Monday, April 16, 2007

hair make-over

Dahil sa nagbabago na weather dapat pati looks bago din, kaya eto ang Misyel nagpa-hair make-over woohoooo.... Matagal tagal na din akong di nagpapatreat ng buhok since dumating ako dito sa Canada, sa atin kasi noon every six months nasa parlor ako para magparelax ng hair kaso sa pagtitipid eh di ko magawa dito hehehe, ang mahal kaya, gupit nga lang magkano na kaya di din madalas pagupit ang karamihan. Kaso kapag ugly betty na ang hair pati aura mo ugly na din kaya sabi ko its time to have a make-over, salamat ke Vicky Belo ayyy parang mali, kay David pala at Ate Lhay (special mention yan ate huh, hehe).

So, yesterday me and my cousin went in one small mall sa Scarborough, mga 3pm siguro kami nandoon and umalis doon ng mga before 8... Imagine ang tagal ko sa parlor, waaahhh ang sakit kaya ng butt ko sa tagal kong nakaupo kaso gusto ko magpaganda so dapat tiis ako! Ang lola mo feeling princess that time kasi apat na tao nagawa sa hair ko, pakiramdam ko celebrity ako kahapon hahaha... Ang daming achuchuchu na ginawa kaya almost 5 hours bago natapos ang new hairdo ni Misyel at paglabas ko ng parlor aba mukhang nakapag-asawa ng mayaman si ako.

Balik na sa dati ang buhok ko, medyo iksi nga lang ng konti pero ok at maganda na ulit... Mabigat man sa bulsa magpaganda pero ganun talaga, sabi nga ni ate Leah "its expensive to be beautiful" :D

14 comments:

sherma said...

ako ay nagbagong anyo rin... (ang pangit ng term! bagong-anyo! hehehe..) I also have now a new hairstyle...

Anonymous said...

sa atin mura lang ang pagupit, bakit kaya. oks lang yan minsan gumastos basta ikakaganda naman diba?

Anonymous said...

wahhhh bat walang pictures!!! =) eskayted kami sa bago mong look....

jhenny said...

naksss girl.. new hairdo! tama yan time to make hanap a new papable naman lol :P

ingat lagi dyan...

Anonymous said...

sana ipakita mo sa amin ang make over ala Vicky Belo (davids) hehe. asan picture?

Gypsy said...

Grabe, congrats for sitting through 5 hours of beauty treatment! Happy New Hair--you should post photos!! :)

MISYEL said...

next post ko may kasamang photo para naman makita nyo kapangitan ko ayy, kagandahan maski kaunti lang hahaha.. thanks for visiting my site guys :)

Anonymous said...

minsan, kailangan ding gumastos para sa pag-aayos ng sarili. it boosts our self esteem, di ba? pag feeling pretty ka, magaan ang pakiramdam hehehe.

Anonymous said...

mahal talagang magpaganda! pero muka ka namang maganda kaya minimum lang ang kailangan mong ayusin, di ba.

anyways, please visit me sometime. ^_^ also, link exchange?

Leah said...

Ngayon lang ako nadalaw uli...tungkol din pala sa buhok ang post mo, pareho tayo. Kaka-publish ko lang.

Ganda na talaga ng hair mo.. Beauts na beauts.

Anonymous said...

asan na photo ng bago mong 'do? hayaan mo minsan lng yan. I'm sure sulit yan, sa tagal mo ba naman sa parlor. baka pwede ka ng magmodel sa mga shampoo commercials nyan.

Leila said...

talaga maganda ano?pero ang hirap palang mag-antay, you know why?mapapagastos ka rin lalo na kung asa mall ka,ilang pabalik-balik at di pa rin tapos! at hayun nagpabeauty din ang waiting na si ate, nagpa-ayos tuloy ng kilay at nagpahot oil pa ng hair, eh di feeling beauty na rin ang cousin, hehehe, pero di pa rin tapos ang reyna kaya order ng food (added sa calories) para lang mawala ang inip, hahaha.. (forgot my reading material kasi, eh di sana nakatipid at nakafinish pa ng libro!).

Anonymous said...

Dito ang mahal din magpaganda kaya pag nasa pinas ako dun ako bumabawi...hehehe. Mura lang kasi sa atin kahit sa sosi na salon ka pa magpunta compared dito or dyan.

pauL said...

im back misyel! good for you meron ka ng bagong look. asan na yung pic? dapat may pic ko from before and after. :D im sure worth it naman yung pagupo mo sa salon for how many hours.