na monthly payment.

5. Quit blogging. ...blog is my passion, my world and stress reliever.

6. Stop smiling. No matter how hard our life is we should always have a smile
on our face and have a positive outlook in life... "Sometimes your joy is the
source of your smile, but sometimes your smile can be the source of your joy."

7. Hate people around me. As what ate Lhea wrote in her entry, we should
never stop loving...Truly it is hard to love everyone but easy to hate anyone,
but Jesus said, "love your enemies and pray for those who persecute you..."

8. Lose patience easily. Dali ko kasi mainis lately, ewan ko ba siguro natanda
na ko, hehe.

9. Slack of reading books, esp my bible. Mas madaming books na nababasa mas
dagdag kaalaman. Sabi nga ni late Ernie Baron, "Always remember, kung
walang knowledge, walang power."

10. I would never stop thanking God in every details of my life. Amen!

Since this is the 2nd one that I got tagged by my cousin Leah, I'm tagging two of my blogmates as well, Wengski and Jhenny... you're it!