Ilang linggo na din akong natutulog ng maaga. Dati rati kasi umaga na ko kung matulog, inaabot ako ng madaling araw. Kaya naman yung eye bag ko eh pwede ng taniman ng halaman, lolz! Naalala ko pa nga noon dahil sa kakapuyat ko eh pinutakte ako ng mga pimples, nyay!
Gustuhin ko man magpuyat tulad ng dati, gumamit ng internet hanggang sumakit na mata ko at dumoble na tingin ko sa mga nababasa ko, manood ng telenovela hanggang alas kwatro (oo, baduy na. wala kang pakialam!), magbasa ng kung anik-anik, wantusawang makinig ng musika, tumunganga sa kwarto at tumingin sa kisame, maghalungkat ng gamit at magsukat ng trip na damit, humarap sa salamin at mag-astang model, magtelebabad sa telepono hanggang sumakit ang tenga o di kaya'y magtext hanggang mapuno ang inbox, kuhanan ang sarili gamit ang timer ng camera, kumain ng chicha hanggang tamarin ng magtutbras at kung ano-ano pa...
Ngayon di ko na yan magawa. Bakit kamo? Di ko actually alam eh, hahaha! Para kasing may napigil sa akin at nag-uutos na matulog na ako. Basta pagpatak ng alas dies y medya ng gabi para na akong hilong talilong at kailangan eh nasa higaan na ako sa ayaw ko man at sa ayaw. :D
Sabagay, maganda din matulog ng maaga. Mas lumalakas ang katawan, bawas na si eye bag, kumikinis ang mukha at walang sakit ng ulo pag gising. Yun nga lang madami akong namimiss, tulad na lang ng pakikipagchat ko sa mga kaibigan ko na sa gabi ko lang natatagpuan at paggawa ng entry sa blog (ewan ko kasi parang mas ayos sa akin magisip sa gabi kasi tahimik). May ilan na nga akong friend na nagsabing hindi na nila ako nakikita at nakakausap, nagtatago daw ako hehehe. See? Hindi sila sanay na hindi ako nakikitang naka online hanggang madaling araw, ibig sabihin 1st runner-up ako sa pagpupuyat.
Teka lang, bakit parang may nakikita akong mga stars sa paligid??? Naku, hala umabot ako ng 11pm! Hinihila na ako papunta sa bed, ayan na po, sige bukas na lang ulit mga pips. Salamat sa pagbabasa! ;)