Wednesday, May 30, 2007

Kwento ng Inaantok

Yeah yeah, sleepyhead na naman ako, hehe... Ewan ko ba kapag ganitong oras (4pm) parang nagbu-beautiful eyes mata ko at gustong pumikit kaso di naman ako makatulog kasi hindi ako nasanay magnap sa hapon. Ginagawa ko lang I busy myself sa kung anik-anik na bagay.

Last weekend lumabas ako, my friend invited me to a party nagpunta ako and sinama ko din cousins ko and my nieces. Oh diba ang saya? Nagsama pa talaga ako ng kasama, hehe... Pero thats ok kasi kapag may party din naman sa amin ini-invite din mga friends ko.

The following day we went to watched a movie called Paraiso, a very good movie that gave us a lot of cryings and laughter too. It's a trilogy movie that shows what Gawad Kalinga do for our fellow citizen who needs shelter and support. You must see this one, very encouraging and heartwarming...

Today Is my uncle's 70th birthday kaya punta kami sa kanila to celebrate it, imagine 70 na siya pero malakas pa din, it's Gods blessing to reach that age and I know madami pang celebration na ganito for him :)

Have a nice day everyone >_<

Thursday, May 24, 2007

May the Fours Be With You!

I'm checking the blogs that links on my site and saw that Bea tagged me just now, so here Is Misyel's version of this meme...

4 JOBS I’VE HAD
  • Data Encoder in a land developer company
  • Secretary volunteer in our church in Pinas
  • Computer Operator in a multilevel company
  • lastly, my present job Commercial Model (ng patis, hahaha)

4 MOVIES I’VE WATCHED OVER & OVER
  • The sweetest thing (naaalala ko kasi lagi mga friends ko sa movie na yan)
  • Spiderman
  • The notebook
  • yun lang ata eh, wala na kong maalala

4 PLACES I’VE LIVED
  • Pasay
  • Manila
  • Makati
  • Toronto

4 TV SHOW/STATIONS I LIKE TO WATCH
4 PLACES I’VE BEEN ON VACATION
  • Pangasinan (my dad's place)
  • Tarlac (yeah I'm kapampangan too, mom ko naman)
  • Indonesia
  • Singapore

4 OF MY FAVE FOODS
  • Steak food
  • Sinigang na baboy
  • Beef/Chicken Teriyaki
  • Noodles

4 PLACES I’D RATHER BE RIGHT NOW
  • Japan (gusto ko talaga magpunta dyan, hmm sana mangyari)
  • UK (para makapagshopping, hehe and makasama Sis ko)
  • New York
  • Pinas (malapit na, yahuuu!)

4 PEOPLE WHO WILL (hopefully) RESPOND TO THIS MEME

Tuesday, May 15, 2007

Reunion

I'm not announcing any reunions here, kundi gusto ko lang po i-share yung saya ko recently hehe :) Matagal-tagal na din mula nung mag-join ako sa friendster. I searched a lot since then for my old friends, classmates and syempre sa mga crushes or special someone ko, hihihi... May mga nahanap naman ako and na-add sa lists of friends ko. But then nga recently lang biglang nagsulputan mga classmates ko noon, mostly batchmate ko nung college. Nakakatuwa everytime na may magadd sa akin or makikita ko na lang na someone viewed me na classmates ko pala.

Una, yung classmate ko nung grade school nagulat na lang ako she invited me to join her list of friends. Sa tagal na di ko sya nakita ('di ko na iri-reveal kung ilang years na ha, hehehe...) syempre medyo di ko na maalala yung face, laki kaya ng improvement niya, she was chubby and bit dark before pero nung makita ko hmmm as in sexy gurl na talo ang lola misyel sa ganda ng katawan at wala na ang itim na nakakapit sa kanyang balat :D Mega chika kami sa friendster muna and from then on continues na yung communication namin. Mula sa kanya nakita ko iba naming classmate and nagkaroon din ako ng chance para kamustahin sila.

Next, sabi ko hahanap ako ng classmate ko nung highschool but I guess hindi sila mahilig sa ganyang mga social networking or talagang di ko lang sila makita kaya wala ata ni-isa sa kanila sa list ko...

Nagjoin ako ng group sa friendster and isa sa sinalihan ko yung school ko nung college, nag-try ako kasi sabi ko I might see my classmates there. Pero wala maski isa, hahaha. Hinayaan ko lang sa page ko yung group tapos ngayon unti-unti nandoon na mga classmates and batchmates ko. Nagugulat na lang ako na nadami na sila sa list of friends ko, yung mga di ko inaasahan na makita ka-reunion ko na sa net and may group na din kami dun sa batch namin, gawa ng pare ko na classmate ko nung college na naging asawa ng barkada ko noon at may dalawa na silang anak ngayon na naging inaanak ko pa, hehe (kinuwento pa talaga hano? :D ). So, slowly nagju-join na sa group mga batch namin at sana dumami nga ang members para magkaroon ng reunion sa Pinas. Nakakatuwa pa yung classmate namin na crush ko noon eh nakita ko na din atlast! hahaha... So ka-reunion ko na din sya nito eventually at mare-reminisce ang nakaraan (kulit!). Masaya na makita ulit mga nakasama mo ng matagal sa skul at makita na most of them are now successful in life.

Thank God sa technology ngayon, kahit na malayo ka parang abot kamay mo lang mga mahalaga sa buhay mo. Reunion sa net??? Hmm, so nice and maybe much better if one day we'll be able to see each other in person. I wish! :)

Wednesday, May 09, 2007

Headache

Arrrggh, sakit ng ulo ko talaga.... Hindi dahil sa may kinaiinisan ako or whatsoever kundi talagang masakit dahil ata sa init ng panahon. Yes, umiinit na dito sa amin yipee! So far umabot na kami sa 26 °C at ang mga pipol nakakapagsuot na ng pang-summer. I hope tuloy tuloy na ito pero sana wag naman sobrang init, baka araw-araw eh sumakit ulo ko.

Ang mga bata dito super enjoy kasi dami silang activities, mga niece ko parati gusto sa park kaya hayun ang tita Misyel nila nakakapagpark din, ang sarap din ng pakiramdam kasi nung tag-lamig eh nakakulong lang talaga, lumabas ka man eh nakabalot kana tapos gusto mo agad nasa warm na lugar ka. Maalala ko nung last time pala na magpunta kami ng park may isang chinese old woman na tumabi sa akin, nung una nasa kabila siyang bench but eventually lumipat na sa tabi ko tapos may hawak na papel, dunno kung letter ba yun sa kanya or what yun pala english alphabet and some basic sentences like "How are you?", nakakatuwa nagpaturo sya at ang lola ang bilis matuto. Kanina nakita ko ulit si lola pero di kasi ako nagpunta ng park kaya wala muna kaming Ni hao ma, hehe.

Magsisimula na pala ako nitong maglabas ng pang-summer ko at makakapagpa-seksi na ulit (hmmm, sexy nga ba? ahihi). Niyaya ako ng friend ko this weekend manood ng sine, spiderman daw kaya sana maalis na tong sakit ng ulo ko at wag mapunta sa trangkaso kasi iba na talaga timpla ng katawan ko. Hayyy, Misyel ang hina talaga ng katawan...

Tuesday, May 01, 2007

Panaginip


Bakit nga ba meron tayo nito? Hmmm, di ko alam eh pero ang alam ko minsan sa pagtulog ko nagkakaroon ako ng panaginip, minsan naman wala as in zero... Pansin ko lang kapag maganda araw ko ang ganda ng panaginip ko pero kapag naman ako'y hapo or pagod napakasama at napupunta pa ito sa bangungot.

Iba-iba ang tema ng panaginip natin, may mga dreams na paggising mo eh nasa alaala mo pa pero meron naman na hindi mo na maisip pa kahit na ano pang powers na gawin mo para maibalik eh wala na talaga sa iyong kukote... May panaginip naman na paputol-putol, I mean yung magigising ka tapos pagtulog mo ulit eh natutuloy, minsan pa natutuloy ito sa kung anong gusto mo... Ewan ko ha pero kasi sa akin nangyari na yun, naituloy yung dream ko sa temang gusto kong mangyari, oh diba ang saya nun? :) May panaginip naman na magugulat ka na lang kasi nagkakatotoo dahil nangyayari sa buhay mo mismo (pero meron akong dream na hanggang ngayon eh nasa isipan ko pa din at hinihintay na magkatotoo). May dream naman na magigising ka na mapapangiti or mapapatawa ka o di kaya eh magigising kana lang naiyak kana tapos minsan pa mapapadasal ka bigla... Pero ang pinaka-hate ko eh yung managinip ka ng nakakatakot at sa sobrang takot eh bangungot ang abot nito. Naranasan niyo na ba yun? Ako ilang beses na din, yun bang pilit mong gigisingin sarili mo para makatakas sa panaginip na yun. Mahirap yun, kakatakot at nakakapanghina din paggising mo...

Simula nang mabasa ko yung entry ng blogmate ko na si Jhenny at Billycoy about dreams eh sunod-sunod na akong nakakapanaginip ng medyo hindi kagandahan, nagdarasal naman ako bago matulog at hindi naman ako gaanong pagod the whole day, ewan ko ba kung bakit?! Yung tulog ko tuloy paputol-putol kaya paggising ko parang hirap bumangon... Wala naman sigurong kaugnayan ang mga post na yun sa mga panaginip ko lately kasi malayo naman sa naisulat nila, siguro weird lang talaga si Misyel, hahaha. Sana lang mamaya sa aking pagtulog eh mawala na yung mga panaginip na di maganda, wish ko lang! :D