Saturday, December 02, 2006

Drama Ito...

Love isn't a decision. It's a feeling. If we could decide who we loved,
it would be much simpler, but much less magical.


Ang sarap ng pakiramdam ng nagmamahal at alam mo na may nagmamahal sa'yo.. Yun bang paggising mo sa umaga eh, mapapa-smile ka kasi maaalala mo siya at tiyak gaganda araw mo. Hmmmmm, iba talaga yung inspired right? Nagiging magaan lahat, yung mga problema nalilimutan agad at palagi masaya ang feeling.

Naniniwala ba kayo sa Long Distance Relationship (LDR)???

May ilang beses na din nagmahal si Misyel ng napapalayo sa ka-relasyon, masasabi ko na mahirap talaga ang ganitong set-up, madaming sacrifices and misunderstanding na mangyayari. Ilang beses na din na hindi naging successful ang ganitong uri ng relasyon sa akin,yun ngang naiwan ko sa Pinas noon ilang linggo o buwan din ako nagmukmok at umiyak noong naghiwalay kami (break up baga), ang hirap ata tanggapin sa sarili yung hiwalayan blues... Sabi noon ng kaibigan ko madami pang iba na mas deserving sa pagmamahal ko, makakapag move-on ka kung meron na ulit papalit, sabi nya.... Sarado noon isip ko, "no way!", sabi ko. Pero may punto din pala sya, madali ka ngang makakapag move-on kung may makikilala ka.

So sa madaling salita nakatagpo nga ako at tinamaan ng pana ni kupido ulit :) (at muli nasa malayong lugar na naman ibinigay sa akin). Hay sa una talaga naman napakasarap ng pakiramdam, laging may ngiti sa aking mga labi at yung pain na naramdaman ko sa EX(men) ko eh unti-unti ko nang nalimutan..

Ngunit, datapwat, subalit.....muli na naman nasasaktan si Misyel sa ngayon. Hindi ko alam kung pagsubok ba ito sa amin o talagang iniinis ako ni kupido? (tama ba naman idamay si cupid?!).. Sana lang isa ito sa mga magpapatibay sa aming relasyon pero minsan di ko pa din maiwasan na matakot na baka muli na naman akong masaktan, hay bakit ba laging ganito??? Mali ba na nag-take ulit ako ng risk na magmahal sa taong malayo sa akin? Ano kaya mali sa uri ng pagmamahal na binibigay ko? Tsk tsk... Hindi ko na alam, siguro wag ko na gaano isipin pa mga bagay na ito... I'll just go with the flow.

Pasensya na nagbuhos lang ako ng hinanaing. Salamat sa oras :)

11 comments:

Iskoo said...

totoo na masarap ag may nagmamahal sa atin, weather malayo o malapit siya, andyun yung assurance na minamahal tayo. pero di nga maiiwasan na kung may masaklap kang karanasan sa pagibig talagang minsan parang matatakot tayo ulit masaktan.

dont be afraid, magmahal lang tayo ng magmahal without too much pressure sa sarili natin, if they stay talagang para sa atin sila :)

Anonymous said...

hello, misyel!
i've always believed that long distance relationships work. it's just a matter of trust and adjustment. if there are bumps along the way, they're part of it. well, they're part of every relationship. so just hang in there. mag-shopping na lang uli para maaliw hehehehe

Anonymous said...

talagang ganyan umhhh love life talaga buti ka pa!

Anonymous said...

love is only as good as u make it, its up to u to set the stage..

if u have the courage to love u have the courage to suffer...

read these 2 quotes everytime u feel that.u have to take a risk sometimes for u to know what real happiness is..love yah best..

Leah said...

LDR is something I always dont recommend but then again, I've never been in that situation. Siguro, nasa pagdadala lang din yan.

Hope you are much more hopefully and in a better mood this days.

Hakuna..matata (don't worry , be happy!) korni ko 'no?

Leah said...

I mean hopeful..not hopefully (ngek talaga)

Anonymous said...

naniniwala ako sa long distance relationship lalo na kung grounded na ito bago kayo nagkalayo. sa case ko lang kapag getting to know each other na long distance hindi nag wo work sa akin kasi hirap ako sa communication :)

tama ka iba talaga ang feeling kapag alam mo na may nagmamahal sayo, mag nag te text sayo kung kumain ka na ba, magsasabi ng gudnight, sleeptight, etc etc :)

Anonymous said...

bakit naman kasi maiinlab ka lang yung nasa malayo pa e, pero syempre di ko dapat kwestyunin ang puso este hypothalamus pala :)

jhenny said...

hi misyel! hay.. ganyan yata ang love, susubukan ka kung hanggang saan ang tatag mo :) wag ka lang magsasawa magmahal, it doesn't matter kung malayo or malapit sayo ang mahalaga nararamdaman mo sa puso mo na nagmamahal ka :)

love is a very risky feeling it could make us the happiest person in the world and could make us the saddest person too.. but i always believe that love is a gift :) at mapapalad ang mga taong hinde natatakot magmahal :)

basta be strong and pray :) kayang-kaya mo yan... and besides its their loss kung pinakakawalan ka nila :)

go girl! mwah!

PS. i don't believe in long distance relationship, wala lang :)

Anonymous said...

ive experienced this LDR thing, and its indeed hard..and dramatic.

but i guess, this thing exists..cuz if not we wont be able to label it as LDR anyway, hehe.

uve got nice entries here, keep it up!

Anonymous said...

i have nothing against LDR(if you know the guy before kayo nagkalayo), ang problema lang kadalasan(esp. women)ni hindi pa nagkikita ng personal nagiging magboyfriend na dahil inireto ng kaibigan or kamag-anak. nagpabola si babae sa text, email or chat. meron pang umuuwi para pakasalan si lalake kahit na hindi pa nya nakikita ng personal. no offense meant pero ang matagal nang tanong sa isip ko....ganun na ba ka scarce ang supply ng mga lalaki dito sa toronto?