Thursday, September 28, 2006

Fall/Autumn


Yeah right, fall na naman... Tapos na ang summer, maramramdaman mo na naman ang lamig dito sa amin. Madalas umuulan ngayon and sa labas makikita mo na din ang mga dahon na iba na naman ang kulay, karamihan nagdidilaw na at nahuhulog na sa daan. Umpisa na naman magsuot ng jacket or sweater at tago na naman ng mga damit na pangsummer, iba na naman ang nakalabas na damit sa closet ko.. Mami-miss ko na naman ang shorts at sandals huhuhu... Naku sana naman this time wala na kong depression mode, kasi last year madalas akong malungkot at ma-homesick kaya dami ko ding naubos na card pangtawag sa amin. Mabilis na naman kasi dumilim, mas konti na ang liwanag pero mas masarap na ngayon matulog hehehe at ang kagandahan pa nito puputi na naman si Misyel kahit konti hahaha...

Mabilis talaga ang takbo ng panahon kahapon lang nasa park kami eh, ngayon eto at nasa loob na naman ako ng bahay nakasweater, tahamik kaya gawa ako ng new entry. :)

1 comment:

RONALD said...

Dito rin sa amin malamig na kahit umaaraw,kaya di na makalaro masyado ng tennis. Buti na lang uuwi na kami kaya tuloy ang tennis doon! hehehe!