Friday, June 27, 2008

haberdey to me

Masaya ako today….

Ito yung araw na lagi kong hinihintay…

Basta pumatak ang twenty-eight ng Hunyo abot tenga na ang ngiti ko…

Hindi dahil sa adik ako kundi ito kasi yung araw na binigyan ako ng chance na mabuhay dito sa mundong ibabaw (awww, drama ito!)…

Sa nakaraang mga taon na binigay sa akin ni God masasabi kong hindi Niya ko pinabayaan, dama ko at kita ko yung pagmamahal Niya kahit na madalas pasaway akong nilalang…

He’s so good to me and sa loved ones ko as well. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa Kanya. I owe everything to Him and He is everything to me… Labs you po! :)

Nag-uumapaw din ang pasasalamat ko sa mahal kong pamilya, they’re my inspiration. Pangatlong taon ko ng hindi sila kasama para magcelebrate sa taon na nadagdag sa akin :D , pero sa tatlong taon na iyon patuloy pa din ang pagluto ni mamsy ng pansit at pag party nila without the celebrant. How sweet?!

God blessed me too for giving me lots of insans and friends. Glad meron akong tulad nila, sarap kaya ng feeling na maging special ka lagi at ganun din sila sa akin.

And lastly, kayong mga bloggie friends ko. Simpleng comment and makita ko lang na nabisita niyo ako sobrang saya ko na nun. Tapos makakabasa ka pa ng pambihirang mga kwento, hayy panalo! Pampasaya na ng araw.

So sa lahat ng iyan, hindi pa ba sapat para magsaya ako ngayon? Wuhu, life is really this awesome and wonderful!!!

Aberdey to ME!!!

Thursday, May 15, 2008

puyatera no more!?

Ilang linggo na din akong natutulog ng maaga. Dati rati kasi umaga na ko kung matulog, inaabot ako ng madaling araw. Kaya naman yung eye bag ko eh pwede ng taniman ng halaman, lolz! Naalala ko pa nga noon dahil sa kakapuyat ko eh pinutakte ako ng mga pimples, nyay!

Gustuhin ko man magpuyat tulad ng dati, gumamit ng internet hanggang sumakit na mata ko at dumoble na tingin ko sa mga nababasa ko, manood ng telenovela hanggang alas kwatro (oo, baduy na. wala kang pakialam!), magbasa ng kung anik-anik, wantusawang makinig ng musika, tumunganga sa kwarto at tumingin sa kisame, maghalungkat ng gamit at magsukat ng trip na damit, humarap sa salamin at mag-astang model, magtelebabad sa telepono hanggang sumakit ang tenga o di kaya'y magtext hanggang mapuno ang inbox, kuhanan ang sarili gamit ang timer ng camera, kumain ng chicha hanggang tamarin ng magtutbras at kung ano-ano pa...

Ngayon di ko na yan magawa. Bakit kamo? Di ko actually alam eh, hahaha! Para kasing may napigil sa akin at nag-uutos na matulog na ako. Basta pagpatak ng alas dies y medya ng gabi para na akong hilong talilong at kailangan eh nasa higaan na ako sa ayaw ko man at sa ayaw. :D

Sabagay, maganda din matulog ng maaga. Mas lumalakas ang katawan, bawas na si eye bag, kumikinis ang mukha at walang sakit ng ulo pag gising. Yun nga lang madami akong namimiss, tulad na lang ng pakikipagchat ko sa mga kaibigan ko na sa gabi ko lang natatagpuan at paggawa ng entry sa blog (ewan ko kasi parang mas ayos sa akin magisip sa gabi kasi tahimik). May ilan na nga akong friend na nagsabing hindi na nila ako nakikita at nakakausap, nagtatago daw ako hehehe. See? Hindi sila sanay na hindi ako nakikitang naka online hanggang madaling araw, ibig sabihin 1st runner-up ako sa pagpupuyat.

Teka lang, bakit parang may nakikita akong mga stars sa paligid??? Naku, hala umabot ako ng 11pm! Hinihila na ako papunta sa bed, ayan na po, sige bukas na lang ulit mga pips. Salamat sa pagbabasa! ;)

Saturday, November 17, 2007

Another Blog

Kamusta na kayo? Gusto ko lang sanang ipakilala ang isa ko pang bahay na madalas kong tuluyan sa ngayon.... Baka gusto mo lang bumisita, you are so much welcome!

Tuesday, October 30, 2007

Fafa Piolo

I finally met my longtime crush last Saturday and gosh it really made my day super duper enjoyable. Kinilig si Misyel the first time she saw Piolo on stage like most of the people inside the hall. The concert is not that good though because of the venue, sound system and lightings but to simply glimpse at my fafa P is all that matters to me, hehe… I’ve been in the Philippines for so many years pero dito ko lang pala siya makikita sa Canada, ang saya talaga! :)

I want to share with you a short video I took during the concert:

Friday, October 19, 2007

Kamusta na?

It's more than 2 months since my last post... Kaya eto na po si Misyel nagbabalik. Pagpasensyahan na po kung medyo matagal akong nawala. Sa loob ng dalawang buwan madami din nangyari sa akin, ang pinaka highlights nito eh yung paguwi ko sa ating mahal na bansa.


Isang buwan na din ang nakalipas simula nung bumalik ako dito sa Canada. Hayyy, natatandaan ko pa ang lahat ng mga good memories ng bakasyon ko. Super duper enjoy ako dun kapiling ng mga mahal ko sa buhay. Ang sarap makasama ang pamilya, atlast nabuo din kami at nadagdagan pa ng isa. Kinasal ang sister ko kaya sabay din kaming umuwi, simpleng kasal lang, pili lang ang mga bisita halos mga relatives lang ang nandoon. Masaya ako para sa aking kapatid (kahit naunahan si ate Misyel niya, hehe), mabait ang hubby niya kaya salamat sa Diyos. Apat na linggo din ako nagstay dun pero bitin pa pala yun, halos araw-araw nasa labas ako namamasyal kasama family ko. Na-meet ko din mga kaibigan ko and syempre gumimik din si ako (mawawala ba naman yun..). Kaya nung pabalik na ako dito naramdaman ko na yung sobrang lungkot at lalo na nung nandito na ako, two weeks din ata akong nag-iiyak sa sobrang homesick. Mahirap talaga mapahiwalay sa mahal sa buhay pero kailangan magsakripisyo para din sa kanila. Sana lang sa sunod kong balik sa atin eh, mas matagal ako para mas makasama ko sila ng matagal.


Kamusta na ba kayo? Pagpaumanhin niyo sana ang di ko pagdalaw ng matagal sa inyong mga bahay, hayaan niyo babawi ako... Tenk yu ng marami sa lahat ng bumisita dito sa inamag kong lungga. Share ko sa inyo mga photo ng bakasyon ko dito at kasal ng sister ko naman dine. Enjoy viewing!

Friday, August 03, 2007

Eksayted

Noon kapag malungkot ako or walang magawa kaharap ko na pc at nagbablog na ako pero ngayon di ko man lang ma-update 'tong bahay ko. Hindi naman sa ayaw ko na magblog pa, nagbabasa lang ako ng mga blog niyo pansamantala pero di ko pa din maiwasan magkwento ngayon hehe... Nabusy lang talaga ako lately, kasi nga summer at palagi ang gala kasama mga pinsan o kaya kaibigan. Bukas nagkayayaan na naman lumabas at tiyak ko na masaya ito kasi kasama lahat ng mga pinsan ko, aba minsan lang ata mangyari ito hehe. Kaya I hope enjoy to the max ang lahat.

Excited na din ako dahil ilang tulugan na lang tantararan.... makakasama ko na mga love of my life ko, hay after ilang years may picture na naman kami na buo ang pamilya. Uuwi din ang sister ko kaya I'm sure masaya talaga at may kasalan pang magaganap, hmm abangan! hahaha... Makakain ko na din mga pagkain na nami-miss ko lalo na yung luto ni Papsy na puso ng saging na may saluyot (oh diba noypi na noypi?! :D ). Yung mga friends ko hinihintay na din ako, naku mapapalaban ako ng kwentuhan nito at kain na walang kasing sarap, hehe. Oh well, excited na talaga si ako!

Sana di kayo magsawa sa pagdalaw, I wish makakwento ako ng may sense naman sa susunod, nyahaha. Stay happy and keep on rockin'!

Wednesday, July 18, 2007

Ang pagbabalik ng lakwatsera!

Matagal din bago ako nakapag-update ng inaagiw ko na blog, sa mga dumalaw po maraming salamat. Masyado lang naging busy si Misyel, lakwatsa dito gala doon ang ginawa ko plus some documents na kailangan gawin on the other side. Madami kasing pwede puntahan ngayon dito, umulan man o umaraw maraming invitation para sa pasyal or party.

Nakapangako ako na magsi-share ako ng mga photos from my birthday party last June 30, kaya eto po pagpasensyahan nyo na yung mga makikita nyo.




After nung party nakabakasyon ako for one week kaya sinamantala kong mamasyal at dumalaw sa mga mahal ko. Nakapag-enjoy naman ako, lalo na nadalaw ko yung lola ko na matagal ko ng di napasyalan, biruin mo nandito lang kami pareho sa Toronto pero one year na din since huli kong dalaw sa kanila. Masaya sila na makita ako at ganun din si Misyel, nagstay ako ng ilang araw kila lola. Tapos nakasama ko mga pinsan ko at friend sa Ontario Place. Magandang pasyalan lalo na sa mga kids, super enjoy ang mga pamangkin ko, syempre ako din. Inulan nga lang kami nung araw na yun pero sulit pa din, thank God wala naman nagkasakit sa amin.

The following week naman my friend and I went to Centre Island, matagal ng plan yun ng mga friend ng kaibigan kong si Glenda kaya even though its raining hard tuloy pa din kami. Masaya naman kasi may nakilala akong mga new friends. Pagtila ng ulan pasyal pa din kami and ikot sa loob ng Island. It's a nice place, every summer napunta ako dun maganda kasi pasyalan.

Here are some of the photos from my pasyal:



<


Sayang di ko nadalaw karamihan sa inyo, pero one month na lang kikitain ko kayo hehehe... Hayy wish ko lang magawa ko yun. Pero malapit na ilang tulugan na lang kita ko na mahal kong bayan , yipeee! :)