Tuesday, January 16, 2007

Ang Snow....

a shot in front of our house

Yahoooo! Finally winter na sa amin, hehe... Pers taym kasi na nagsnow ng medyo malakas kahapon dito and unang beses ko na naglakad habang nagpi-freezing rain. Actually nung December 21 pa nagsimula ang winter pero ngayon lang talaga nagsnow kaya sabi ng iba hanggang March may snow, weheheh.. Sabi lang naman yun kasi kahapon sandali ko lang nakita nagsnow ng malakas tapos nawala din agad.

Galing ako sa tita ko kahapon, di ako nagpasundo sa pinsan ko kaya nagcommute ako pauwi and gusto ko din kasing makapaglakad lakad para na din ma-exercise. Nung pagbukas ko ng pinto para umalis na nagulat ako sa lakas ng ulan, actually iba ang tunog pagbagsak nito. So humiram ako ng payong sa tita ko kasi sabi ko nga malakas ang ulan pero nung lumabas na ko natawa ako kasi yun palang ulan eh may kasamang snow. Habang naglalakad ako na nakapayong nagisip ako, "tama ba na magpayong si Misyel?", tinignan ko mga kasama ko na naglalakad pero wala silang payong kaya nagdecide ako na isara na ang gamit kong payong kasi nakakahiya sa madla, hehe... Pagbaba ko ng bus papunta na sa bahay (mga 15mins walk) enjoy na enjoy ako sa paglakad ko though hindi ako nakaboots ok pa din kasi di naman masyadong madulas sa sidewalk, ang sarap nga para akong nag-a-ice skating (pero ginaya ko lang naman nasa unahan ko na naglalakad na animo'y nakasuot ng ice skates), ayun sarap na sarap ako sa paglakad di ko intindi yung lamig at layo ng nilalakad ko. Ngunit, datapwat, subalit nung nandun na ako sa may street namin medyo di na ko natuwa kasi ang sakit na ng mukha ko sa snow na napatak dito kaya nagmadali na ako at tinigil ko na pagi-skating ko gamit ang aking rubber shoes :D

14 comments:

Leah said...

ayos ang imagination mo ah...sa wakas dumating na si Mr Winter. Pero anlamig naman ngayon. At least pwede na isuot uli yun mga stylish boots at mga ginaw-paraphernalia. Di Ba?

Anonymous said...

i've always wanted to experience snow falling on my head. however, parang hindi ko kaya to live for a long time in a country that has snow. mahina kasi ako sa lamig eh.

Anonymous said...

buti pa ang misyel tibay sa lamig! uyy punta tyo dun s downtown ice skating tayo turuan mo ako buti may magtuturo na sa akin =P

MISYEL said...

syempre ate leah dapat kapag mga ganyan lakad sa snow gamitin ang imahinasyon para walang maramdaman na lamig, hehe...

hi bea, nung 1st time ko na-experience ang snow para akong bata na talagang tuwang-tuwa kaso nung matagal na hindi na ko natuwa din kasi sobra na sa lamig, brrrr :D

wengskie, di naman matibay nagtitibay-tibayan lang hehe.. sige
sa next saturday punta tayo ng downtown turuan kita ng ice skating, handa mo na rubber shoes mo huh :p

Anonymous said...

nung una akong makakita ng snow tuwang tuwa din ako, lalo na yang nasa picture mo, katamtaman lang ang kapal, d tulad ng nakikita ko sa ibang blogs parang mataas pa sa hips yung yelo sa kapal. enjoy the snow :)

Anonymous said...

ok din ang rubber shoes kesa sa 9$ na rent sa skates hehe! pero magpapayong din ba tayo pag nagsnow habang skating tayo? =D

Anonymous said...

naku buti ka pa may pawinter winter. dito sa pinas, asa pa kami hehehe :) anyway, sana ako rin makaranas ng winter kahit one time lang :) salamat sa pagdalaw lagi sa akin ha ;)

ikay the dancer said...

*naingget sa snow.*

..nung bata ako, takot ako sa snow. kala ko kce meron sa pinas nun. at kapag natunaw, lalamunin lahat ng buhay. amfufu!

Anonymous said...

kahit kasi gaano ka taas ng araw kung paligid ka naman ngsnow parang di mo mararamdaman ang init, ngalang dahil puti ang snow mas lalong nakakaitim ata kapag sumikat at araw kasabay ng makapal na snow, di pala uso ang magpayong dyan?

Dos Ocampo said...

sana may snow rin sa pilipinas... buti nalang kinwento mo at least di lang puro galing sa hollywood movies ang alam ko sa snow hehe... naku edi ang lamig dyan? sabi nung tita ko na nasa abroad 3 patong daw damit nila kasi maginaw talaga.

tina said...

Waa buti ka pa snow dyan! I also want to experience snowing. nyahahaa. Blessed ka!

Polahola said...

waw! Isa sa dream ko ay ang makakita ng Snow. Ang lamig siguro dyan. Sabi ng mom ko tuwing winter daw ang kinis ng faces ng people, nawawala daw yung zits! Kaya ako gusto ko pumunta jan! Bukod dun, ang ganda pa maglaro ng snow!;-p

Anonymous said...

Dito naman sa amin usually Halloween ang start ng snow. Minsan nag-aaway pa kami ng mga anak ko dahil ayaw pa nilang isuot ang mga winter jackets at boots dahil hindi pa raw winter. Sasabihin ko naman kapag may snow na, ibig sabihin nun winter na. :)

Debie said...

Our family use to visit my aunt in norway, there was one time we visited her and it was winter.

I was so scared to go out cause my aunt said that the snow was up to a little above the knee and since then I never appreciated Mr. Snow.

Good thing you did.