Monday, August 28, 2006

PASUKAN NA NAMAN!


One week na lang pasukan na ng mga bata... Tahimik na naman ako nito sa bahay kasi papasok na mga pamangkin ko sa school, mababati ko na naman ng good morning ang buddy ko sa chat :D Makikita ko na naman si Kerrie ang bus driver na laging nagsasabi sa akin ng "bye aunty Michelle" at makikita ko na naman ang kapit-bahay namin na Pinay tuwing alas-dose ng tanghali. Ang dinner namin maaga na naman kasi kailangan maaga matulog ang mga bata. Iba na naman ang routine ni Misyel...

Ang bilis talaga ng panahon naka two months na bakasyon na pala sila, nararamdaman ko na din malapit na ang tag-lamig. Naaalala ko noon nung estudyante pa ako kapag malapit na ang pasukan halo ang emosyon ko, malungkot kasi tapos na yung bakasyon at pasarap katulad ng pagpunta sa mga beaches and pag-bisita ng mga pinsan sa bahay o kaya kami ng kapatid ko bakasyon sa mga kamag-anak, then makikita ko na naman yung mga terror na guro at mga kaklase na bully...masaya kasi makikita ko na naman mga kaibigan ko sa eskwelahan, yung mga crushes ko hihihi, meron na naman akong bagong notebooks and bag at makakaipon na naman ako kasi may allowance na naman hehe. Pero sa totoo lang masarap na mahirap talaga ang maging estudyante. Maraming sacrifices, nandyan yung maaga ka magigising para maghanda sa pagpasok at mapupuyat ka kasi kailangan mo mag-review, pero kapag natapos ka naman matutuwa ka kasi nakaya mo lahat ng hirap at matutuwa din mga nagpaaral sa'yo. Ako nga pwede pa mag-aral ulit, naiisip ko nga ulit pumasok sa Unibersidad hmmm kung kakayanin pa ng budget ko why not?! Kaso kapag nasubukan mo na magtrabaho tatamarin kana mag-aral pa, pero sabi nga ng iba habang bata ka pa aral ka lang.

Sa mga babalik ulit sa eskuwelahan, good luck na lang sa inyo. Pagbutihin ang pag-aaral para may anihin pagkatapos.. Naks si Misyel ba ito? hehehe. Smile and be happy always :)

4 comments:

Kiko said...

Ako natatandaan ko excited lang ako bago magpasukan kasi puro bago mga gamit pero pag may klase na lagi na akong absent,kasi ayaw na ayaw ko talagang magising ng maaga eh! kaya lagi akong late! Kaya nga minsan nung pumasok ako sa eskuwela ang bati sa akin ng mga kaklase ko, O Ronaldo? napasyal ka? hehehe! anlakas mang-alaska! Oo nga pala, pag nasuwertehan kong pumasok ng maaga noon, nakakasabay ko si Lorna(my wife sa mga hindi nakakaalam!hehe!) medyo maitim pa siya noon kasi addict sa volleyball. Sana di niya mabasa 'to! :) Teka? blog ko ba 'to? oops comment lang pala, napahaba! Sowee syel!

Anonymous said...

hi Mitch! wow i liked your new layout, you did a great job here, worth it ang pagstay mo til 5am! (oops sorry kung nabuking po =) hmm magkano rate per hour mo? =P
oo nga psukan na naman, buong maghapon na pagchachat na naman yan... =)

Anonymous said...

Buti na lang me Aunty na katulad mo na masipag mag-alaga ng mga bubuwit.

Enjoy your quiet time SOON!

Iskoo said...

enjoy lang pag-aaral kasi kapag working ka na siguradong ma mi missmo ang pag-aaral.