Wednesday, May 09, 2007

Headache

Arrrggh, sakit ng ulo ko talaga.... Hindi dahil sa may kinaiinisan ako or whatsoever kundi talagang masakit dahil ata sa init ng panahon. Yes, umiinit na dito sa amin yipee! So far umabot na kami sa 26 °C at ang mga pipol nakakapagsuot na ng pang-summer. I hope tuloy tuloy na ito pero sana wag naman sobrang init, baka araw-araw eh sumakit ulo ko.

Ang mga bata dito super enjoy kasi dami silang activities, mga niece ko parati gusto sa park kaya hayun ang tita Misyel nila nakakapagpark din, ang sarap din ng pakiramdam kasi nung tag-lamig eh nakakulong lang talaga, lumabas ka man eh nakabalot kana tapos gusto mo agad nasa warm na lugar ka. Maalala ko nung last time pala na magpunta kami ng park may isang chinese old woman na tumabi sa akin, nung una nasa kabila siyang bench but eventually lumipat na sa tabi ko tapos may hawak na papel, dunno kung letter ba yun sa kanya or what yun pala english alphabet and some basic sentences like "How are you?", nakakatuwa nagpaturo sya at ang lola ang bilis matuto. Kanina nakita ko ulit si lola pero di kasi ako nagpunta ng park kaya wala muna kaming Ni hao ma, hehe.

Magsisimula na pala ako nitong maglabas ng pang-summer ko at makakapagpa-seksi na ulit (hmmm, sexy nga ba? ahihi). Niyaya ako ng friend ko this weekend manood ng sine, spiderman daw kaya sana maalis na tong sakit ng ulo ko at wag mapunta sa trangkaso kasi iba na talaga timpla ng katawan ko. Hayyy, Misyel ang hina talaga ng katawan...

6 comments:

++JOY++ said...

wee.
summer nah!
paseksi ka na!
were the same.
sakit ng ulo ko din.
pro rest lang katapat nyan.
aion.

pagaling ka. :)

Anonymous said...

26 degrees?! Here in Manila umaabot na ng 40 degrees, tumayo ka lng pagpapawisan ka na. Pero mukhang nagsimula na tag-ulan. Umuualn ngayon sa labas. Hehe.

Cguro pahinga lng kailangan mo din at maraming tubig

jhenny said...

hi michelle! girl get well soon, sayang ang summer kapag masakit ang ulo mo :P

hay dito sobrang init, pamatay!! hehe buti na lang nagsisimula ng umulan... after ng tag-init, tag-baha naman este tag-ulan hehe :)

ndi pa ako nakakapanood ng spiderman :(

Anonymous said...

Pahinga lang 'yan. Maraming aktibidades ang kinakailangang i-enjoy.

(Inihatid sa inyo ng Haw Flakes.)

Anonymous said...

Umiinit na rin dito....hay...lapit na namn ang 45-50*C na temperature.

Kiko said...

Pag nakita mo ulit si lola intsik paturo ka naman magluto ng mga chinese foods para bawi ka sa pagturo ng english sa kanya! hehehe!

Magpractice ka na sa init dahil pag-uwi mo mas mainit. Dito iinit ng ilang araw tapos lalamig na naman, kainis! Di tuloy makapagtennis lagi.