Tuesday, May 15, 2007

Reunion

I'm not announcing any reunions here, kundi gusto ko lang po i-share yung saya ko recently hehe :) Matagal-tagal na din mula nung mag-join ako sa friendster. I searched a lot since then for my old friends, classmates and syempre sa mga crushes or special someone ko, hihihi... May mga nahanap naman ako and na-add sa lists of friends ko. But then nga recently lang biglang nagsulputan mga classmates ko noon, mostly batchmate ko nung college. Nakakatuwa everytime na may magadd sa akin or makikita ko na lang na someone viewed me na classmates ko pala.

Una, yung classmate ko nung grade school nagulat na lang ako she invited me to join her list of friends. Sa tagal na di ko sya nakita ('di ko na iri-reveal kung ilang years na ha, hehehe...) syempre medyo di ko na maalala yung face, laki kaya ng improvement niya, she was chubby and bit dark before pero nung makita ko hmmm as in sexy gurl na talo ang lola misyel sa ganda ng katawan at wala na ang itim na nakakapit sa kanyang balat :D Mega chika kami sa friendster muna and from then on continues na yung communication namin. Mula sa kanya nakita ko iba naming classmate and nagkaroon din ako ng chance para kamustahin sila.

Next, sabi ko hahanap ako ng classmate ko nung highschool but I guess hindi sila mahilig sa ganyang mga social networking or talagang di ko lang sila makita kaya wala ata ni-isa sa kanila sa list ko...

Nagjoin ako ng group sa friendster and isa sa sinalihan ko yung school ko nung college, nag-try ako kasi sabi ko I might see my classmates there. Pero wala maski isa, hahaha. Hinayaan ko lang sa page ko yung group tapos ngayon unti-unti nandoon na mga classmates and batchmates ko. Nagugulat na lang ako na nadami na sila sa list of friends ko, yung mga di ko inaasahan na makita ka-reunion ko na sa net and may group na din kami dun sa batch namin, gawa ng pare ko na classmate ko nung college na naging asawa ng barkada ko noon at may dalawa na silang anak ngayon na naging inaanak ko pa, hehe (kinuwento pa talaga hano? :D ). So, slowly nagju-join na sa group mga batch namin at sana dumami nga ang members para magkaroon ng reunion sa Pinas. Nakakatuwa pa yung classmate namin na crush ko noon eh nakita ko na din atlast! hahaha... So ka-reunion ko na din sya nito eventually at mare-reminisce ang nakaraan (kulit!). Masaya na makita ulit mga nakasama mo ng matagal sa skul at makita na most of them are now successful in life.

Thank God sa technology ngayon, kahit na malayo ka parang abot kamay mo lang mga mahalaga sa buhay mo. Reunion sa net??? Hmm, so nice and maybe much better if one day we'll be able to see each other in person. I wish! :)

15 comments:

Anonymous said...

Wow! Buti ikaw nakikita mo mga dati mong kaklase nung elementary and college, ako di ko na mahanap sa friendster.

RonaldB

Leah said...

ako rin, marami ng friends sa friendster... its a good socializing netwrok..ganun din sa multiply....

Anonymous said...

ah, yes, the wonders of technology. the best thing that technology had given me are nice friends i met online through email and my blog.

i've read once that the philippines have the highest number of friendster registrations. i don't have a friendster account simply because i'm a super-duper-mega busy person. i wouldn't be able to keep up with it. i guess i'm the only filipino who doesn't have one hahahaha.

p said...

ayus 'to. ako rin kakabalik lang sa friendster. wala lang ...sharing lang.

pauL said...

im back. :D korek! ang saya ng feeling pagnamemeet mo yung mga former classmates mo kahit thru net lang. ang masaya nga don yung mga changes physically... hehehe...

Anonymous said...

kaaliw nga yang friendster kasi nahahanap ko dyan ang long lost friend na kapitbahay ko noon.

Anonymous said...

Alam mo ako maraming nakitang highschool/college friends sa alumni.com at database. Pinapaliit talaga ng internet ang mundo.

++JOY++ said...

Friendster din ang way ko to find old classmates.
ayun...goodthing tlaga...tehcnology nga nman!

haha...ang saya makibalita sa kanila...hihi. :)

Anonymous said...

Yes! I have to agree! Yan ang kagandahan ng technology ngayon. Yung mga classmates o sinomang personality sa past mo pwede mong nang makita. Nakakatuwa din kasi you'll be able to somehow catch up sa time na nawala sila.

Anonymous said...

I also have a friendster account kaya lang hindi ako gaanong active. But I am in contact with my highschool classmates. I set-up a website kasi for our batch. Kaya ayun, para ngang reunion na rin sa net. Pero yung mga classmates ko na nasa Pinas, every year meron talaga silang reunion at lagi silang nagkikita-kita. :)

sherma said...

yan ang kagandahan sa technology, kaya nga kaming high school friends ko, lagi in contact...

Anonymous said...

same thing skin, i found lond lost friends.. from their natanungan n ng mga contact numbers then kitakits.. ^^

Gypsy said...

I have friendster, too--pero di ko masyado naalagaan. But its always a great thing to reconnect with classmates and see how they've changed and how they've remain the same!:)

Anonymous said...

Halos pareho tayo pala ng trip nu'ng kelan. Buong-pwersa kong sinuyod ang mga dati kong kaklase magmula Elementary hanggang High School. Nakakagulat nga 'yung iba. Hindi ako nabalitaan na may mga nangibang-bansa na pala, may mga asawa't anak na, mga bigtime na, at kung anu-ano pa.

Anonymous said...

natutuwa ako pag nakikita ko yung friendster accounts ng mga kaklase ko nung elem, ibang-iba na sila ngayon. at aba, mas maganda na pala ko! hehe. kiddin!

btw, thanks for the comment sis! =)