Monday, August 28, 2006
PASUKAN NA NAMAN!
One week na lang pasukan na ng mga bata... Tahimik na naman ako nito sa bahay kasi papasok na mga pamangkin ko sa school, mababati ko na naman ng good morning ang buddy ko sa chat :D Makikita ko na naman si Kerrie ang bus driver na laging nagsasabi sa akin ng "bye aunty Michelle" at makikita ko na naman ang kapit-bahay namin na Pinay tuwing alas-dose ng tanghali. Ang dinner namin maaga na naman kasi kailangan maaga matulog ang mga bata. Iba na naman ang routine ni Misyel...
Ang bilis talaga ng panahon naka two months na bakasyon na pala sila, nararamdaman ko na din malapit na ang tag-lamig. Naaalala ko noon nung estudyante pa ako kapag malapit na ang pasukan halo ang emosyon ko, malungkot kasi tapos na yung bakasyon at pasarap katulad ng pagpunta sa mga beaches and pag-bisita ng mga pinsan sa bahay o kaya kami ng kapatid ko bakasyon sa mga kamag-anak, then makikita ko na naman yung mga terror na guro at mga kaklase na bully...masaya kasi makikita ko na naman mga kaibigan ko sa eskwelahan, yung mga crushes ko hihihi, meron na naman akong bagong notebooks and bag at makakaipon na naman ako kasi may allowance na naman hehe. Pero sa totoo lang masarap na mahirap talaga ang maging estudyante. Maraming sacrifices, nandyan yung maaga ka magigising para maghanda sa pagpasok at mapupuyat ka kasi kailangan mo mag-review, pero kapag natapos ka naman matutuwa ka kasi nakaya mo lahat ng hirap at matutuwa din mga nagpaaral sa'yo. Ako nga pwede pa mag-aral ulit, naiisip ko nga ulit pumasok sa Unibersidad hmmm kung kakayanin pa ng budget ko why not?! Kaso kapag nasubukan mo na magtrabaho tatamarin kana mag-aral pa, pero sabi nga ng iba habang bata ka pa aral ka lang.
Sa mga babalik ulit sa eskuwelahan, good luck na lang sa inyo. Pagbutihin ang pag-aaral para may anihin pagkatapos.. Naks si Misyel ba ito? hehehe. Smile and be happy always :)
Saturday, August 19, 2006
PUYAT
Ilang araw na lagi na lang tulog ko eh bitin, ang galing ko talaga pagdating sa puyatan (nagmalaki pa si misyel, tsk! :) )... Nung nasa Pilipinas pa lang ako natutulog ako ng mga alas-onse o kaya alas-dose ng gabi tapos nung makarating ako dito sa Canada naku...lalo akong lumala! hehehe... Kanina 7am na kami nakatulog ng pinsan ko at nagising ng alas-nuebe ng umaga, tinulungan ko kasi magpripare para sa birthday ng anak nya. Sanayan lang siguro ito, pero habang nagta-type ako ngayon super antok ako. Nilalabanan ko lang kasi may party nga. Kainan na naman, yahoooo! :D
Sino kaya lalaban sa akin makipagsabayan sa puyatan? Ikaw laban ka? Palaliman tayo ng mata, hehe...
Saturday, August 12, 2006
Paramount Canada's Wonderland
I had a great time going on a ride at Wonderland... Huwaw! Super nayanig mga laman ko sa mga rides na nasakyan ko, got nervous but after sarap sa pakiramdam kasi na-try ko, I've overcome my fears. Naalala ko tuloy ang Enchanted Kingdom, ok din mga rides but mas malala dito sa wonderland. Like yung psyclone ride, hay halos maalis bituka ko, grabe! Natawa ako sa isa kong friend kasi sabi nya ang sarap daw ng feeling ng hinahagis ka para bang yung kaluluwa nya eh nahihiwalay sa katawan hahahah... Bilib ako sa mga tao na malakas ang loob, I hope sa susunod ganun na din ako katapang (tulad ni Harold, hehehe).
Below are some of the rides that I've tried.....
Below are some of the rides that I've tried.....
(from L to R Sledgehammer, Psyclone, Shockwave and The Bat)
Subscribe to:
Posts (Atom)