Friday, December 29, 2006

etsetera



I was so busy for the past few days and eto pang darating na mga araw... Super saya ng Pasko ko, dunno pero di ako nakaramdam ng homesick this time, hmmmm dahil ba sa inlab si Misyel o madami lang talagang nagmamahal sa akin sa paligid ko? :)

Last Christmas syempre pa di ko napigilan magdiet, aba ang sarap ata kumain kaya sa next year na ang diet diet na yan. Syempre pa dami ko na naman natanggap na regalo galing sa aking mga mahal sa buhay at litrato na di na ata mawawala pa sa sistema ko, hehe... Hanggang umaga super kanta na naman si ako ke magic sing maski na kanda paos paos na sige pa din (adik eh!).

Misyel (wearing stripe) getting one of her gift :)


After ng Pasko syempre di ako nagpahuli sa boxing day, isa sa holiday dito at sale halos lahat ng mga mall.. Umaga pa lang alis na kami sa bahay (1st runner-up shopaholic, ahihi), supah grabeh sa dami ng tao pero hmmm worth it naman punta namin kasi may mga nabili ako na medyo malaki-laki ang discount. Kinabukasan alis na naman ako ng bahay punta ulit kami ng mall tapos pasyal sa bahay ng cousin ko, kain na naman pero this time Canadian style naman ang food. Sumunod na araw di pa din ako nakuntento malling na naman, hay naku kaya ngayon ubos na talaga laman ng wallet ko pero bukas malling ulit kasama friend ko siguro nood na lang ako sa kanya habang nagsa-shopping hehe...


Happy new year po sa lahat!!!

May God bless us all and keep us on the right path for the year 2007 :)

Thursday, December 21, 2006

Thursday Thirteen #2




13 LISTS I'D LIKE TO THANK FOR IN MY LIFE


1. God - of course He will be first in my list, without Him I'm not here. He's the source of everything. I really thank God for what I am.

2. My family - ohh I really miss them, this would be the second yuletide na di ko sila kasama... They're my inspiration and I will really do my best to give them what they deserve.

3. My relatives (esp my cousins) - for their never ending advices and treats :)

4. Dennis - ehem, that's my special someone (kilig, hehe )... He makes my day inspiring and colorful.

5. Friends - I'm so thankful for them 'coz they take away my boredome (phone conferencing, chatting and partying).

6. Nieces and nephews - they are my angel and take my sadness away, kiss and hug pa lang nila :)

7. the Church - it uplift my soul and spirit lalo na kapag sobrang down ako, after the service ang gaan talaga ng pakiramdam. Kailan kaya yung day na makakasama ko yung family ko para magsimba?

8. Music - it sooths and lighten my feelings... Napapasarap tulog ko kapag nakikinig ako ng songs. If you wanna hear some of it click this --> MISYEL's Playlists.

9. Blog - ever since i got hooked with it di ko na natigilan pa, iba talaga dating sa akin... maybe because this is where i pour out my feelings, ang sarap sa pakiramdam kapag nakagawa ka ng entry, maski na masabihan ako ng sistereth ko na baduy daw..I dont care!

10. Yahoo Messenger - it keeps me updated esp sa mga loved ones ko sa iba't-ibang sulok ng mundo (naks!).

11. My cellphone - my means of communication, a big big help to me.

12. Chicklit - pampatulog ko (but madalas pampapuyat eh), stress reliever to me.

13. My beautiful life - there are lots of things we really need to thank for, eventhough I encountered lots of trials this year I can say that life is good and everything that's happening to me has a purpose. Life is too short so we have to live to the fullest.

Those lists I have here are not enough, I still have a lot of things on my mind to thank for, its all here in my heart...


Merry Christmas everyone! :)

Wednesday, December 20, 2006

Christmas Party '06

Here's the photo I've promised you during my Berks Christmas Party last Saturday..


We started the party around 7pm and lasted at 5 in the morning, dba ang saya? :) There are lots of filipino food and some drinks too (wag na tanong kung ano ha, hehe). The exhanging of gifts went well, eventhough wala na surprise on me. Nagustuhan naman ng monita ko yung present ko sa kanya and buti na lang kasya talaga.. What's funny is siya din ang nakabunot sa akin.

I really like the gift she gave me, magagamit ko paguwi ko sa Pinas :)



Maligayang Pasko po sa lahat! Salamat sa walang sawang pagbisita sa bahay ko :)

Sunday, December 17, 2006

What Christmas Tree am I?

You Are a Bright Christmas Tree

For you, the holidays are all about fun and seasonal favorites.
You are into all things Christmas, even if they're a little tacky.

Monday, December 11, 2006

exchange gift


Limang araw na lang Christmas Party na ng Berks namin, yahuuuu! As if naman napakarami namin ano? hehe... Actually, i-ilan lang naman kaming magbabarkada dito sa Toronto (wish ko dumami pa kami :D ) kaya saya kapag may mga gatherings and we really take advantage of long weekends para magsama-sama at kung available talaga ang isa't-isa. Last year may Christmas Party din kami kaya lang walang exchange gift, kantahan lang and kainan but this time nagdecide na may palitan nga ng regalo to add more fun..

Share ko sa inyo kung paano namin ginawa yung bunutan para malaman kung sino monita or monito mo... Dahil sa bihira kami magsama-sama lahat, may isa sa amin napilitan gumawa ng palabunutan (at ako po iyon, ayoko sana kasi wala na sumprays sa akin hehe), yung the usual na ginagawa sulat sa isang papel ang name at lalagyan ng number after, nung matapos ko na gawin yun tinawagan ko sila isa-isa at pinapili ng number na gusto nila then ako ang mismong bubunot for them at tada may monita/monito na sila! Yun nga lang alam ko kung sino ang mga nakuha nila at sa part ko wala na talagang kasorpe-sorpresa, pero ang kaigihan nun eh mahihiling ko ng husto sa nakabunot sa akin kung ano gusto ko.. Kaso nung sinabi ko na type kong gift nasabihan ako ng "tigas ang mukha!", hahaha.. Kasi naman ang sabi $20 to 500 maximum worth ng gift, hehehe kaso syempre sa 20 kana :D

Kaya last Sunday nagpunta na ko ng mall para bili ng regalo ko, hay sarap na naman shopping kaso talagang budgeted lang dala kong money kailangan tipid... Sabi ng monita ko sweater daw gusto nya, I hope magustuhan nya nabili ko, if not naman no choice sya. Pwede hagis nya sa pagmumukha ko kung di nya type or hingan nya ko ulit ng pambili, hehe.

After ng party share ko ibang pix sa inyo, sama na din nakuha kong exchange gift :)


Mga blogmates, nanominate nga pala tong blog ko as blog of the week.. If ok blog ko for you, you can vote for urs truly,
thanks! :)

Wednesday, December 06, 2006

Blog Fodder #2

Blog Fodder is a new meme which I find it cool 'coz they give topics for each week which you can participate if you want to. This week's topic was submitted by Nikki-ann ...

Tell us about somebody who has changed your life, even if just a little bit.

I can say there's a lot of people who changed me in many different ways.. but I'd like to mention my cousin Leah.. Without her knowing she made a great impact in my everyday life. She's the one who introduced me into blogging and since then I got hooked to it and find my self excited everyday to think of a new idea for a new entry and looking forward as well to check on others blog. And also before I'm not fond of reading books but my cousin influenced me into it, she's right it's definitely a good stress reliever.

If you have time you can check her blog too, she's a great writer :)

Saturday, December 02, 2006

Drama Ito...

Love isn't a decision. It's a feeling. If we could decide who we loved,
it would be much simpler, but much less magical.


Ang sarap ng pakiramdam ng nagmamahal at alam mo na may nagmamahal sa'yo.. Yun bang paggising mo sa umaga eh, mapapa-smile ka kasi maaalala mo siya at tiyak gaganda araw mo. Hmmmmm, iba talaga yung inspired right? Nagiging magaan lahat, yung mga problema nalilimutan agad at palagi masaya ang feeling.

Naniniwala ba kayo sa Long Distance Relationship (LDR)???

May ilang beses na din nagmahal si Misyel ng napapalayo sa ka-relasyon, masasabi ko na mahirap talaga ang ganitong set-up, madaming sacrifices and misunderstanding na mangyayari. Ilang beses na din na hindi naging successful ang ganitong uri ng relasyon sa akin,yun ngang naiwan ko sa Pinas noon ilang linggo o buwan din ako nagmukmok at umiyak noong naghiwalay kami (break up baga), ang hirap ata tanggapin sa sarili yung hiwalayan blues... Sabi noon ng kaibigan ko madami pang iba na mas deserving sa pagmamahal ko, makakapag move-on ka kung meron na ulit papalit, sabi nya.... Sarado noon isip ko, "no way!", sabi ko. Pero may punto din pala sya, madali ka ngang makakapag move-on kung may makikilala ka.

So sa madaling salita nakatagpo nga ako at tinamaan ng pana ni kupido ulit :) (at muli nasa malayong lugar na naman ibinigay sa akin). Hay sa una talaga naman napakasarap ng pakiramdam, laging may ngiti sa aking mga labi at yung pain na naramdaman ko sa EX(men) ko eh unti-unti ko nang nalimutan..

Ngunit, datapwat, subalit.....muli na naman nasasaktan si Misyel sa ngayon. Hindi ko alam kung pagsubok ba ito sa amin o talagang iniinis ako ni kupido? (tama ba naman idamay si cupid?!).. Sana lang isa ito sa mga magpapatibay sa aming relasyon pero minsan di ko pa din maiwasan na matakot na baka muli na naman akong masaktan, hay bakit ba laging ganito??? Mali ba na nag-take ulit ako ng risk na magmahal sa taong malayo sa akin? Ano kaya mali sa uri ng pagmamahal na binibigay ko? Tsk tsk... Hindi ko na alam, siguro wag ko na gaano isipin pa mga bagay na ito... I'll just go with the flow.

Pasensya na nagbuhos lang ako ng hinanaing. Salamat sa oras :)

Monday, November 27, 2006

Ang Shopaholic

That's me, but I'm just a runner-up heheheh... May kilala kasi ako na champion pagdating sa pag-sa-shopping, grabe ang friend kong ito as in! Hindi uuwi galing ng mall na walang bitbit na pinamili, ayan pati tuloy si Misyel nahawa na din, I told myself i-ipon na ko kasi I'm planning to visit my family next year kaso wala eh hirap mag-control pagkasama ko ang shopaholic kong friend. Madalas kami magpunta sa Scarborough Town Centre ni Ms Shapaholic kasi nga malapit lang sa place namin. Ewan ko ba iba ang feeling kapag nakakapamili ka, lalo na yung gustong gusto mo yung nabili mo. Kaso mali naman yung bumili ka ng bagay na di naman talaga kailangan. Naalala ko tuloy yung nabasa kong book ni Sophie Kinsella na Shopaholics, tindi ng main character dun na si Becky, may times na naiinis na din ako sa kanya kasi nga addict na sa pamimili and at the end nabaon na sya sa utang at hinabol na ng mga pinagkakautangan nya pero syempre ang tao pwede naman magbago kaya sa huli natauhan din sya and naging debt free na.

Last Sunday nagplan kami ng friend ko na magkita para magshopping ulit pero ang nangyari di kami natuloy kasi ininvite ako ng isa sa mga ka-church ko sa kanila after ng service, nahiya naman ako humindi kaya na-injan ko yung two friends ko na pinangakuan ko samahan. But ok na din na di ako nakapunta ng mall at sa isang warehouse kasi kung hindi bawas na naman yung tinatago ko sa pitaka ko, hehe.. Yun nga lang nagtampo yung isa sa friend ko (chori poh) kasi di ko sya nasamahan and si Ms Shapaholic medyo nainis kasi wala sya gaano napamili :DThree weeks from now Christmas party na namin kaya kailangan magshopping na ng pang-regalo, sa mga malls dami na sale at mabibili na okay. Hayy, paano kaya ito sigurado di ko maiiwasan di gumastos.

Kayo ba mahilig din sa shopping? May nakita akong site about Shopaholic and they have a test to know if you're one of them. I took it and I scored 42, and sabi dun "If your Total Score is: 25 to 50 Points: You need to be very careful. You could be headed towards becoming a Shopaholic." See??? Sabi ko sa inyo runner-up lang ako eh, hehehe :D

Here's the site if you wanna take the test too, http://www.banksite.com/debtconsolidation/shopaholic.htm

Thursday, November 23, 2006

Thursday Thirteen #1


Thirteen Things about Misyel


1. My real name is Michelle but my friends calls me Mitch.
2. I am 100% Filipina. I grew up in Makati but currently living in Canada.
3. I'm the eldest in the family, I have a responsible sister and a loving brother.
4. My parents and my brother are in the Philippines while my sister works in Ireland. I really miss them so badly.
5. I'm still single but very much happy :)
6. I look like my dad more than my mom.
7. My boyfriend is a bit older than me (very unusual to Misyel), hehe..
8. I have lots of friends especially in Pinas, miss them too - our gimik nights.
9. A computer addict.
10. I love to sing but I'm not a good singer.
11. I got hooked in blogging ever since my cousin asked me to join.
12. I'm afraid of firecrakers, that's why I hate it when I was in Pinas.
13. A very simple and cool gurl *wink wink

Links to other Thursday Thirteens!
1. Leah



Get the Thursday Thirteen code here!

Friday, November 17, 2006

Weng's Birthday Party

Last Saturday I had fun at my buddy's bday party.. Though medyo malayo from my place worth it naman, overnight na din kami sa kanila with my other friends too. Kahit konti lang kami super saya pa din, kwentuhan to the max and pictorial hehe, kaso after ng party eto napaos na si Misyel and hanggang ngayon inuubo pa din :( Sabi ng mga pinsan ko kasi gala daw ako, hehe.. Anyway, share ko lang po yung isang part ng video namin.

Wednesday, November 08, 2006

BUHAT

Kahapon tumawag ang pinsan ko sa akin, tapos niyaya niya akong mag-gym daw.. Sa una ayaw ko pa, kasi 'di naman ako ready at tamad din akong lumabas.. Naka-set na din kasi mind ko magblog-hopping sana, hehe. Pero dahil sa nahihiya ako sa ate ko tumanggi, pumayag na din akong sumama. Por da first taym masusubukan ko na din mag-gym :) ..

Sinundo nya ko dito sa bahay tapos diretso na kami sa gym, dahil sa member ang pinsan ko sa Extreme Fitness pwede syang magsama ng guest, pagdating namin dun hinanapan ako ng ID at dahil sa ka-engotan ko nalimutan ko magdala, tsk tsk tsk! Ang nangyari bumalik kami ulit sa bahay, kahit na medyo malayo kasi sayang naman get-up namin (ehehe) atsaka effort ng pinsan ko na magyaya :D

Hmmm, ang sarap pala sa gym bukod sa gaganda ang katawan mo, eh sarap din sa paningin (dami fafable, hehe)... Karamihan ng ginawa namin eh puro pang-abs, siguro dahil sa dapat na talagang pagtuunan ng pansin ang parte na yun, hahaha! At dahil sa baguhan lang ako syempre magagaan lang yung weights na binuhat ko, ang galing ng pinsan ko mag-train (thanks pala ate). After namin sa abs & stretch studio diretso naman kami sa whirlpool... Wow ang sarap, relaxing at alis ang sakit ng katawan namin, di pa dun natapos nagswimming pa kami after, naensayo ko ulit ang skills ko sa paglangoy, namiss ko ata mag swimming..

Hayy, worth it talaga ang araw ko kahapon kaso eto paggising ko nakuuu di ako makabangon sa sakit ng katawan ko, huhuhu.. Yung feeling na matanda kana, lahat ata ng muscles ko masakit. Ngunit pinilit ko pa din bumangon, nag stretching ako kaya medyo umo-K ng konti. Dapat sundan ko to, hmmm kailan kaya? :)

Monday, November 06, 2006

4 for Friday

Ate Leah tagged me last Friday and since I don't have anything in my mind now as a new entry, I decided to post this now.. *sorry ate if I didn't have the chance to answer it at once*
*************************


Q1 - Faith: What do you think? Does God exist, and if so, do you think God has control over events?

YES, God exist and I believe that He controls everything but we also need to have our part by doing His Will.

Q2 - Work: Do you socialize with co-workers outside of the office?

Office? Hmmm, well yes.. I do go out with "them" everytime :)

Q3 - Holiday Travel: Are you traveling for the upcoming holidays or are you expecting family and friends to come to your home for Thanksgiving and/or Christmas?

I'd love to travel this Christmas (maybe going back home to my family) but I really can't, so might stay here in Toronto and celebrate Christmas with my relatives.

Q4 - You Choose: Which would you rather have...a personal assistant or a personal trainer?

A personal assistant is good for me, need one (sana fafa, hehe) to tidy up the house and help me cook as well :)

Wednesday, November 01, 2006

Halloween fun :)

Me and my pamangkins had fun last night trick or treating, we started rounding the neighborhood at 6pm, madilim na kasi dito nun and dunno anong oras na kami umuwi... Kakatuwa tignan yung ibang mga bahay kasi talagang ganda ng decorations nila with matching sound effects pa, isang bahay nga na pinuntahan namin eh super natakot yung mga niece ko at nagtakbuhan kaya ginawa nung may-ari ng bahay inalis niya mask nya sabay sabi na, "It's just me, don't be scared!" so balik sila dun hehe.. Dami nila nauwing mga chips, candies, chocolates and pop too. Siguro dalawang street ung napuntahan namin pero napuno agad ung bags na dala nila. One of my nephew complained sabi nya, "I'm so tired!" kasi nga mabigat na din dala nya, pagod na din siguro kakalakad plus malamig pa kasi. Kaya ayun nagdecide na din kami umuwi tutal nag-enjoy na naman lahat..

Pag-uwi namin binuhos nila mga dala nila at eto yung isa sa mga nakuha ng pamangkin ko...

Thursday, October 26, 2006

Misyel's sad :(


I really feel down this past few days.. Stressed, bored, homesick, depressed? Hay, I don't wanna be like this anymore pero I'm going back to my old self again (I can't help it), my mind is so tired of thinking a lot (mga wala naman kwenta), I guess this is more of a homesick..

Sa araw na ito mga couple of times na kong umiyak because of too much sadness. First, my sister who's working in Ireland went back home to visit my family, I should be there too, but I can't :( You know what I'm doing now? I try to talk to my family on the phone as much as I can it makes me feel like I'm there too. How I wish malapit lang ang lugar ko sa kanila, para mawala tong sadness ko. So tired of thinking too kung matutuloy ako sa pag-uwi ko next year sa amin, I have too much concern regarding this, isa pa din siguro ito kung bakit ako ganito.. I am really hoping matuloy, I miss my family sooo much :( Tapos I felt bad pa on my BF, ewan ko ba madalas nasama loob ko sa kanya, may nagbago kasi eh pero he's telling me wala daw, di nya siguro nakikita. I'm glad I have my friends that I can talk to whenever I'm like this kundi baka maloka ako and ofcourse si God na di nagsasawa sa akin.

I know prayer is the best answer for all of these, need one from you :) Thanks!

Thursday, October 19, 2006

My Favorite Pillow :)


Yeah right, that's me and my fave pillow... Since I came here in Canada dala-dala ko na sya, sa eroplano pa lang yakap ko na, actually every night kasama ko si pillow ko sa pagtulog hugging it tight, sabi nga ng mga niece ko BF ko daw hehe.. Sana nga naging BF ko na talaga eh, waaah! But you know what's funny? Bigay ng ex-bf ko the pillow, secret natin yan huh, hahahaha... Pero to be honest gusto ko si pillow not because it reminds me of my ex pero dahil napapasarap tulog ko nito and may magandang kwento kasi din yan eh...

When I was in the airport in Vancouver, waiting for my flight going to Toronto someone paged me and told me to go to customer service, kinabahan ako bigla "oh my gosh what the heck they're calling my name?"..so labas ulit ako sa waiting area and looked for the customer service desk to find out na its because of the pillow kaya pala ako pinaged, whew, kala ko ano na! Yun pala naiwan ko sa washroom si pillow, nakuha ng taga-linis then dinala sa customer service, good thing is may naiwan akong Embarkation Card na ginawa kong scratch kaya may name ako dun, buti na lang! Talagang para sa akin talaga si pillow kaya mahal na mahal ko yan! :)

Wednesday, October 18, 2006

another chick lit


Whew! Finally natapos ko ulit tong book after "The Undomestic Goddess", as usual 2:30am na naman ako natapos at eto puyat ang Misyel pero worth it naman kasi the best yung story...

Can You Keep a Secret by Sophie Kinsella is another good one to read...funny and romantic, actually nabitin pa nga ako sana hinabaan pa ng husto, hehe.. The main character has a lot of secrets until she spills it to a stranger guy, then dun na nagsimula yung story. I really had fun reading this chick lit, may times na natawa ako and naiyak pa, corny ko! hehehe... I wanna read again and again na, kaka-adik talaga!

One of my fave qoute in this book:
...if you can't be honest with your friends and colleagues and loved ones, then what is life all about?

Thursday, October 12, 2006

Weekend Blessing


How important is it for you to go to church?

I'm so happy and blessed last weekend, I went to church and received strength and power from God. It was our convention, nakita ko yung isa sa mga Pastor na nabisita sa church noon sa Pinas... Hay, ang sarap ng feeling na makita mo at makausap ulit yung mga servants of God na di mo nakita ng matagal na panahon, what if si God na kaya yung makita natin? Sobra siguro sa ligaya..our problems, worries and sorrow will be gone.


Hebrews 10:24-25
24And let us consider one another to provoke unto love and to good works:
25Not forsaking the assembling of ourselves together, as the manner of some is; but exhorting one another: and so much the more, as ye see the day approaching.

Thursday, October 05, 2006

chick lit


Three weeks ago my cousin Leah lend me a book to read "The Undomestic Goddess", she said it is a good one. At first I'm kinda hesitant just to open it because reading books, I think, is not my cup of tea. But know what? I finished reading it the other the day atlast! hehe... I slept around 2:30 am 'coz kapag sinimulan mo na pala di mo na matigilan, para palang drugs nakaka-adik :D My eyes got tired kasi talagang pinilit kong tapusin, my cousin's right (not left :D ), I found the book funny and sweet, you'll even get a lesson on the story.

Wanna share to you one of my favorite quote on the book:
"Sometimes you don't need a goal in life, you don't need to know the big picture. You just need to know what you're going to do next."

Thursday, September 28, 2006

Fall/Autumn


Yeah right, fall na naman... Tapos na ang summer, maramramdaman mo na naman ang lamig dito sa amin. Madalas umuulan ngayon and sa labas makikita mo na din ang mga dahon na iba na naman ang kulay, karamihan nagdidilaw na at nahuhulog na sa daan. Umpisa na naman magsuot ng jacket or sweater at tago na naman ng mga damit na pangsummer, iba na naman ang nakalabas na damit sa closet ko.. Mami-miss ko na naman ang shorts at sandals huhuhu... Naku sana naman this time wala na kong depression mode, kasi last year madalas akong malungkot at ma-homesick kaya dami ko ding naubos na card pangtawag sa amin. Mabilis na naman kasi dumilim, mas konti na ang liwanag pero mas masarap na ngayon matulog hehehe at ang kagandahan pa nito puputi na naman si Misyel kahit konti hahaha...

Mabilis talaga ang takbo ng panahon kahapon lang nasa park kami eh, ngayon eto at nasa loob na naman ako ng bahay nakasweater, tahamik kaya gawa ako ng new entry. :)

Monday, August 28, 2006

PASUKAN NA NAMAN!


One week na lang pasukan na ng mga bata... Tahimik na naman ako nito sa bahay kasi papasok na mga pamangkin ko sa school, mababati ko na naman ng good morning ang buddy ko sa chat :D Makikita ko na naman si Kerrie ang bus driver na laging nagsasabi sa akin ng "bye aunty Michelle" at makikita ko na naman ang kapit-bahay namin na Pinay tuwing alas-dose ng tanghali. Ang dinner namin maaga na naman kasi kailangan maaga matulog ang mga bata. Iba na naman ang routine ni Misyel...

Ang bilis talaga ng panahon naka two months na bakasyon na pala sila, nararamdaman ko na din malapit na ang tag-lamig. Naaalala ko noon nung estudyante pa ako kapag malapit na ang pasukan halo ang emosyon ko, malungkot kasi tapos na yung bakasyon at pasarap katulad ng pagpunta sa mga beaches and pag-bisita ng mga pinsan sa bahay o kaya kami ng kapatid ko bakasyon sa mga kamag-anak, then makikita ko na naman yung mga terror na guro at mga kaklase na bully...masaya kasi makikita ko na naman mga kaibigan ko sa eskwelahan, yung mga crushes ko hihihi, meron na naman akong bagong notebooks and bag at makakaipon na naman ako kasi may allowance na naman hehe. Pero sa totoo lang masarap na mahirap talaga ang maging estudyante. Maraming sacrifices, nandyan yung maaga ka magigising para maghanda sa pagpasok at mapupuyat ka kasi kailangan mo mag-review, pero kapag natapos ka naman matutuwa ka kasi nakaya mo lahat ng hirap at matutuwa din mga nagpaaral sa'yo. Ako nga pwede pa mag-aral ulit, naiisip ko nga ulit pumasok sa Unibersidad hmmm kung kakayanin pa ng budget ko why not?! Kaso kapag nasubukan mo na magtrabaho tatamarin kana mag-aral pa, pero sabi nga ng iba habang bata ka pa aral ka lang.

Sa mga babalik ulit sa eskuwelahan, good luck na lang sa inyo. Pagbutihin ang pag-aaral para may anihin pagkatapos.. Naks si Misyel ba ito? hehehe. Smile and be happy always :)

Saturday, August 19, 2006

PUYAT

Ilang araw na lagi na lang tulog ko eh bitin, ang galing ko talaga pagdating sa puyatan (nagmalaki pa si misyel, tsk! :) )... Nung nasa Pilipinas pa lang ako natutulog ako ng mga alas-onse o kaya alas-dose ng gabi tapos nung makarating ako dito sa Canada naku...lalo akong lumala! hehehe... Kanina 7am na kami nakatulog ng pinsan ko at nagising ng alas-nuebe ng umaga, tinulungan ko kasi magpripare para sa birthday ng anak nya. Sanayan lang siguro ito, pero habang nagta-type ako ngayon super antok ako. Nilalabanan ko lang kasi may party nga. Kainan na naman, yahoooo! :D


Sino kaya lalaban sa akin makipagsabayan sa puyatan? Ikaw laban ka? Palaliman tayo ng mata, hehe...

Saturday, August 12, 2006

Paramount Canada's Wonderland

I had a great time going on a ride at Wonderland... Huwaw! Super nayanig mga laman ko sa mga rides na nasakyan ko, got nervous but after sarap sa pakiramdam kasi na-try ko, I've overcome my fears. Naalala ko tuloy ang Enchanted Kingdom, ok din mga rides but mas malala dito sa wonderland. Like yung psyclone ride, hay halos maalis bituka ko, grabe! Natawa ako sa isa kong friend kasi sabi nya ang sarap daw ng feeling ng hinahagis ka para bang yung kaluluwa nya eh nahihiwalay sa katawan hahahah... Bilib ako sa mga tao na malakas ang loob, I hope sa susunod ganun na din ako katapang (tulad ni Harold, hehehe).

Below are some of the rides that I've tried.....

(from L to R Sledgehammer, Psyclone, Shockwave and The Bat)

Friday, July 28, 2006

FROM FRIEND TO LOVERS...

Na-experience nyo na ba magmahal ng isang kaibigan??? o kaya mahalin kayo ng kaibigan nyo ng higit pa sa isang kaibigan?...

Marami akong kilala na nagsimula bilang magkaibigan, magkatropa, magkabarkada, magkaberks pero sa huli naging lovers... Yung iba sa kanila naging successful sa relationship pero may iba naman di naging ganun kaganda yung pagsasama at ang sama pa pati friendship hindi na naibalik pa :( Yun siguro yung consequence ng pumasok ka sa relasyon na kaibigan mo nung una, malaki posibilidad na kung di kayo magclick bilang lovers mahirap nyo na maibalik pa yung friendship nyo sa isa't-isa, kumbaga may lamat na...hirap na mabuo pa ulit. Pero meron yung hanggang ngayon lovers and friends pa din, hmm this is what I like :)

Naranasan ko na din magmahal ng isang kaibigan, sa una masaya nagkakasundo kami sa lahat kasi kilala na namin isa't-isa pero di din pala sukatan yung pagiging maging magkaibigan nyo ng una... Iba na kasi yung maging kayo talaga, as in magka-ibigan. Marami pa din ang magbabago, depende pa din kung paano nyo dadalin yung relasyon.

Saludo ako sa mga kaibigan ko na nagkatuluyan talaga, may iba nagkaanak na at masaya bilang isang pamilya.. Hay sarap ng pakiramdam kapag ganito ang ending nyo. Ako kaya ganito din? Or kayo kaya? hmmmm... Basta ang mahalaga masaya ka kung sino man maging lover mo dba? :)

Sunday, July 23, 2006

SUMMER FUN

Hay ang sarap talaga ng summer, dami ko na naman napasyalan.. Sarap din magkakain, nga lang di mo maiwasan tumaba hehe.. Last week me, my cousins and friends went to Centre Island, ganda talaga sa lugar na 'yon (dami mo pwede gawin), nakapag-rides ako this time, kwentuhan, picturan and kain na naman.. Pagtapos namin sa Centre Island punta kami sa downtown hanap kami ng Chinese rest, yummy food again! Kaya eto nag-gain na naman ako ng weight, hay hirap ng lumalaki parang hirap gumalaw, hehe..

Kahapon naman nagpunta kami sa Thomson Park, picnic ng mga tarlaquenos (mga taga Tarlac) kita ko mga kabalen... Dami again food and yung barbecue, sarap! I remember last year kadarating ko nun dito sa Canada yung park na yun ang una kong napuntahan so kahapon nagreminisce ako, how time flies... Isang taon mahigit na din pala ako dito and so far I'm enjoying my life here, lalo na kapag ganitong summer, para akong nasa Pinas. Nice weather, views and people...

Next week saan naman kaya kami punta??? hmmm.. balitaan ko na lang kayo ulit ok? :)

Tuesday, July 04, 2006

InTrOsPeCt!oN

There are things that we need to forget sometimes... Things that we have done that we thought was right but it's not. Yes, we do nasty things in our life and for me i did but i regret it all now. Not me, not me... I guess its too late, people that we love will be lost because of being stupid. We'll just realized the importance of them when they're gone already.
I think the best way to get over these is to focus on the good side of life and yes, we have to learn from our mistakes. Good thing is we know how to get up...gather all the pieces that we've lost and bring them back again in their proper places.

Friday, June 30, 2006

MISYEL'S 1ST B-DAY IN CANADA



Last Wednesday was my first birthday in Canada... At first it was just an ordinary day for me, unlike in the Phil's, I still remember my mom always cooked something for me and it’s always a special day for us. Maybe I just missed my family that's why I’m so sad that time, the emotional Mitch again...but my kuya Rommel and ate Lhay surprised me, they brought me some pansit (the usual pinoy style) and ulams...I’m so glad I have relatives like them, blessed talaga ako :)

But last Sunday I had advanced party at my cousin's place, my friends came and relatives too... WOW! Such a nice party, there's Fil food again, drinks (got tipsy hehe, medyo kahiya sa mga bisita but saya eh, hehe...), the ever loved 'magic sing' and walang sawang kwentuhan and tawanan... Nice to have lots of friends abroad 'coz sila yung pang-alis boredom mo. hmmm, thanks for you guys ha! Making my first b-day here a special one... love yu all! :)

Tuesday, June 20, 2006

PARTY TO THE MAX...


huwaw!!!! Last Saturday I went to my friend's birthday party, sobrang layo ng binyahe ko as in... para bang manila to cabanatuan, hehe but enjoy naman kasi dami akong nakita na magaganda sa paningin :D Bago ako pumunta sa bday ni ate Elvie, nagshopping muna kami ng friend ko, hay ang sarap ng feeling, yun bang mapasaya mo sarili mo kasi nabili mo yung gusto mo, medyo masakit nga lang sa bulsa but ok lang kasi satisfied naman ako.. Dami ko nakain sa party, sarap talaga ng filipino food, nawala tuloy diet namin and syempre nagkantahan to the max kami ulit while drinking some toot...toot... hehe, tipsy nga ako lalo na friend ko hahaha, di kasi sanay uminom kaya ayun napagkatuwaan tuloy but she's cute huh, daldal to the max eh. Tapos after the party we decided to go clubbing kaso nga lang 'di kmi prepared masyado hehehe kaya ayun nagpa-ikot-ikot lang kami sa downtown and at the end napadpad kami sa bahay ni ate Lhay, ayun dun namin tinuloy yung party hehe... Sunday, di pa din kami nakuntento pumunta pa ulit kami sa isang party, this time ganun pa din hahaha... kain and inom na naman pero may matching poker time na si Harold, talo nga lang po but nag-enjoy naman. Supah enjoy talaga kami, dami mga comedy nangyari and mga kilig moments. Hay, iba talaga feeling ng nakakalabas sa lungga, sarap! Next weekend naman party again for us, this time akin naman.. Sana mabusog ko sila sa hopia kong handa, hehe.

Monday, June 12, 2006

JAPANESE FOOD


Just wanna share with you guys that Jap food is great! Kanina super busog ako kasama cousins, aunty and nieces ko.. Eat all you can ba naman, syempre halos lahat ata na-try namin hehe.. Kaso nga lang ganun ba talaga food nila??? Kasi nung nakauwi na kami lahat ng kasama ko ata eh puro spray ng kakaibang pabango mula sa kanilang katawan hahaha.... ako lang ata matibay kasi sanay ako sa Kamote, hehehe.
Sarap talaga kumain kaso nga lang sayang yung pilates na ginawa ko kanina, 'di bale dami pa naman time for that hehe... yung food kasi can't resist :D

Friday, June 09, 2006

KWENTONG MISYEL PART2

Here I am again posting another non-sense story of mine, hehe... Thank God it's Friday! I'll go pasyal this weekend, yahoooo!!!! Masusuot ko na naman mga tinago kong pang-summer yehey! Saw that our weather tomorrow is good, so niyaya ko na pinsan ko mamasyal bukas and she says yes, hehe. I had a great weekend last time, met some new people and danced all night at last, hehe.. Sayang nga lang nung time na for sweet dance umalis na yung na-i-spotan ko hahaha.... and last Sunday i'm so happy when I saw Barney, may childish side pa din talaga ako, napakanta din ako huh hehe, then when we went back home at ate Lhay's place may surprise party pala siya, i guess napasaya naman siya ng kanyang hubby on her b-day. Saya ko din nun, kasi nakakain na naman ako ng madami, nakainom din ng..........., hehe and nakakanta ng madami din hahaha.... tapos may ka-duet pa, naks! Saya dba? hehe... Lapit na din bday ko and some of my friends, kaya sunod-sunod na weekend ang tipar namin. Habang summer kasi dapat walang sinasayang na araw (wish ko lang mabasa to ng buddy ko, hehehe) tsaka para maalis din ang depression galing sa kung saan at sa kung sino, hehe..

Ito na lang muna, baka masyado na kayong mabaliw sa kakabasa hehehe... maya ulit pagnakaisip ako ng magandang isi-share.. ciao mien, hehe :)

MAKARELATE KA KAYA???




Nakakatawa talaga ang love. Isa siyangnapakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mongmasabisa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo di ba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason.Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo parin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Teka, anoba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi cum laude angstanding niya, pero dumating ang panahon,na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga nasiya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng lovenagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ngmalalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam,nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ngsagot.Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,lumalambot.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siyasa mga taong ayaw na talaga magmahal.Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko nama-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya.Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero 'pagproblema mo na yung pinag-uusapan parangnawawalanng saysay lahat ng ipinayo mo dun sanamomroblemang tao? Naiisip mong wala namangmalidun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taongtinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayonkolang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh! "Angsarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"
At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ngmga taong alam naman nilang masasaktan langsilaeh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyemprehindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sapaderyon, at pagbabagsak ng pinto.
Ang labo talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ngmgabagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na angpinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siyanakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay angkatotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahilsiguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.

Friday, June 02, 2006

KWENTONG MISYEL PART1

This is my first time to post sa blog ko... ano kaya lagay ko? hmmm mga kababawan ko sa buhay? oh well, ako po si michelle, mitch 4 short hehe... lagi ko sinasabi cool ako but not much may pagka-hot din i guess, ooooppss don't get me wrong guys...may times din na moody si mitch but once in a blue moon lang po iyon. you can count on me if you need someone to talk to, madali lang po ako i-approach maski wala na chocs and flowers hehehe.... masarap ata magpasaya ng tao, nakakagaan ng loob and masaya yung madaming friends na matatawag, sila yung treasure mo sa buhay.. may cirlce of friends na din ako dito and kung wala siguro sila boring life ko at di ako matututo maggagala sa toronto hehe...
almost summer na dito sa amin kaya masaya na naman dahil magiging magaan na mga damit na isusuot ko hahahha.. at pwede na magpa-araw at makapaglakad-lakad and most esp makapagclubbing, hay salamat, sa wakas! :D mawawala na din ang depression sa buhay, tama nga na minsan nakukuha yun sa weather or i should say na it depends on the weather too (parang iningles ko lang ah, hehe).. last winter kasi may mga times nun na para akong nababaliw, bigla akong iiyak and maaalala ang mga mahal ko sa 'pinas, pero sanayan din pala lahat, ngayon kapag naaalala ko yung dati natatawa na lang ako, i can say mas naging iba na isip ko, 'di na isip ipis, hehehe.. ano pa ba? oh ito, miss ko na po ang pilipinas kong mahal :D mga ka-berks abangan niyo ako dyan ha, gimik tayo pag-uwi ko, yun yung isang namiss ko sa 'pinas eh and syempre mga mahal ko sa buhay naks! oo kayo nga, sino man kayo hehe.. alam ko nami-miss nyo na din ako, iba talaga buhay dyan mas masaya maski na mainit pero ibang-iba. madami na daw bago sa atin, like yung newest mall sa may roxas blvd. tiyak ako na pupuntahan ko yun paguwi ko hehe, sama kayo? and sana lang makapunta na ko this time sa bora, dami ko plans paguwi ko pero sana matupad lahat di lang puro drawing. i hope too na makita ko mga friends ko na di ko nakita ng matagal na panahon, chikahan to death tayo talaga hehe.
hay naku, sana po di kayo nabored sa post ko na to kasi puro walang kwenta mga nasabi ko hehehe.. wala lang kasi akong magawa and this is a free country right? so im just using my rights hahahha... ok next time ulit, kapag nasa mood ako and sana nasa mood din kayo that time magbasa hehe. love you all.. smile all the time para we always look young :)