Friday, October 19, 2007

Kamusta na?

It's more than 2 months since my last post... Kaya eto na po si Misyel nagbabalik. Pagpasensyahan na po kung medyo matagal akong nawala. Sa loob ng dalawang buwan madami din nangyari sa akin, ang pinaka highlights nito eh yung paguwi ko sa ating mahal na bansa.


Isang buwan na din ang nakalipas simula nung bumalik ako dito sa Canada. Hayyy, natatandaan ko pa ang lahat ng mga good memories ng bakasyon ko. Super duper enjoy ako dun kapiling ng mga mahal ko sa buhay. Ang sarap makasama ang pamilya, atlast nabuo din kami at nadagdagan pa ng isa. Kinasal ang sister ko kaya sabay din kaming umuwi, simpleng kasal lang, pili lang ang mga bisita halos mga relatives lang ang nandoon. Masaya ako para sa aking kapatid (kahit naunahan si ate Misyel niya, hehe), mabait ang hubby niya kaya salamat sa Diyos. Apat na linggo din ako nagstay dun pero bitin pa pala yun, halos araw-araw nasa labas ako namamasyal kasama family ko. Na-meet ko din mga kaibigan ko and syempre gumimik din si ako (mawawala ba naman yun..). Kaya nung pabalik na ako dito naramdaman ko na yung sobrang lungkot at lalo na nung nandito na ako, two weeks din ata akong nag-iiyak sa sobrang homesick. Mahirap talaga mapahiwalay sa mahal sa buhay pero kailangan magsakripisyo para din sa kanila. Sana lang sa sunod kong balik sa atin eh, mas matagal ako para mas makasama ko sila ng matagal.


Kamusta na ba kayo? Pagpaumanhin niyo sana ang di ko pagdalaw ng matagal sa inyong mga bahay, hayaan niyo babawi ako... Tenk yu ng marami sa lahat ng bumisita dito sa inamag kong lungga. Share ko sa inyo mga photo ng bakasyon ko dito at kasal ng sister ko naman dine. Enjoy viewing!

8 comments:

Anonymous said...

Welcome back Ate Misyel!!! Sana naman eh natapos na ang iyong pag-eemote. Dont worry, everything will turn out for the best. It is nice to have you back!

Viewed your photos and mare....lakwatsera ka talaga!

Anonymous said...

That's what you call, 'Series of Fortunate Events'. Ü

Anonymous said...

welcome back parekoy hehehe.. enjoy na enjoy ka ah...good for u..

wala na po ako sa pinas.. back to work na ulit.. pero january balik ako..

Anonymous said...

umuwi ka pala di ka man lang nagparamdan, hmpf! hehehe, joke lang . feeling close ba?

Anonymous said...

Kaya pala matagal kang wala eh nasa pinas ka. Kakamiss talaga, parang ang bilis ng araw kapag nakabakasyon lang no?

dodong flores 도동 플로오리스 said...

Hi, Misyel. I hope naka-recover ka na sa lungkot. Nakita ko pala photos mo sa Multiply. Ang ganda mo pala...
Ini-add pala kita sa blogroll ko. I hope okay lang syo...

MISYEL said...

tenk yu po sa pagwelcome mga kablogmates!

Iskoo, sayang nga ano sana nag-EB tayo hehe...

Salamat po Mr Dodong, d naman po maganda tama lang na may mukha (as if lahat naman meron, hahaha):D Add din po kita sa blogroll ko.

Anonymous said...

hello misyel,
kmsta na ba kapatid? tnx sa dalaw sa bahay ko and congratulations sa sister mo ha! kala ko pa naman ikaw na yung ikinasal,d bale habol ka nalang hehe....

great sunday sau and a lovely week to come! yakap ng mahigpit kapatid malamig na naman !