Friday, January 19, 2007

KiSS

While I was resting kanina after ng dinner, umupo ako dun sa sofa namin, gumitna ako sa mga cute angels ko (nieces)... Si Sam bigla akong kiniss sa cheek, so nagulat si aketch at natuwa, tapos si Jeanna biglang umupo sa lap ko and kiniss ako sa forehead, nakita ni Robyn so ginaya niya din at kiniss ako sa isa ko pang cheeks. Ayun napupog ako ng halik ng mga angel ko at di talaga ako tinigilan hangga't magtatawa na ako at magkandagulong gulong sa kinauupuan ko (sandali weird ata nung nasabi ko, paano naman ako gumulong gulong sa upuan ko? hay basta kayo na bahala mag-isip ng itsura ko that time, ehehe..). Sarap ng pakiramdam ko nun, biruin nyo nawala pagod ko bigla and feeling ko ang bango bango ko para paghahalikan ako ng mga pamangkin ko. Buti na lang nandito sila, pangpawi ng lumbay at pagod. Ewan ko kanina bigla na naman akong naging senti mode, di na ata yun maaalis sa akin. Pero hindi din, I know darating din yung time na wala nang lungkot sa mukha ni Misyel pero baka naman sa mga oras na yun nasa mental na ako, hahaha.

Mabalik tayo sa topic na KISS.... Hmmm, ano ba nararamdaman ng isang tao na naki-kiss? Madami yan. Una, kung ang hahalik sa'yo eh mahal mo sa buhay syempre pa masaya ang pakiramdam at talaga naman na maiinspire ka. Tulad na lang ng nangyari sa akin kanina. Pangalawa, kapag ang kumiss sa'yo eh irog mo, hanep sa feeling parang nasa cloud nine ka at nanalo ng binggo. Pangatlo, kung ang humalik naman sa'yo eh hindi mo type at panakaw, anak ng tinola parang gusto mo nun manapak.

May kwento ako tungkol dyan sa pangatlo... Nasa hayskul ako noon at neneng-nene pa, naaalala ko pa breyktaym namin noon at ako'y nakatambay sa labas ng classroom namin ng bigla akong halikan ng isa kong classmate na lalaki, eeewwww! Sobrang sigaw ko noon at talagang kulang na lang eh maghurimentado ako sa campus. Galit na galit ako sa kanya nun pero nakapagtimpi pa ako, ngunit di yun natapos doon kasi isang beses na naman eh ninakawan na naman ako ng halik (sa loob naman 'to ng classroom) nagulat ako ulit at nasampal ko sya ngunit di pa din nakuntento ang mokong kasi naulit na naman ang halik ni hudas ayy, este ng kaklase ko pala but this time di na ako nakapagpigil pa, dumiretso ako sa guidance at talagang nagsumbong ako sa counselor namin, hayun pinatawag siya at pinagharap kami, tinanong kung bakit nya yun ginagawa, ang sagot ba naman ng mokong, "eh kasi po crush ko sya", hahaha! Natawa yung counselor namin sabay sabi na, "kung may gusto ko sa kanya dapat ligawan mo at hindi nanakawan mo ng halik, sige magsorry ka sa kanya.", ayun ang loko nanghingi ng tawad at di na talaga naulit pa ang nakaw na halik dahil kung hindi guidance ulit sya! Hay naku, kakahiya din yung nagawa ko nun kasi kumalat sa skul yun at naging topic ng tawanan. Those were the days na medyo bata pa talaga isip ni Misyel.

Ang kiss nga naman napaka-powerful kung iisipin, pwede mabago ang mood mo nito, maaring mapasaya ka, mapalumbay din o di kaya'y mapangitngit. Pero babala lang po sa makakabasa, kung magbibitiw ka ng isang halik dapat siguraduhin mong ito'y makakapag-alis ng lungkot at magsisilbing inspirasyon.

13 comments:

++JOY++ said...

katuwa nman mga nieces mu... pinupog ka ka ng halik!!sweetnessss!


yihee! pero nkakainis nga yung ganun noh... napaka ungentleman... pwede ka nman nya ligawan... siguro... natotorpe pero ang lakas nia para halikan ka ng 2 times ah!

grabe... agresib!

tcee sizteret!

Anonymous said...

iisa lang pamangkin ko pero kapag greet na ako kiss kaya alam ko yang feeling na yan. pero bakit sa akin walang nag na nakaw ng halik? hehe.

Anonymous said...

yung manakawan ng halik ang feeling na di ko pa alam kung papaano, hehe

Anonymous said...

huwaw iba na ang HOT CHICK!bata pa lang dami na admirers!=) pero san ka ba ni-kisS? cheek b or s lips kagad?dun po ako interested eh hehe!

Anonymous said...

so, yun ang first kiss mo heheh...

yung fren ko yung anak niya sobrang likot at di narin makapagtimpi ang mommy pero alam niyang manuyo kiss lang niya si mommy nya yun nawala na galit.

Anonymous said...

masaya na 'ko sa beso. hehe.

Anonymous said...

Ang sweet naman ng mga pamangkin mo. Siguro sweet ka rin sa kanila kaya ka nila hinalikan. :)

I tagged you nga pala - 5 things you might not want to know about me.

Thanks.

Anonymous said...

naalala ko nung tinatawag kong bading yung kinakapatid ko, kasi naman feeling ko bading talaga siya, tapos ang ginawa nya hinabol nya ko nung nahuli ako sabay halik, para nga daw masabing lalaki siya kaya nanghalik. pero after few years ng di pagkikita, ayaw ng bumalik ng tundo kasi nga nagladlad na Ruffa na ang name nya :) at mas maganda pang di hamak sa ate nya :)

Billycoy said...

sana meron na rin akong kinikiss ngayon... ang alam ko lang halikan yung unan namin

jhenny said...

haha, kaaliw naman experience mo sa nga kiss....

ako 2 pa lang pamangkin ko, pero mga baby pa eh, kaya ako pa nagki-kiss sa kanila :D

wala ako masabi sa klasmeyt mo ha, siguro todo-todo pagka-crush nya sayo hehe...

ako right now, ayaw ko ng kiss.. gusto ko hugs.. ewan ko ba basta mas feel ko kung may yayakap sa akin.. waaaaaaaaa senti din ako misyel, dadamayan kita hehe.

Anonymous said...

sino ba yung kumiss sa yo noong bata ka? Si Kundring ba o si Ebug? Hehehe!

Balik Ireland na naman ako kaya nakakainternet na naman.

Bro. Iskoo, kung mababasa mo 'to sorry di kita na-contact diyan sa pinas, naging busy kasi masyado sa family ko at sa kakagala eh! God Bless!

Misyel, saka na yung kuwento at pictures hane? kasi di ko pa matanggap na ala na ako sa pinas kaya patuloy pa rin akong lumuluha sa lungkot dito.

Debie said...

ang sweet nmn ng mga pamangkin mo.

Haha kapal nmn ng mukha nun magnakaw ng halik! :D

Lazarus said...

"A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become superfluous."
- Ingrid Bergman